Para sa mga magulang na naninigarilyo, siguro panahon na para mag-quit na kayo. Ito ay dahil ayon sa isang pag-aaral, ang passive smoking, o simpleng paglanghap ng usok, o maamoy man lang ang usok ng sigarilyo, ay puwedeng maging sanhi ng matinding sakit sa baga.
Ano ang passive smoking?
Madalas iniisip ng ibang tao na basta manigarilyo sila sa labas, o kahit saan, basta hindi sa loob ng kanilang bahay, ay magiging ligtas ang kanilang mga anak.
Ngunit ayon sa isang pag-aaral, kahit simpleng pag-amoy lang ng usok ay posibleng maging sanhi ng lung problems. Bukod dito, posibleng magkaroon ng asthma ang mga anak ng chronic smokers, o madalas manigarilyo.
Bukod dito, dadalhin din ng mga batang ito ang masasamang epekto hanggang sa pagtanda nila. Ibig sabihin, kahit hindi agad kita ang epekto ng passive smoking sa mga bata, siguradong lalabas ito sa pagtanda nila.
Kasama sa mga posibleng komplikasyon na manggaling sa passive smoking ay lung cancer, heart disease, at stroke. Sa mga bata, ito ay sanhi rin ng asthma, bronchitis, at pneumonia. Lahat ng taong nakatira kasama ang isang taong naninigarilyo ay nasa panganib ang kalusugan dahil sa masamang epekto ng usok galing sa sigarilyo.
Kaya ang nirerekomenda ng mga eksperto? Tumigil na lang sa paninigarilyo. Hindi ito madali, pero makakasigurado kang makakaiwas sa sakit ang iyong pamilya, at makakabuti rin ito para sa iyong kalusugan.
Paano tumigil sa paninigarilyo?
Ang pagtigil sa paninigarilyo ay madaling sabihin, pero napakahirap gawin. Ito ay dahil nagiging sanhi ng addiction ang nicotine na nasa loob ng sigarilyo.
Heto ang ilang tips para tumigil na sa paninigarilyo:
- Maghanap ng dahilan para ikaw ay ma-motivate na tumigil. Isang magandang dahilan ang kalusugan ng iyong pamilya.
- Humingi ng suporta mula sa iyong pamilya upang matulungan ka nila.
- Umiwas sa mga tao o kaibigan na naninigarilyo.
- Maghanap ng ibang hobby o mapagkakaabalahan.
- Ngumuya ng chewing gum, o kaya ay sumubo ka ng lollipop para makatulong sa oral fixation.
- Puwede ring gumamit ng nicotine gum para mapadali ang pag-quit.
- Libangin ang sarili at huwag isipin ang paninigarilyo.
- Umiwas sa alcohol, o sa iba pang mga trigger ng iyong paninigarilyo.
Source: BBC
Basahin: Bagong silang na baby namatay dahil sa usok ng sigarilyo
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!