Ama, nagbebenta ng banana cake para sa liver transplant ng kaniyang anak

Ito lang raw ang nakikitang solusyon ng ama upang makaipon ng 1.6 million pesos para sa liver transplant na gagamutin ang biliary atresia ng kanilang anak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Para sa mga magulang, handa nilang gawin ang lahat upang maging maayos ang kalagayan ng kanilang mga anak. Kaya’t para sa amang si Antonio Detablan, ginagawa niya ang lahat ng kaniyang makakaya upang magamot ang sakit na biliary atresia ng kaniyang anak.

Ayon sa ama kinakailangan raw nila ng 1.6 million pesos para sa liver transplant ng kaniyang anak. Ngunit dahil hindi sila mayaman, nagsisikap siyang magbenta ng mga banana cake para malikom ang pera.

Ama, umaasang gagaling ang biliary atresia ng kaniyang anak

Nag-viral ang kuwento ng ama nang ibahagi sa Facebook ng netizen na si Jenny Sumalpong ang larawan niya habang nagbebenta ng banana cakes. Ayon sa kaniyang asawa na si Jabee Imano Galindes, 9 na taon na raw silang kasal, at mayroong tatlong anak na edad 8, 4, at 4 na buwan. Ang kanilang bunsong si Aquiro Jazz raw ay mayroong biliary atresia.

Isa raw siyang stay-at-home mom, at ang kaniyang mister ay isang baker. Nagbebenta rin daw siya ng mga t-shirt at gumagawa ng online raffle para makaipon ng pera.

Noong 2016 raw ay gumaling ang sakit na hydrocephalus ng kanilang anak na si Arkhin, kaya’t umaasa silang gagaling rin ang bunso nilang anak. Mayroon na nga raw mga mabubuting loob na nagbigay ng donasyon para kay Aquiro nang mabalitaan sa Facebook ang kanilang kuwento.

Aniya, “Maraming maraming salamat po kay Lord at sa mga taong hinipo Niya ng kanyang mahiwaga at mapagpalang mga kamay. Si Lord na rin po ang bahalang magbalik ng kanilang mga kabutihang loob para po sa amin at lalong-lalo na po kay Aki.”

Kailangan raw niyang mabigyan ng liver transplant bago siya mag 1-taong gulang

Sa ngayon raw ay tuloy tuloy ang pagbibigay nila ng multivitamins sa anak upang lumakas ang katawan nito. Ngunit mahirap raw kung hindi mabibigyan ng liver transplant ang anak, dahil hindi mawawala ang kaniyang biliary atresia.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kung hindi raw siya mabigyan ng transplant bago siya mag 1-taon ay posibleng ikamatay niya ang sakit. Bagama’t mahirap mag-ipon ng pera, umaasa silang malalagpasan nila ang pagsubok na ito. 

Para sa mga nais tumulong kay baby Aquiro, heto ang kanilang contact information:

 

Ano nga ba ang biliary atresia?

Heto ang ilang mga importanteng bagay na dapat malaman ng mga magulang tungkol sa sakit na biliary atresia:

Ayon kay Dr. Regent Andre Piedad, MD, ito ay isang rare disorder. “Underdeveloped ang bile ducts ng sanggol na may biliary atresia. There is no way for the bile to be secreted into the small instestines for digestion of fats. (Walang paraan para sa apdo na mailabas ng bituka, panunaw ng taba)” At dahil nasa atay lang ito at hindi nailalabas, nasisira ang liver cells na nagiging sanhi ng cirrhosis, o pagkasugat ng atay.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“[Ngunit] Sa kaso ng biliary atresia, hindi tuluyang nabuo ang biliary tree ng sanggol, na karaniwang nangyayari sa unang trimester sa loob ng sinapupunan. Dahil na nga ito marahil sa viral infection na natamo ng ina habang buntis,” tuloy na paliwanag ni Dr. Piedad. Pero hindi ibig sabihin ay kasalanan ito ng ina. Walang paraan para maiwasan niya ang kahit anumang impeksiyong ganito.

Ano ang mga sintomas nito?

Karaniwang nakikita ang sintomas sa ika-2 hanggang ika-6 na linggo pagkapanganak. Madilaw ang kulay ng balat at maging ng mga mata ng bata, o tinatawag na jaundice sa ingles. Matigas ang atay kaya’t maaaring may pamamaga sa abdomen ng bata. Mapapansin na ang dumi o tae ng sanggol ay pale grey at madilim ang pagkadilaw ng ihi nito. May ibang sanggol din na labis na nangangati.

Paano ito ginagamot?

Ang malungkot na katotohanan, ay walang gamot para dito. Sabi ni Dr. Piedad, maaaring operahan ang sanggol para palitan ang bile ducts sa labas ng atay gamit ang kaniyang bituka. Ito ang tinatawag na Kasai procedure, na pinag-aralan ng Japanese surgeon na Dr. Morio Kasai.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang Kasai procedure ay naglalayong padaluyin ang bile mula sa atay gamit papunta sa bituka. Nasa 80% pa lamang daw ang success rate ng operasyong ganito, kung gagawin bago mag ikatlong buwan ang sanggol. Sinasabing nawawala ang jaundice o paninilaw ng bata pagkatapos ng Kasai procedure. Kung hindi ito naging epektibo, walang ibang pwedeng gawin kundi magkaron ng liver transplant.

Pagkatapos ng ganitong operasyon, nananatili ang sanggol sa ospital ng hanggang 2 linggo upang magpagaling. May long-term antibiotic therapy na kakailanganin upang maiwasan ang anupamang impeksiyon.

Hindi tuluyang magagamot o maaalis ng Kasai procedure ang biliary atresia. Ang nagagawa nito ay nabibigyan ng pagkakataon ang sanggol na lumaki ng may gumaganang bile duct at atay.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kasunod ng operasyon ay ang paninigurado na ang pagkain ng sanggol ay low-fat, at mangangailangan ito ng vitamin supplements dahil nga ang normal na absorption ng fats at vitamins niya ay hindi pa maayos.

Kung hindi maagapan o magkakaroon ng akmang solusyong medikal, hindi nito makakayanan ang kondisyon. Iilan lang ang batang may biliary atresia na nabubuhay ng lagpas sa dalawang (2) taon.

 

Source: Inquirer

Basahin: Amang iisa lang ang paa, mag-isang nagtatrabaho para maitaguyod ang pamilya

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Jan Alwyn Batara