Hindi maitatanggi na talaga namang nakakatakot kapag biglaang nag nosebleed ang bata. Ngunit sakaling mangyari ulit ito, alam mo na ba ang dapat gawin sa anak mo? Ano ba ang gamot sa nosebleed at first aid dito?
Talaan ng Nilalaman
Nosebleed sa bata
Kapag biglang nag nosebleed ang bata, o biglang nagdugo ang ilong, nakaka panic ito para sa mga parents. Maliban sa lunas sa pagdurugo ng ilong, ang unang maiisip natin mga moms ay kung paano ito nagsimula o ano ang sanhi nito.
Pero huwag mag alala. Kahit na nakakapangambang makita ang nosebleed o pagdurugo ng ilong ng bata, hindi ito gaanong malala. Pag-uusapan natin dito mga moms kung ano nga ba ang karaniwang sanhi ng pagdurugo ng ilong ng bata, gamot sa nosebleed, home remedy sa nosebleed at mga paunang lunas para dito.
Posterior at anterior nosebleed
Ang nosebleed sa bata ay maaaring maging posterior o anterior. Pinaka karaniwan ang anterior nosebleed, na kung saan makikita ang pagdurugo na nanggagaling sa harapan ng ilong. Ito ay bunga ng rupture ng maliliit na blood vessels sa loob ng ilong, o capillaries ayon sa medical term.
Samantala, ang posterior nosebleed naman ay nanggagaling sa mas malalim na bahagi ng ilong. Ang ganitong uri ng nosebleed ay bibihirang mangyari sa bata. Maliban na lang kung kaugnay ito ng injury sa mukha o sa ilong. Dito, kinakailangan lagi ng paunang lunas sa pagdurugo ng ilong at itakbo sa emergency.
Bakit nagkaka-nosebleed ang bata?
Ang pagdurugo ng ilong ay kadalasang normal. Ito ay dulot ng init sa katawan na gustong lumabas. Ngunit minsan, ang pagdurugo ng ilong ay isang sign ng malubhang sakit. Mas madalas mag-nosebleed ang mga 2 years old at 10 taong gulang. Nasa 50-60 years old naman sa mga matatanda.
Ang sanhi naman ng pagdurugo ng ilong ay dahil sa trauma sa maaaring pagkakasuntok sa mukha, pagkalikot ng ilong o kapag sobrang lamig.
Photo from Unsplash
Ano ang sanhi ng pagdudugo ng ilong?
Ang kadalasang sanhi ng nosebleed ay trauma sa pagkalikot sa ilong. Ito ay tulad ng pagkakasuntok sa mukha, o kapag sobrang lamig din. Kadalasan ay nagreresulta sa hindi pag-clot ng dugo dahil sa paggamit ng blood thinners tulad ng aspirin at warfarin.
Ang mga may high blood pressure ay may chance na magkaroon ng nosebleed. Ang mga may sakit sa atay ay maaaring matagal ng ang pag-nosebleed.
Mga karaniwang sanhi ng pagdurugo ng ilong
May iilang mga karaniwang sanhi ng pagdurugo ng ilong na kinakailangan ng paunang lunas, home remedy, at gamot sa nosebleed. Tiyaking pumunta sa doktor lalo na sa malalang kaso ng pagdurugo ng ilong bago painumin ng anomang gamot sa nosebleed ang bata.
- Tuyong hangin o dry air
- pagkamot o pagsundot sa loob ng ilong
- trauma
- sipon, allergies, o sinus infection
- impeskyon dulot ng bacteria
Maliban sa pag-alam sa gamot sa nosebleed, marapat lang din na alamin sa doktor ang sanhi ng pagdurugo ng ilong. Gaya ng mga nabanggit, ang pagdurugo ng ilong ay bunga din ng iba’t ibang kondisyon at impeksyon. Ang lunas ay kapwa para sa pagdurugo ng ilong at sa sanhi nito.
Ayon sa isang eksperto, nagiging mas karaniwan ang nosebleed sa bata kaysa sa matanda dahil sa pagiging curious ng bata sa kanilang ilong.
“Nosebleeds are more common in children than adults. This is mostly because children put their fingers in their noses more often! If you are able to stop your child’s nosebleed, you likely do not need to seek medical care. Call your doctor if your child’s nosebleeds are frequent and they have other problems with bleeding or bruising, or they have a family history of a bleeding disorder.”
– Karen Gill, MD, FAAP
Photo from Unsplash
Lunas at gamot sa pagdurugo ng ilong o nosebleed
Bago pa man mataranta at matakot mga moms sa pagdurugo ng ilong ng inyong anak, tiyakin muna na laging hindi nila kinakalikot o sinusundot ang kanilang ilong.
Minsan, ang pag-iwas sa masyado at palagiang papgsundot sa ilong ang pinakamabisang lunas at gamot sa nosebleeding o sa pagdurugo ng ilong.
Ang lunas at gamot sa nosebleed o sa pagdurugo ng ilong ay depende sa pagkalala nito, maliban sa sanhi nito. Narito ang mga karaniwang lunas sa pagdurugo ng ilong ayon sa antas ng pagdurugo:
- Nasal packing: Maaaring lagyan ng ribbon gauze sa nasal cavitiy ng doktor para lagyan ng pressure ang source ng pagdurugo.
- Septal surgery: Kung ang deviated septum ay nagdudulot ng madalas na pagdurugo ng ilong, maaari itong ituwid ng doktor sa pamamagitan ng surgery.
- Cautery: Sa prosesong ito, ang isang medical professional ay iko-cauterize o “i-buburn” ang area ng nasal lining para selyuhan ang ang nagdurugong blood vessel.
Home remedy at gamot para sa nosebleed
Kapag madalas pa rin sa pagdurugo ang ilong ng bata at nasa bahay lang, narito ang ilan sa mga home remedy at gamot sa nosebleed:
- gumamit at i-spray ang nasal saline mist sa nostrils o butas ng ilong ilang beses sa isang araw
- magpahid ng emollient na tulad ng Vaseline o lanolin sa bungad ng butas ng ilong sa pamamagitan ng cotton buds
- ang paggamit ng vaporizer sa loob ng kwarto ng bata ay mainam din
- panatilihing malinis at maikli ang kuko ng inyong anak para maiwasan ang pagsusugat kapag nagsusundot ng ilong
First Aid at paunang lunas sa nosebleed o sa pagdurugo ng ilong
Para maiwasan ang tuluyang pagdurugo ng ilong, kailangang agapan ito sa pamamagitan ng mga paunang lunas at first aid maliban sa gamot sa nosebleed:
- Umupo nang maayos. I-relax ang katawan. Ang paraang ito ay nakakapagpababa ng blood pressure sa mga ugat ng ilong.
- Pisilin ang iyong ilong at gamitin ang iyong mga hinlalaki at hintuturo para pisilin ang iyong ilong. Pagkatapos ay huminga gamit ang iyong bibig. Gawin ito sa loob ng limang minuto. Ang pagpisil nito ay nagbibigay ng pressure sa nasal septum na makakapagpatigil ng pagdudugo.
- Kung ayaw mo ulit dumugo ang iyong ilong, maaari lamang na ‘wag na ito kalikutin pa.
- Iwasan ang paninigarilyo dahil ito ang dahilan ng pagkatuyo at iritasyon.
- Ito ay maaaring dahil sa lagnat, allergy at sinus infection.
- Ang ulo ng pasyente at kailangang mas mataaas sa kanyang puso. Alalahaning wag muna huminga gamit ang iyong ilong.
- Kung sakaling maranasan ulit ito, magpakonsulta agad sa doktor upang malaman ang totoong kalagyan ng bata.
Kapag hindi pa rin tumitigil sa pagdurugo ng ilong ang bata kahit may paunang lunas na o first aid, kumonsulta na agad sa espesyalista para malaman ang sanhi nito at mabigyan ng gamot sa nosebleed at sa pinanggagalingang kondisyon nito.
Karagdagang ulat mula kay Nathanielle Torre
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan, at napapanahon, ngunit, hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!