Billy Crawford on Coleen Garcia's pregnancy: "Ako yung sumusuka"

Billy Crawford on Coleen Garcia's pregnancy: "Ako yung sumusuka"

Billy Crawford and Coleen Garcia, ibinahagi ang kanilang first trimester experience!

Pagbubuntis ni Coleen, ikinuwento nila sa kanilang YouTube channel na The Crawfords. Billy Crawford and Coleen Garcia, kumusta nga ba ang naging experience sa first trimester?

Billy Crawford and Coleen Garcia

Kuwento ni Billy at Coleen, last year lamang daw sila nakapag-honeymoon dahil sa kanilang busy schedule. Kahit na noong April 2018 pa ikinasal ang dalawa, nagkaroon lamang daw sila ng maliliit na trips at work trips bago nga iyong 2-week honeymoon nila sa New York. Kaya ito ang napili nilang lugar ay dahil ito ang isa sa mga pinakaunang lugar na kanilang napuntahan noon.

billy-crawford-and-coleen-garcia

Image from @coleen’s Instagram

Kuwento pa ng 27-year-old na aktres, mayroon daw siyang PCOS o polycystic ovarian syndrome. Kaya naman dahil dito, regular siyang nagte-take ng pills. Nawala naman daw ang kanyang PCOS dahil dito at sa frequent na pagbisita sa kanyang OB-GYN. Pero noong sila ay nasa New York, aksidente siyang naubusan ng pills at nag-take ng break mula sa pag-inom nito. Ito naman daw ay payo ng kanyang OB dahil mahigit isang taon na rin niyang iniinom ang pills.

Isa itong blessing

Bukod sa PCOS ni Coleen, inabisuhan din daw si Billy ng doktor na hindi pa noon magandang timing kung susubukan nilang magka-anak. Ito naman ay dahil sa kanyang lifestyle. Noon kasi ay madalas daw siyang uminom at siya rin ay nagsisigarilyo. Pero ngayon, proud niyang sinabi na halos 2 years na siyang sober.

billy-crawford-and-coleen-garcia

Image from @coleen’s Instagram

Kaya naman para sa dalawa, isang blessing ito dahil akala talaga nila ay mahihirapan silang magbuntis.

First trimester experience

Nalaman daw ni Billy Crawford and Coleen Garcia ang tungkol sa kaniyang pregnancy noong maka-miss siya ng period. Ito ay hindi madalas na mangyari dahil nga nagpi-pills si Coleen at ito ay nakatutulong para maging regular ang pagdating ng period.

Noong una na nag-pregnancy test si Coleen ay hindi niya na muna ito sinabi kay Billy dahil ayaw nga nitong bigyan siya ng false hope. Pero noong pangalawang beses ay medyo nakumbinsi na siya sa resulta ng pregnancy test. Bagama’t dalawang linya raw kasi ang lumalabas, faint line ang isa. Pero nagdesisyon na siyang sabihin ito kay Billy at sa kanyang ina.

Para sa kanya, ang pinakaunang sintomas na naramadaman niya ay ang pagiging antukin.

billy-crawford-and-coleen-garcia

Image from @billycrawford’s Instagram

Noong nagpunta naman sila sa OB GYN ay sinabihan sila na ito ay fragile stage pa ng pregnancy pero lahat ay normal naman. Walang early pregnancy complications na nakita sa kanyang ultrasound.

Noong 6th week daw ni Coleen, napilitan siyang mag-bedrest dahil sa kanyang allergies. Na-trigger daw ito ng kanyang vitamins para sa pagbubuntis. Akala niya nga raw ay morning sickness lang ito pero noong nagkaroon na ng allergic reaction sa kanyang katawan, dito niya na nakumpirma na ang kanyang pagsusuka ay hindi dahil sa pagbubuntis.

Kasabay naman ng pagkakasakit ni Coleen ay nagsusuka rin daw si Billy at tila naglilihi dahil kung anu-anong pagkain ang kanyang gustong kainin.

Bagama’t sinasabi ng nanay ni Coleen na baka nga napasa sa kanya ang paglilihi nito, tanong pa rin nila kung bakit nga ba ito nangyayari.

 

Panoorin ang buong video dito:

 

Source:

The Crawfords’ YouTube channel

Basahin:

Coleen Garcia buntis sa kaniyang first baby kay Billy Crawford!

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

Sinulat ni

mayie

app info
get app banner