X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Tungkol sa Anak
    • Sanggol
    • Preschooler
    • Preteen at Teenager
    • Toddler Years
    • Bata
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Mabisang gamot at home remedy para sa sintomas ng sinusitis

7 min read
Mabisang gamot at home remedy para sa sintomas ng sinusitisMabisang gamot at home remedy para sa sintomas ng sinusitis

Ang sinusitis ay pamamaga o inflammation sa paranasal sinuses. Karaniwang kaakibat nito ang rhinitis o inflammation sa ilong na may kasamang sipon. Nakadepende sa severity ng sinusitis ang gamot para dito.

Nakararanas ka ba ng tila pagsakit sa bahagi ng ilong na nagdudulot din ng sipon at pananakit ng ulo? Ang sinusitis ay pamamaga ng paranasal sinuses. May iba’t ibang uri ng sinusitis at nakadepende sa kung gaano ito kalala kung ano ang mabisang gamot para dito.

Talaan ng Nilalaman

  • Ano ang sanhi at sintomas ng sinusitis?
  • Uri ng sinusitis
  • Mabisang gamot sa sinusitis
  • Gamot sa sinusitis
  • Home remedy gamot sa sinusitis
  • Gamot sa sinusitis headache
  • Paano maiiwasan ang pagkakaroon ng sinusitis?

Ano ang sanhi at sintomas ng sinusitis?

Maaaring dulot ng viral o bacterial infection ang pagkakaroon ng sinusitis. Mayroong iba’t ibang uri ng sinuses sa ating katawan. Ang paranasal sinuses, ay matatagpuan sa likod ng ating pisngi patungo sa nasal cavity. Ito ang sinuses na naaapektuhan kapag mayroong sinusitis.

Pareho ang composition ng paranasal sinuses at ng lining ng ilong. Nagproproduce ito ng mucus o mala-sipon na fluid. Kapag na-trap ang fluid sa sinuses at napuno na ng dirt particles ay magsisimulang dumami ang germs. Magreresulta ito ng iritasyon at inflammation sa sinuses.

Tinatawag ding rhinosinusitis ang pamamaga ng sinuses dahil karaniwang kaakibat nito ang pagkakaroon ng rhinitis o inflammation sa ilong. Ang gamot sa sinusitis ay nakadepende sa tindi ng sintomas nito.

babaeng sumisinga - gamot sa sinusitis

Larawan mula sa Pexels kuha ni Andrea Piacquadio

Ang mga sintomas ng sinusitis ay ang mga sumusunod:

  • Pressure sa pisngi o tila pananakit sa mukha
  • Ubo
  • Sore throat
  • Mabahong hininga
  • Baradong ilong
  • Runny nose
  • Sipon na maaaring kulay berde o madilaw
  • Postnasal drip, kung saan may mucus o tila sipon na dumadaloy paibaba sa bahagi ng lalamunan.
  • Pagkawala ng pang-amoy at panlasa
  • Pamamaga ng mga mata, ilong at pisngi
  • Pananakit ng ulo
  • Lagnat
  • Pananakit ng ngipin

Karaniwang sanhi ng sinusitis ay viral infection. Subalit maaari ring ang dahilan ng pagkakaroon nito ay bacterial o kaya naman ay fungal infections.

Uri ng sinusitis

May iba’t ibang uri ng sinusitis. Nakadepende ang gamot sa sinusitis kung anong uri ang nakaapekto sa iyo.

Acute sinusitis

Pansamantala lang ang sinusitis na ito at karaniwang gumagaling din matapos ang pito hanggang 10 araw. Subalit maaari din itong tumagal nang hanggang apat na linggo. Pwedeng magkaroon ng ganitong sinusitis kung mayroong sipon o ubo o kaya naman ay seasonal allergy.

Subacute sinusitis

Tumatagal ang sintomas nito hanggang 12 linggo. Karaniwang sanhi ay seasonal allergies o bacterial infections.

Recurrent acute sinusitis

Kung nakaranas ng apat na episodes ng acute sinusitis sa loob ng isang taon, tinatawag itong recurrent acute sinusitis. Bawat episode ay tumatagal nang pitong araw o higit pa.

Chronic sinusitis

Kapag tumagal ng lampas 12 linggo ang mga sintomas ng sinusitis o pabalik-balik ito nang tatlong beses sa loob ng isang taon, chronic sinusitis na ang kondisyon.

Ayon sa Medical News Today, tinatayang nasa 50% ng mga tao na mayroong moderate-to-severe asthma ang mayroon ding chronic sinusitis.

lalaking umuubo-gamot sa sinusitis

Larawan mula sa Pexels kuha ni Towfiqu Barbhuiya

Mataas ang tiyansa na magkaroon ng sinusitis ang mga sumusunod:

  • Mayroong mahinang immune system dahil sa medication o kaya naman ay health condition
  • May seasonal allergy o allergy sa alikabok, pollen, at balahibo ng hayop
  • Mayroong nasal polyps o maliit na bukol sa nasal passage na maaaring magdulot ng pagkasira at pamamaga nito.
  • May ubo, sipon, o iba pang respiratory tract infection
  • Kapag na-bend o deform ang septum o ang buto sa ilong na humahati sa dalawang bahagi o nostrils.
  • Naninigarilyo
  • Mayroong dental infection

Mabisang gamot sa sinusitis

Nakadepende ang bisa ng gamot kung akma ito sa uri ng sinusitis. Karaniwang ginagamot lang sa bahay ang sinusitis pero kung ang sintomas mo ay hindi gumaling sa loob ng 10 araw makabubuting kumonsulta sa doktor.

Itatanong sa iyo ng doktor ang mga sintomas na nararanasan. Maaari ka ring sumailalim sa physical examination. Titingnan ng doktor ang nasal passages mo gamit ang endoscope.

Sa kaso ng structural damage sa septum o ilong, maaaring i-order ng doktor na sumailalim ka sa MRI o CT scan. Dagdag pa rito, kung allergy ang tinitingnang dahilan ng iyong sinusitis, magsasagawa ang doktor ng allergy test para malaman kung ano ang naka-trigger ng iyong sinusitis.

Samantala, maaari ring magsagawa ng blood test ang iyong doktor para matingnan ang ilang kondisyon na posibleng dahilan ng paghina ng immune system.

Mahalagang magpatingin sa doktor kung:

  • Lumalala ang sintomas imbes na mas bumuti sa paglipas ng mga araw
  • Tatlo hanggang apat na araw nang may lagnat na 38.6°C
  • Mayroong severe symptoms na hindi nawawala kahit mag-take ng over-the-counter na gamot sa sinusitis
  • Namamaga ang mata o nanlalabo ang paningin

Kapag nababahala sa mga sintomas na nararamdaman, agad na magpatingin sa doktor para malaman kung ano ang tamang gamot para sa sinusitis na nararanasan.

BASAHIN:

Sinusitis ng bata: Sanhi, sintomas at lunas para dito

#AskDok: Ano ang gamot para sa baradong ilong dahil sa sipon?

Inuubo ba si baby? Alamin ang sanhi nito at kung ano ang maaari mong gawin

Gamot sa sinusitis

  1. Para sa acute sinusitis na dulot ng bacterial infection, maaaring irekomenda ng iyong doktor na uminom ng antibiotics.
  2. Kapag chronic ang sinusitis, karaniwang hindi bacterial infection ang sanhi nito. Kaya naman hindi makatutulong ang pag-inom ng antibiotic. Ang kailangan ay umiwas sa mga lugar na maaalikabok, may pollen, at iba pang allergens.
  3. Makakatulong ang corticosteroid sprays or tablets bilang gamot sa chronic sinusitis. Magagawa nitong i-manage ang inflammation o pamamaga ng sinuses. Sundin ang prescription ng doktor kung hanggang kailan lang ito maaaring gamitin o i-take dahil maaaring magdulot ng adverse effects ang labis na paggamit nito.
  4. Kung hindi umubra ang mga nabanggit na pag gamot sa sinusitis, maaaring irekomenda ng doktor ang surgery. Kaya lamang, kakailanganin pa rin ang ibang treatment matapos ang surgery para maiwasang bumalik ang sinusitis.

Kung bata ang nakararanas ng sinusitis at nirekomenda ng doktor ang surgery, makabubuting humingi ng second opinion bago ito gawin.

babaeng umiinom ng gamot-gamot sa sinusitis

Larawan mula sa Pexels kuha ni Alex Green

Home remedy gamot sa sinusitis

Para maibsan ang nasal congestion dulot ng sinusitis maaaring gawin ang mga home remedy na ito:
  1. Dampian ng warm damp cloth ang iyong mukha at noo para mabawasan ang sakit na dulot ng sinus pressure
  2. Uminom ng maraming tubig at juice para manatiling hydrated
  3. Gumamit ng humidifier sa iyong kwarto upang mabalanse ang moisture sa hangin.
  4. Isarado ang pinto ng banyo, buksan ang shower at umupo sa bathroom. Hayaang mapuno ng steam ang paligid.
  5. Haluan ng menthol o eucalyptus oil ang hot water o towel. Tandaan lang na huwag direktang i-apply ang essential oils sa iyong balat.
  6. Linisin ang makakapal at malagkit na sipon o mucus sa ilong gamit ang salt water o saline solution.
  7. Gumamit ng nasal corticosteroid spray na mabibili over-the-counter.

Gamot sa sinusitis headache

Kung nakararanas ng pananakit ng ulo dahil sa pressure sa noo at pisngi maaaring makatulong ang mga over-the-counter medication. Ilan sa mga gamot na maaaring inumin para sa sinusitis headache ay ang acetaminophen o Tylenol, at ibuprofen tulad ng Advil.

Paano maiiwasan ang pagkakaroon ng sinusitis?

naghuhugas ng kamay-gamot sa sinusitis

Larawan mula sa Pexels kuha ng CDC

Maaaring maiwasan na magkaroon ng sinusitis sa pamamagitan ng pagkakaroon ng healthy lifestyle at pag-iwas sa mga germs at allergens na posibleng magdulot ng pamamaga ng sinuses.

Narito ang ilang pwedeng gawin para makaiwas sa pagkakaroon ng sinusitis:

  • Ugaliing maghugas ng kamay.
  • Kumain ng masusustansyang pagkain.
  • Iwasan ang paninigarilyo o umiwas sa mga mauusok na lugar.
  • Umiwas sa kemikal, pollen, o iba pang irritants.
  • Magpabakuna ng flu shot taun-taon.
  • Umiwas sa mga taong may active respiratory infections tulad ng ubo, sipon, at trangkaso.
  • Gumamit ng humidifier sa bahay para mapanatili ang malinis at moisten na hangin.

 

Partner Stories
Immunity for All Kids: Join Ceelin® in giving back through Caritas Philippines
Immunity for All Kids: Join Ceelin® in giving back through Caritas Philippines
Ano ang mga senyales na ang iyong anak ay isang Batang Matibay?
Ano ang mga senyales na ang iyong anak ay isang Batang Matibay?
For Your Sensitive Little One: 3 Best Things to Invest In for Baby’s Sensitive Skin
For Your Sensitive Little One: 3 Best Things to Invest In for Baby’s Sensitive Skin
Team BTK beats Team Sibol; RMC Grand Finals recap and more surprises from realme
Team BTK beats Team Sibol; RMC Grand Finals recap and more surprises from realme

Medical News Today, Cleveland Clinic, Healthline

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Jobelle Macayan

Maging Contributor

Inedit ni:

Marhiel Garrote

  • Home
  • /
  • Kalusugan
  • /
  • Mabisang gamot at home remedy para sa sintomas ng sinusitis
Share:
  • Cherie Gil pumanaw dahil sa cancer: "Cherie fought bravely against her illness with grace and strength."

    Cherie Gil pumanaw dahil sa cancer: "Cherie fought bravely against her illness with grace and strength."

  • Best Anti-Colic Feeding Bottles Philippines: Picks to Help Relieve a Fussy Baby

    Best Anti-Colic Feeding Bottles Philippines: Picks to Help Relieve a Fussy Baby

  • Feeling how your twins move inside your womb and what does it says

    Feeling how your twins move inside your womb and what does it says

app info
get app banner
  • Cherie Gil pumanaw dahil sa cancer: "Cherie fought bravely against her illness with grace and strength."

    Cherie Gil pumanaw dahil sa cancer: "Cherie fought bravely against her illness with grace and strength."

  • Best Anti-Colic Feeding Bottles Philippines: Picks to Help Relieve a Fussy Baby

    Best Anti-Colic Feeding Bottles Philippines: Picks to Help Relieve a Fussy Baby

  • Feeling how your twins move inside your womb and what does it says

    Feeling how your twins move inside your womb and what does it says

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2022. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.