Bakit sumasakit ang tagiliran ng buntis? Maaari bang may kinalaman ang maling posisyon sa pagtulog? Alamin kung paano at ano ang lunas sa pelvic girdle pain sa pregnancy.
Bakit sumasakit ang tagiliran ng buntis?
Ilan sa mga pregnant mommy ay nakakaranas ng chronic pelvic pain habang sila ay nagbubuntis. Ang Symphysis pubis dysfunction (SPD) o pelvic girdle pain (PGP) ay isa sa dahilan kung bakit sumasakit ang tagiliran ng buntis at hirap silang makatulog sa gabi.
Ang pagtulog ng patagilid ay nakakatulong upang mapababa ang risk ng pagkakaroon ng stillbirth. Ayon sa mga pagsusuri, ang mga buntis na nakaranas ng stillbirth pagkatapos ng kanilang 28 weeks gestation ay napag-alamang natulog pahiga imbes na patagilid.
Bukod sa pag kumbinsi sa mga pregnant moms na matulog patagilid, ano pa ba ang maitutulong natin sa mga mommy na nakakaranas ng pelvic girdle pain? Ano nga ba ito at bakit mas safe at comfortable matulog patagilid sa gabi ang mga buntis?
Sakit sa tagiliran ng buntis o Pelvic girdle pain pregnancy | Image from Freepik
Iba pang dahilan kung bakit sumasakit ang tagiliran ng buntis
Symphysis pubis dysfunction (SPD), or pelvic girdle pain (PGP)
Ang SPD ay isang hindi komportableng kondisyon ng isang buntis. Nararanasan ito ng mga pregnant mom 1 sa 300 na buntis.
Kapag ikaw ay isang buntis, makakaranas ka ng maraming sakit sa katawan katulad sa parteng symphysis pubis joint. Ito ay makikita sa harap ng pubic bone.
Nangyayari ang SPD kapag ang pelvic bone ng isang buntis ay nag-relax at na-stretch bago ang due date. Dahilan para maging unstable ang pelvic joint o symphysis pubis.
Ito ang dahilan kung bakit nakakaranas ng pananakit ng buntis. Ang dalawang bahagi ng pubic bone ng buntis ay tumataas at bumaba sa magkasalungat na direksyon.
Sa pag-aaral, makikita na nasa 60% ang nakakaranas ng sakit sa tagiliran ng buntis. Ayon kay Dr. Sheila Hill, Ob-Gyn sa Texas Children’s Pavilion for Women. Sa ibang malalang kaso ng SPD, ito ay maaaring mag sanhi ng separation ng pubic bone kapag ang isang buntis ay sobrang nakakaranas ng pananakit sa pelvic at hip. Samantala, ayon naman kay Dr. Hill, ang ganitong kaso ay hindi karaniwang nangyayari at lumalabas sa 1% ng mga nagbubuntis.
Sakit sa tagiliran ng buntis o Pelvic girdle pain pregnancy | Image from Freepik
Bakit sumasakit ang kaliwang tagiliran ng buntis?
Normal para sa mga kababaihang nagbubuntis kung bakit sumasakit ang kaliwang tagiliran ng buntis. Sa early pregnancy o first trimester ng isang babae, maaaring sintomas o senyales ang pananakit ng tagiliran ng buntis na ma-stretch ang katawan.
Dagdag pa, ang pag-stretch na ito ay makakatulong sa pagkakaroon ng sapat na space kay baby sa kaniyang kinalalagyang bahay-bata. Sa kabilang banda, ang pananakit ng tagiliran ng buntis ay posibleng magsanga-sanga ng mga kondisyon tulad ng gastro esophageal reflux disease (GERD) at constipation.
Iba pang dahilan kung bakit sumasakit ang kaliwang tagiliran ng buntis
Habang lumalaon ang pagbubuntis, ang pananakit ng tagiliran ng buntis ay bunga ng pag-stretch ng ligaments sa abdomen. Dito rin maaaring maranasan ng buntis ang SPD. Ang sanhi ng SPD naman ay ang relaxation ng ligaments naman na sumusporta sa pelvic bone ng babaeng buntis.
Isa ring itinuturong sanhi kung bakit sumasakit ang kaliwang tagiliran ng buntis ang urinary tract infection o UTI. Maaaring magkaroon ng UTI ang buntis sa anumang yugto ng kaniyang pagbubuntis.
Dagdag pa, ang pagkakaroon ng UTI ng buntis na nagiging dahilan kung bakit sumasakit ang tagiliran ay dahil sa hormonal at structural na pagbabago sa buntis.
Masakit na kaliwang tagiliran ng buntis: Mga senyales at sintomas
Narito ang ilan sa mga senyales at sintomas kung bakit may pananakit ng tagiliran ng buntis:
- Cramping o pananakit ng tagilirian ng buntis tulad ng mestrual cramps
- pressure sa bandang pelvic area
- cramping o pamimilipit ng kaliwang lower abdomen
- masakit na pubic area
- pagsakit ng lower back o ibabang tagiliran ng buntis
- pananakit na umaabot hanggang sa hita
- clicking sensation sa pelvic part
- pagsakit habang umiihi
Kung hindi napapalagay sa mga sintomas kung bakit sumasakit ang kaliwang tagiliran ng buntis, magpakonsulta sa OB Gyne para malaman ang mga dapat gawin at lunas.
Sanhi ng masakit na kaliwang tagiliran ng buntis timeline
Ang nangyayari sa mga mommies kung bakit sumasakit ang kaliwang tagiliran ng buntis ay normal na pagbabago sa katawan. Maaari ring sanhi ito ng problema sa pagtunaw ng pagkain tulad ng GERD.
Sa kasamaang palad, minsan, dahilan din ng pananakit ng tagiliran sa buntis ay pagkalaglag ng baby o miscarriage. Ang pinakamalalang dahilan ng pagsakit ng tagiliran ng buntis ay ectopic pregnancy, na nangangailangan ng agarang lunas.
Sa second trimester, ang pinaka karaniwang sanhi ng masakit na tagiliran ng buntis ay round ligament pain. Ang round ligament ang sumusporta sa sinapupunan. Nag-aadjust ito habang lumalaki ang baby sa iyong tiyan.
Ang pelvic girdle pain (PGP) ay maaaring maranasan sa kahit anong trimester ng pagbubuntis. Ngunit, kadalasan itong nangyayari sa ikatlong trimester o late pregnancy. Nararamdaman ang pananakit na ito sa pubic bone, kapantay ng iyong balakang.
Sintomas kung bakit sumasakit ang tagiliran ng buntis
Mararanasan ang SPD kapag sumakit ang pubic at groin area ng isang buntis. Pero may ibang kaso naman na naaapektuhan din ang kanilang upper thighs at perineum.
Isa sa karaniwang sintomas ay ang hirap sa paglalakad at pananakit ng pelvis na parang pinupunit ito.
Narito ang iba pang sintomas:
- Pananakit ng likod at balakang
- Pananakit parehas na may kasamang tila pumipitik na sensasyon sa pubic area
- Sumasakit ang inner thighs
- Lalong sumasakit kapag naglalakad, nagsasagawa ng weight-bearing activities, pag-akyat ng hagdan o paghiga
- Sakit na lumalala sa gabi dahilan para hindi ka makatulog
Ang kondisyon na ito ay maaaring maranasan kahit anong oras ng iyong pagbubuntis o pagkatapos manganak. Una mo itong mararanasan sa 2nd trimester ng iyong pagbubuntis.
Sakit sa tagiliran ng buntis o Pelvic girdle pain pregnancy | Image from Freepik
6 risk factor sa pananakit ng tagiliran ng buntis o pelvic pain
4 tips sa madaling pagtulog ng patagilid: Bakit sumasakit ang tagiliran ng buntis at solusyon
Narito ang ilang hakbang para masigurado ang komportableng tulog ng isang buntis na may SPD:
- Matulog ng may unan sa gitna ng iyong tuhod. Makakatulong ito para mapanatili ang alignment ng pelvis at ma-stretch off ang iyong balakang at pelvic muscles. Gawin ito habang nakatagilid at lagyan ng unan sa gitna. Ang regular size ng unan ay maaari mong gamitin o kaya naman bumili ng specialized pillow para rito.
- Maglagay ng unan sa ilalim ng iyong tyan habang nakatagilid. Magagawa nitong mawala ang pressure sa likod at maiimprove ang spinal at pelvic alignment mo.
- Mabuting suotin pagtulog ang silk o satin pajamas para madaling makagalaw habang natutulog.
- Magsuot ng belly band o pregnancy support band para masuportahan ang pelvic bones. Makakatulong rin ito para mapanatili ang alignment at mapawala ng kaunti ang pananakit
Kung hindi gumana ang mga tips na ito sa ‘yo at nakakaranas pa rin ng pananakit habang nakatagilid sa pagtulog, maaari mong subukan naman ang matulong ng incline. Pwede rin na gumamit ng recliner chair o malambot na upuan na may maraming unan.
Kausapin ang iyong doktor para sa ligtas na pain relief medication kung nakakaranas na ng sobrang pananakit. Ang pagbubuntis ay isang mahabang journey na minsan ay humihirap lalo na sa gantong kondisyon. Kapit lang mommy! Kaya mo ‘yan!
Isinalin sa Filipino nang may permiso mula sa theAsianparent Singapore
Karagdagang impormasyon mula kay Nathanielle Torre at Marhiel Garrote
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!