Puyat ka na naman ba kagabi dahil hindi maayos ang iyong pagtulog dahil kay mister na sobrang lakas humilik? Naku, narito ang confession ng isang maybahay at kung paano niya araw-araw ito nararanasan. Narito rin ang tips para maiwasan ang paghilik.
Kahit maalaga at palabirong tao ang aking asawa, matagal-tagal rin akong naiinis sa kanya. Ito ay dahil sa kanyang paghilik na pinapahirapan akong makatulog.
Sa halos apat na taon, ang pinaka-ayokong bahagi ng pagsasama namin ay ang kanyang paghilik. Sobrang lakas niya humilik, nararamdaman ko na nanginginig na ang aming kama. Ang masama pa nito, kahit kakahiga pa lang niya, nagsisimula na agad siyang humilik. May isang araw na hindi ko na talaga kinaya, at nasapak ko siya habang siya ay natutulog. Madalas, nahihirapan kaming makatulog. Ako, dahil sa paghihilik niya, at siya, dahil sinisipa ko siya dahil hindi ako makatulog.
Hindi biro ang paghihilik. Nakakasira ito ng buhay mag-asawa, at may masama ring epekto sa kalusugan.
Tips para maiwasan ang paghilik| Image from Freepik
Ano ang dahilan kung bakit humihilik ang isang tao?
Marahil ay sobrang iritado kana sa iyong asawa dahil gabi-gabi na lamang itong humihilik sa gabi. Hindi kana makatulog, ano? Pero bakit nga ba humihilik ang isang tao?
Ang paghilik ay nangyayari kapag nagvivibrate ang mga tissue sa iyong lalamunan kapag nadaanan ito ng hangin na nilalabas mo sa gabi. May iba na para sa ka kanila ay wala la,mang ito. Ngunit kadalasan, hindi natin napapansin na isa pala itong sign ng seryosong health condition.
Ayon sa National Sleep Foundation, halos kalahati ng mga taong mayroong sleep apnea ay mayroong problema sa relasyon dahil lang sa paghihilik.
28% ang nagsabi na nagkaroon ng problema ang kanilang sex life dahil sa kakulangan ng tulog. Kahit sabihin na nating pwede naman matulog sa magkahiwalay na kwarto, hindi rin ito nakabubuti sa mga mag-asawa.
Bakit humihilik ang isang tao? | Image from Freepik
Isang himala! Paano ko napatigil ang paghilik ng aking asawa
Dahil dito, pinilit kong maghanap ng solusyon para sa paghihilik ng aking asawa. Ang nakatulong sa akin ay si Shelby Harris.
Si Shelby Harris ay direktor ng behavioural sleep medicine sa Sleep-Wake Disorders Center sa New York. Madalas siyang pinupuntahan ng mga asawang naghahanap ng solusyon sa paghihilik ng kani-kanilang mga asawa.
Tips para maiwasan ang paghilik
Heto ang kaniyang mga payo para sa mga taong maingay humilik:
1. Baguhin ang posisyon ng pagtulog
Nakakatulong sa sleep apnea ang pagtulog ng nakatagilid. Nakababawas din ito ng sakit sa likod, at pinapadali ang paghinga kumpara sa pagtulog sa likod.
2. Gumawa ng lifestyle changes
Ang pagbabawas ng timbang ay makakatulong sa paghihilik. Ang taba sa leeg ay nakakadagdag sa bigat sa leeg, at pwedeng magpahirap sa paghinga.
Kaya’t mabuting pumasok sa isang healthy na lifestyle upang hindi lang mawala ang paghilik, ngunit para na rin maging mas malusog ang pangangatawan.
Tips para maiwasan ang paghilik| Image from Freepik
3. Kumonsulta sa doktor
Kahit na nakatulong ang mga naunang solusyon sa aking asawa, hindi pa rin nawala nag paghihilik ng aking asawa.
Kaya’t minabuti na naming magpakonsulta sa doktor upang alamina ng dahilan kung bakit humihilik ang aking asawa.
Ni-record ko ang paghilik ng aking asawa, at pinarinig ito sa doktor nang kami ay magpakonsulta. Nakatulong ito dahil napag-aralan ng doktor ang snoring pattern ng asawa ko. Ngunit kinailangan pa rin niyang magkaroon ng sleep test upang mapag-aralan ang kanyang puso at paghilik. Dahil dito, nalaman namin na mayroon nga siyang sleep apnea.
Dahil dito, nirekomenda ng doktor na magsuot siya ng retainer na iniiwang bukas ang kanyang panga upang makaiwas sa paghihilik.
At sa kabutihang palad, nakatulong ang lahat ng hakbang na sinubukan namin. Hindi lang pala iisa ang solusyon dito, ngunit dapat iba’t-ibang solusyon upang mas maging epektibo.
Huwag mahiyang subukan ang iba’t-ibang solusyon upang makasiguradong masolusyonan ang paghilik ng iyong asawa.
Translated with permission from theAsianparent Singapore
Basahin: 7 payo ni lola at lolo para tumagal ang pagsasama ninyong mag-asawa
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!