Hindi na bago sa ating mga Pilipino ang kung anu-anong mga beauty products na nagkalat sa merkado. Hindi na rin bago ang mga ads na nagpapakita ng epekto sa balat ng mga produktong ito. Ngunit tila yata ay sumobra na ang isang kamakailan lang ay nag-viral na ad campaign kung saan “kaawa-awa” raw ang mga taong hindi maputi ang kutis. Dahil dito, naglabas ng saloobin ang host na si Bianca Gonzales, isang proud na morena.
Bianca Gonzales: “Hindi po kami kawawa, maganda ang kulay namin”
Sa isang post sa Twitter, ibinahagi ng host ang kaniyang naging saloobin tungkol sa ad campaign. Heto ang sabi niya sa kaniyang post:
Bukod dito, nagkaroon rin ng isa pang ad campaign ang isa pang skin whitening brand kung saan naman ay nilagyan nila ng dark makeup ang isang kambal.
Kahit na sinasabi nila sa post na “Dark or white. You are beautiful,” ay tila hindi rin ito ikinatuwa ng mga netizens, na sinabi pang bakit raw kailangan pang lagyan ng dark-skinned makeup ang isang model para lang sa advertisement nila.
Marami rin ang nagsabi na nakakadagdag lang ito sa pressure sa mga tao na magpaganda. Bukod dito, karamihan sa ating mga Pilipino ay hindi naman maputi ang kutis. Normal na sa atin ang magkaroon ng kayumanggi na balat, at hindi ito dapat ikahiya o kaya ay itago.
Para naman sa mga magulang, importante na huwag ituro sa kanilang mga anak ang pagkakaroon ng prejudice o bias pagdating sa kulay ng balat. Ang ganitong klaseng pag-iisip ay nakakasama sa self-esteem at nagdudulot ng iba-ibang mga problema sa body image ng isang tao.
Kailangan ituro ng mga magulang sa kanilang mga anak na kahit ano pa ang kanilang hitsura ay dapat maging proud sila sa kanilang sarili. Ang pagkakaroon rin ng positive self-image ay nakakatulong sa pagiging confident at nakakadagdag sa pagiging successful ng isang tao. Kaya mahalagang bata pa lamang ay confident na ang mga bata sa kanilang sarili.
Sources: Rappler, Coconuts
Basahin: Read new mom Bianca Gonzalez’ open letter to her daughter Lucia
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!