Katulad ng mga ibang mommies, hindi rin nagpahuli ang television host na si Bianca Gonzalez when it comes to preparation sa education ng kaniyang kids.
Mga mababasa sa artikulong ito:
- Bianca Gonzalez sa pagbabalik-eskwela ng kanyang kids: “Mas ako ‘yung nakaramdam ng sepanx!”
- Reminder ni Bianca sa kaniyang mga kids sa back-to-school
Bianca Gonzalez sa pagbabalik eskwela ng kanyang kids: “Mas ako ‘yung nakaramdam ng sepanx!”
Bianca Gonzales siniguradong prepared siya para sa education ng kanyang kids | Larawan mula sa Instagram
Both parents and kids ang naghanda para sa pagbabalik ng halos lahat ng offline classes education ngayong school year. Pati celebrities ay sinigurado ring prepared ang kanilang mga anak sa muling pagpasok sa face to face classes.
Tulad na lang ng television host na si Bianca Gonzalez, kung saan ibinahagi niya sa theAsianparent Philippines sa naganap na Johnson’s Bida Eskwela: Angat ang Batang Presko-Bango caravan launch kung paano sila naghanda para sa education ng kanilang kids ni JC Intal.
Pagbabahagi niya, marami raw ang paraan na sinubukan nila para lang mapaghandaan ang pagbabalik sa school ng mga anak. Sinubukan daw nilang ihanda ang mga ito sa pamamagitan ng pagre-remind sa kanila almost every week na magsisimula na muli ang face-to-face classes.
Sinigurado ni Bianca Gonzalez na prepared siya dahil matagal-tagal ding online lang ang setup sa education ng kanilang mga kids.
“Actually talaga it took a lot of parang psyching. ‘Yong kunwari they started kasi classes ‘yong aking six year old parang August. So, parang a month pa lang sinasabi ko na, ‘Oh next month you are starting school. Three weeks na lang starting school, two weeks na lang!'”
“Kasi syempre as much as tayo sanay tayo sa konsepto ng school sila kasi parang two and a half years at home.”
Bagaman daw, naka-experience na ang kanyang anak na si Lucia ng offline classes, inihanda niya pa rin ito dahil malaki ang posibilidad na hindi na niya tanda ang dating setting ng pagpasok sa school. Baka raw kasi manibago siya muli sa pagbabalik.
“Naka-experience na siya dati pero parang ang bata niya pa nun, so I don’t think she fully remembers what a classroom setting is like. So, mas ‘yun, mas parang exposing them to school.”
Sinubukan din daw nilang kausapin parati ang kids upang maihanda na sa pagpasok.
Kahit nga raw na nagsimula na ang school ay paulit-ulit pa rin nilang nire-remind ang mga ito kung ano ang schedule na need nilang pumasok na sa klase.
“So by the time, kunwari ‘school tomorrow!’ Next week school na, ‘Oh it’s the weekend on Monday school na!” Parang na-prepare na ‘yong mind nila.”
Bukod pa raw sa pagpapaalala ng schedules sa school, ayon kay Bianca nag-worry rin daw sila sa time kung saan need magtake off ng mask ng kids which is sa pagkain ng kanilang food during break times. Buti na nga lang daw at naging training na nila sa bahay ang paghuhugas ng kamay bago at matapos ang pagkain.
“Aside from that, syempre ang pinaka-worry ko non is a syempre snacks and lunch kasi school na din eh. Although my distancing na rin sa school syempre mayroon silang protocols.”
Larawan mula sa Instagram account ni Bianca Gonzalez
“Sa bahay talaga ang training is before eating, after eating wash hands para lang alam din niya na magiging force of habit na niya sa school ‘yong ganun. ‘Yun naman so far, so good.”
Tinanong din ang TV host kung nase-sepanx (separation anxiety) ba ang mga bata sa kanila pero mukhang siya pa raw ang nakaranas nito. Hindi raw siya namroblema sa pagpapasok sa kanila sa school ulit. Dahil marami raw silang mga na-miss na excited na ulit sila maka-interact.
“Mas ako, mas ako ‘yong nakaramdam ng sepanx na ‘pag dinrop off sila sa school. 8 AM kasi ang school ng mga anak ko parang ang tahimik sa bahay bigla. So, I’m sure mas ako ‘yong na-sepanx. Lasi parang excited silang makasama ‘yong friends nila, ‘yong classmates nila, ‘yong teachers nila. So, thankfully nakapag-adjust naman sila agad.”
Ang tanging challenge pa rin daw hanggang ngayon na lang sa kanila ay ang paggising parati tuwing umaga sa kanyang mga anak.
Larawan mula sa Instagram account ni Bianca Gonzalez
“Syempre ‘yong waking up, ‘yong lang ang medyo challenge pa rin hanggang ngayon. But aside from that talagang mas nanay ang nase-sepanx.”
Reminder ni Bianca sa kaniyang mga kids sa back-to-school
Ibinahagi rin ni Bianca na ang lagi raw niyang pinapaalala upang masigurong ligtas pa rin ang kanyang mga anak sa kahit anong sakit ay ang pagsusuot ng face mask. Sinigurado niya raw na alam nila kung ano ang dapat gawin upang makaiwas sa virus.
“Ako for me, number one talaga, always wear their masks.”
“Sinanay talaga namin na nakamask sila, lagi kong nireremind na kapag nasa school huwag tatanggalin ‘yung mask unless snack time. Tapos washing of hands, sobrang important nun.”
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!