X
TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Ina, ginutom at kinulong sa aparador ang 5-taong gulang na anak

3 min read
Ina, ginutom at kinulong sa aparador ang 5-taong gulang na anak

Kinulong daw sa aparador ang batang biktima ng child abuse, at patakas itong pinapakain ng kaniyang mga kapatid dahil siya raw ay ginugutom.

Isang kaawa-awang bata ang nalamang biktima ng child abuse matapos ilantad ng kaniyang mga kapatid ang ginagawang pagmamalatrato ng ina.

Sa sobrang tindi ng abuso na ginawa sa bata, muntik na raw itong mamatay sa gutom, ngunit sinagip siya ng kaniyang mga kapatid na patago siyang pinapakain.

5-taong gulang, biktima ng child abuse

Nalaman ng mga awtoridad ang tungkol sa pang-aabuso noong 2014, nang i-report ng isang kapatid ng batang si Jordan ang pagmamaltrato ng kanilang ina. 

Ayon sa magkapatid na Cody at Allison, na 16 at 14 noong nangyari ang insidente, kapatid raw nila sa ama ang noong 5-taong gulang na si Jordan. At hindi na raw nila lubos akalain kung gaano katindi ang sinapit ng bata.

Nagulat na lamang daw si Cody nang isang beses ay silipin niya si Jordan sa kwarto nito, at nakitang buto’t-balat na ang kaniyang kapatid. Dahil dito, patago nilang pinapakain si Jordan upang hindi mamatay sa gutom.

Halos hindi raw siya pinapakain ng kanilang ina, at kinulong pa sa isang maliit na aparador na tinawag na “Harry Potter” room. Bukod dito, pinagsuot lang ng diaper ang bata upang dito dumumi.

Dagdag pa ni Cody na nakalubog raw ang mga pisngi ni Jordan. Napakarami raw niyang pasa at sugat sa kaniyang katawan, at bumubula rin daw ang kaniyang bibig.

biktima ng child abuse

Ang kalunos-lunos na kalagayan ni Jordan matapos ma-rescue ng mga pulis. | Source: Daily Mail

Hindi rin daw pinapayagang kumain sa hapag-kainan si Jordan. Binibigyan lang daw siya ng isang pirasong tinapay kada araw, at kapag hindi niya ito nakain agad ay binabawi ito ng kanilang mga magulang.

Advertisement

Bukod dito, ginagamitan din daw ng drugs si Jordan kapag mayroong mga bisita, upang mukhang natutulog lang ito. Pinaniniwalaan din ng kaniyang mga kapatid na kinukuryente siya at binubugbog ng kanilang mga magulang.

Nagdesisyon ang magkapatid na magsumbong sa pulis

Dahil sa kalunos-lunos na kalagayan ng bata, nagdesisyon ang magkapatid na Cody at Allison na magsumbong sa pulis. 

Binigay raw ni Cody si Jordan sa kapatid na si Allison upang alagaan ito, at sabi ni Allison na nagulat siya sa timbang ng kapatid. Parang wala raw siyang binubuhat dahil sa gaan ng bata.

Dahil sa nangyaring pang-aabuso, nakulong ng halos 30 taon ang kanilang ina, at nakulong naman ng 15 taon ang kanilang ama.

Sa ngayon, 9-taong gulang na si Jordan at isa nang malusog na bata. Naibalik na rin siya sa kaniyang biological na ina kung saan nabibigyan siya ng sapat na pag-aalaga at pag-aaruga.

Partner Stories
Is Your Child Experiencing Digestive Discomfort? Here’s How to Tell
Is Your Child Experiencing Digestive Discomfort? Here’s How to Tell
Starting Preschool? 10 Ways to Get Your Child Ready For School
Starting Preschool? 10 Ways to Get Your Child Ready For School
Four Findings Every Parent Should Know About Brain Development
Four Findings Every Parent Should Know About Brain Development
Safety First, Mommies! Know What's in Your Baby Wipes
Safety First, Mommies! Know What's in Your Baby Wipes

 

Source: Independent

Basahin: 4-Year-old girl severely abused by her own father: Child abuse must stop

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Jan Alwyn Batara

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagpapalaki ng anak
  • /
  • Ina, ginutom at kinulong sa aparador ang 5-taong gulang na anak
Share:
  • Dapat Si Daddy Na Ang Mag-Birth Control: Why It's Time for Dads to Consider Vasectomy

    Dapat Si Daddy Na Ang Mag-Birth Control: Why It's Time for Dads to Consider Vasectomy

  • Hindi gusto ang mga barkada ng iyong asawa? Ayon sa mga eksperto, ito ang mga dapat mong gawin!

    Hindi gusto ang mga barkada ng iyong asawa? Ayon sa mga eksperto, ito ang mga dapat mong gawin!

  • Mommy, okay lang magpahinga! 7 senyales na ikaw ay burnout na

    Mommy, okay lang magpahinga! 7 senyales na ikaw ay burnout na

  • Dapat Si Daddy Na Ang Mag-Birth Control: Why It's Time for Dads to Consider Vasectomy

    Dapat Si Daddy Na Ang Mag-Birth Control: Why It's Time for Dads to Consider Vasectomy

  • Hindi gusto ang mga barkada ng iyong asawa? Ayon sa mga eksperto, ito ang mga dapat mong gawin!

    Hindi gusto ang mga barkada ng iyong asawa? Ayon sa mga eksperto, ito ang mga dapat mong gawin!

  • Mommy, okay lang magpahinga! 7 senyales na ikaw ay burnout na

    Mommy, okay lang magpahinga! 7 senyales na ikaw ay burnout na

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2025. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko