Bianca King ibinahagi ang kaniyang karanasan as first time mom. Narito ang ilan rin sa realizations ni Bianca ng siya ay maging isang ina na.
Mababasa dito ang mga sumusunod:
- Bianca King as first time mom.
- Realizations ni Bianca ng maging isang ina na.
Bianca King as first time mom
Nitong Marso ay inanunsyo ng aktres na si Bianca King na naipanganak niya na ang panganay nila ng mister na si Ben Wintle. Si Bianca hindi pa ibinabahagi ang gender at pangalan ng kaniyang anak. Pero sa isa kaniyang latest Instagram post ay nag-share ang aktres ng karanasan niya bilang first time mom. Ganoon rin ang realizations niya ng maging isang ina.
Ayon kay Bianca, understatement ang salitang “hands on” para sa tulad niyang first time mom na malayo sa mga kaibigan at pamilya. Bagamat tinutulungan naman daw siya ng kaniyang asawang si Ben, nagiging mahirap daw ang lahat sa oras na ito ay magtrabaho na at maiwan na siyang mag-isa. Syempre, si Bianca pinatunayan rin kung paanong very challenging ang night time kasama ang isang newborn baby.
“The intensity of cycling through breast feeding, changing and soothing is tough and lonely. Every night is an adventure. Some nights we party hard – up all night.
We need to be resilient handling baby alone while trying to feed ourselves, tidy and squeeze in a bathroom trip while holding baby.
All that in survival mode.”
Ito ang pagbabahagi ni Bianca.
Realizations ni Bianca ng maging isang ina na
Sabi pa ni Bianca, hindi rin daw applicable para sa isang tulad niya ang sinasabi ng iba na matulog sa oras na tulog din si baby. Sapagkat ito lang daw ang oras na magagawa niya ang mga gawaing-bahay at iba pang dapat gawin para masigurong naibibigay niya ang lahat ng pangangailan ng kaniyang anak. Pero si Bianca, alam naman daw humingi ng tulong sa oras na nahihirapan na talaga siya at di na kaya.
View this post on Instagram
“Sleep when the baby sleeps doesn’t apply to those of us who use that time for chores. I see my friends in the PH with night nurses and nannies. Motherhood with a village is also challenging. I wish I organised more postpartum help in advance. We are so grateful to have had friends and family fly over last minute to cook and clean up after us.”
“I’m not the only mama going through this. It will make us stronger but it doesn’t mean we don’t need help. I’ve learned to just say “please help me” to anyone within reach.”
Pagpapatuloy pa ni Bianca, mahirap din daw i-achieve ang pretty glamorous pictures kasama ang isang baby. Lalo na sa tulad niya na full-time mom at very hands on sa pagiging isang ina. Pero sa kabuuan si Bianca ay very honored daw sa bagong role niya – ang maging isang ina.
“Pretty curated pictures are not reality ❤. There are many days of tears, eating standing up while breastfeeding and unglamorous attempts to do 3 things at once.”
“Motherhood is the greatest endless marathon we will ever endure. And it’s an honour to be in this role – a little human’s source of food, comfort and security❤.”
Ito ang sabi pa ni Bianca na kasalukuyang nasa Australia naninirahan kasama ang kaniyang asawa.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!