Bianca Gonzalez at JC Intal ikinasal sa pangatlong pagkakataon. Bakit nga bang piniling gawin ito ng mag-asawa sa loob ng sampung taon nilang pagsasama?
Mababasa dito ang sumusunod:
Renewal of vows ni Bianca Gonzalez at JC Intal
Nagdiwang kamakailan lang ng kanilang 10th wedding anniversary ang mag-asawang sina Bianca Gonzalez at JC Intal. Sa Instagram ay ibinahagi nila ang mahalagang tagpo na ito sa kanilang pagsasama na kanilang ipinagdiwang sa pamamagitan ng muling pagpapakasal. Ito ang pangatlong wedding nina Bianca at JC sa loob ng sampung taon. Pero bakit nga ba pinili ng mag-asawa ng magpakasal ng tatlong beses sa loob ng isang dekada? Si Bianca ipinaliwanag ito sa kaniyang IG post.
Ayon kay Bianca, ang una nilang pagpapakasal ay hudyat ng kanilang buhay mag-asawa. Ito ay puno ng pagmamahal at idealismo na masayang buhay may asawa. Pero sa pagdaan ng panahon ito ay nagbabago, Kaya naman makalipas ang limang taon ay pinili nilang maikasal ulit sa isa’t-isa. Ito ay simbolo ng kanilang matagumpay na adjustment sa ups and downs ng kanilang marriage.
“Your vows when you get married are full of love, hope, and idealism, both on cloud 9, excited to head into a life together as partners.
Your vows FIVE years in change dramatically. You are more aware of the ups and downs of marriage, you’re adjusting to life as husband and wife but also as new parents to (those who have) small kids, you love each other but that love is evolving, and you’re no longer each other’s top priority—for this moment.”
Ito ang sabi pa ni Bianca.
Larawan mula sa Instagram account ni Bianca Gonzalez
Bakit pinili itong gawin ng mag-asawa
Ngayong sampung taon na sila ay iba rin daw ang pinagdidiwang nila ni JC. Ito ay ang mas sigurado na sila sa isa’t-isa at pinipili nilang magsama habambuhay. Kasabay nito ang pagkakaroon ng kapayapaan at contentment sa relasyon nila.
“Your vows TEN years in are different, too. You’re more certain of your love and commitment, you are grounded in reality but also looking forward to the future chapters of life, and you feel so much peace and joy and contentment in your heart.”
Ito ang sabi pa ni Bianca.
Ibinahagi rin ni Bianca ang pinakamagandang marriage advice na ibinigay sa kaniya. At sigurado na siya daw ngayon na tamang tao ang pinili niya sa katauhan ng mister niyang si JC.
Larawan mula sa Instagram account ni Bianca Gonzalez
“I can say for sure that the one most important advice I got before getting married is: your life partner can make your life beautiful or make your life miserable, so choose wisely.
I thank God and the universe every day for the gift of a life partner who has made my life even more beautiful than I ever thought it could be. Hindi perfect, hindi laging kilig at saya, madaming inisan at tampuhan, may mga mahirap na desisyon, but having a husband like JC who shares the same values and supports me in the one million other things I want to do in life aside from being a wife and mother ~~ has inspired and motivated me to give my best to everything.”
Ito ang sabi pa ni Bianca na sinabing gusto niya lang rin daw talagang paulit-ulit na magpakasal sa mister niyang si JC. Ganito ang pagpapakita niya dito ng appreciation at pagmamahal.