Binat sa bagong panganak: Paano ito maiiwasan?

Ano ang binat, at ano ang puwedeng gawin ng mga ina upang hindi sila magkaroon nito pagkatapos nilang manganak? Basahin at alamin!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mga mommies, alam niyo ba kung ano ang binat? Marahil narinig niyo na ito dati, pero hindi malinaw sa inyo kung ano ba talaga ang kahulugan nito. Halina’t alamin kung ano ang binat at kung paano maiiwasan ang binat pagkatapos mong manganak.

Karaniwan sa mga bagong nanay ang makaramdam ng sakit mula sa panganganak, at maaring pagod rin mula sa labor at pag-aalaga ng kanilang newborn.

Kadalasan ay isang linggo pa pagkatapos manganak nagsisimulang maghilom o maka-recover ang ating katawan mula sa labor at delivery.

Pero paano mo nga ba masasabing normal pa ang sakit o panghihina na iyong nararamdaman o binat na ito?

Ano ang binat sa bagong panganak?

Ang tinatawag na binat ay ang pagkakaroon ng matinding pagod o panghihina ng katawan na madalas nararanasan pagkatapos manganak.

Nagkakaroon ng binat ang mga ina na kakapanganak pa lamang dahil sa matinding trauma na nangyari sa kanilang katawan dahil sa panganganak, at hindi nagkaroon ng panahon para makapagpahinga.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Bukod pa riyan, ang mga inang kakatapos pa lamang manganak ay walang sapat na pahinga sapagkat kinakailangan nilang padedehin ang kanilang bagong silang na sanggol.

Ang pagbe-breastfeed ay hindi rin madali. May mga nanay na nahihirapan rito sapagkat minsan ay nakakaranas sila ng pananakit sa pagpapasuso o pagbreastfeed. Kapag nasugat ang kanilang mga nipples o magkaroon sila ng mastitis, maari rin silang magkaroon ng infection at lagnatin.

Ano ang sintomas, gamot ng binat na kailangang bantayan sa bagong panganak? | Image from Shutterstock

Sinasabi rin ng iba na konektado ang postpartum depression sa pagkakaroon ng binat. Subalit hindi pa rin tiyak kung bakit nagkakaroon ng binat ang mga inang may postpartum depression.

Ang anemia rin, o pagkakaroon ng mababang bilang ng red blood cells sa dugo ay posibleng maging sanhi ng binat. Posible rin naman na ang binat ay epekto ng pagkakaroon ng aktibong thyroid glandhypothyroidism.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ayon kay Dr. Maureen Laranang, isang OB-Gynecologist mula sa Makati Medical Center, ang binat ay naglalarawan sa pagkakaroon ng sakit o masamang pakiramdam ng ina ilang araw matapos niyang manganak.

“Ang term na binat is anything na nagpe-pertain sa masamang pakiramdam after childbirth,” aniya. “Ang pang-unawa ko rito, any signs and symptoms na may complication after childbirth,” dagdag ni Dr. Laranang.

Sintomas ng binat na kailangang bantayan

Inilarawan rin ni Dr. Laranang ang mga karaniwang sintomas ng binat.

“Pwedeng lagnat, pagdurugo, pamumutla, at signs and symptoms ng high blood,” aniya.

Paniniwala ng mga matatanda, ang pagkakaroon ng binat ay maaaring mauwi hindi lamang sa pananakit ng katawan kundi pati na rin sa pagkabaliw o pagkamatay.

Bagamat iyon ay haka-haka lamang, totoo naman na makakasama sa kalusugan ng bagong ina kung magkakaroon siya ng mga komplikasyon pagkatapos manganak. Kaya naman mas maigi pa rin na bantayan ang mga senyales na nakakaranas ng binat ang isang babae.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Narito ang ilang sintomas na maari mong mapansin:

  • Pagkakaroon ng matinding sakit ng ulo
  • Panginginig
  • Pagkakaroon ng mataas na lagnat
  • Paggalaw ng mga ugat sa katawan, lalo na sa may mata
  • Pagdurugo ng sugat pagkatapos ng panganganak
  • Sakit kapag umiihi
  • Vaginal discharge na may mabahong amoy
  • Nakakaranas ng pagkahilo at maaaring pagsusuka
  • Matinding pagpapawis
  • Pananakit at paninigas ng iyong dede
  • Pananakit ng tiyan o puson
  • Pagiging iritable

Napakahalaga na malaman ang mga sintomas nito upang malaman din natin ang maaari natin gawin upang maiwasan ang binat sa bagong panganak.

Ano ang gamot sa binat?

Wala namang isang partikular na gamot sa binat dahil maaring sanhi ito ng iba-ibang bagay na nagdulot ng komplikasyon sa ating katawan. Ngunit maaring maiiwasan ang pagkakaroon nito kung pangangalagaan ang katawan at uugaliin ang healthy mental care ng isang ina.

Kung may pangamba sa iyong kalagayan, huwag mag dalawang isip na kumonsulta sa iyong doktor para mabigyan ka ng paalala at mga dapat mong tandaan pagkatapos manganak.

“Para maiwasan, kailangan lang ng tamang pagkain, sapat na tulog at pahinga, at kapag may nagpe-persist na symptoms, kailangang magpakonsulta agad sa iyong OB,” ani Dr. Laranang.

Ano ang puwedeng gawin para maiwasan ang binat sa bagong panganak?

Mahalaga para sa kahit sinong ina ang maagapan ang pagkakaroon ng binat upang maalagaan niya ng maayos ang kaniyang bagong silang na sanggol.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Narito ang ilang paraan upang maiwasan ang binat:

1. Magpahinga nang mabuti.

Huwag puwersahin ang iyong sarili, dahil importante na magkaroon ng panahon upang makapagpahinga at manumbalik ang lakas ng iyong katawan.

Payo ng maraming doktor at kapwa mommies, gamitin mo ang panahon na tulog si baby para makatulog at makapagpahinga ka rin.

2. Matutong mag-relax.

Huwag ka masyadong ma-stress, dahil ito ay magdudulot lamang pagod at hirap sa iyong katawan. Mag-isip ng mga bagay na positibo hangga’t maaari.

Kung nahihirapang magpadede  o patahanin si baby, pwedeng ibigay muna siya sa iyong asawa o pamilya at lumabas ng kuwarto para makahinga ng malalim.

3. Kumain ng masustansiyang pagkain.

Ang wastong pagkain ay importante upang maging malakas ang iyong katawan at upang manumbalik ang dati mong pangangatawan at iyong lakas.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

4. Kumain ng mga pagkaing maraming fiber.

Makakatulong ang mga prutas na mayaman sa fiber upang mapalambot ang iyong dumi. Dahil minsan, nagkakaroon ng matinding sakit sa puwerta ang isang ina kapag dumudumi, lalo na kung hindi pa gumagaling ang sugat ng panganganak.

Uminom rin ng maraming tubig kung maaari. Bukod sa mabuti ito sa iyong kalusugan, nakakatulong din ito para sa maayos na pagdumi at pagdami ng iyong breast milk.

5. Huwag kang mahiyang humingi ng tulong sa iyong asawa o kamag-anak.

Hindi dapat ikahiya ang paghingi ng tulong sa kanila lalo na sa pag-aalaga sa iyong anak. Importante na magkaroon ka ng panahon na matulog at magpahinga, at huwag mong akuin ang buong responsibilidad sa pag-aalaga ng iyong anak.

6. Kung nakakaramdam ng sintomas ng postpartum depression huwag ka ring mahiyang humingi ng tulong sa doktor o therapist.

Ang postpartum depression ay isang mental condition na nakakaapekto sa pag-iisip ng isang ina, at maaring makasagabal sa kaniyang kakayanan na pangalagaan ang kaniyang anak. Kaya kung nakakaranas ka nito, huwag tiisin at dapat kang humingi ng tulong.

Hindi ka nag-iisa. Maraming ina ang nakakaranas ng ganitong kondisyon. 1 sa 8 babae ang nakakaranas ng depression kaya walang dapat ikahiya, o ikatakot, dahil mas importante ang iyong paggaling.

7. Magsuot ng mga kumportableng damit upang mas maging magaan ang pakiramdam.

Lalo na kung mainit ang panahon. Makakatulong rin kung magsusuot ng damit kung saan madali kang makakapagpadede dahil madalas na magbe-breastfeed ang iyong sanggol.

8. Huwag magpalipas ng gutom.

Bukod sa pagkain ng mga masusustansiyang pagkain, tandaan na huwag kang magpapalipas ng gutom o liliban sa pagkain. Mahalaga ang pagkakaroon ng sustansiya sa katawan para sa panunumbalik ng iyong lakas, at maiwasan ang dehydration o anemia.

Gayundin, kapag nakakakain ka sa tamang oras, magiging mas maganda ang iyong pakiramdam at iyong mood.

9. Pangalagaan ang iyong sugat at hygiene.

Bawal bang maligo pagkatapos manganak? Ayon kay Dr. Laranang, ito ay pamahiin lang ng matatanda.

Mas makakabuting maligo para mapanatiling malinis ang katawan upang makaiwas sa mga impeksyon. Kailangan ring linisin ng maigi ang ating dede at nipple area para sa pag-breastfeed ng ating sanggol.

Bagamat hindi naman lahat ng normal delivery ay nagkakaroon ng stitching sa kanilang pwerta, kailangan pa ring panatiliing malinis ang bahaging ito para makaiwas sa infection.

“Whether na-stitch o hindi, importante pa rin ang hygiene sa area na ‘yon,” ani Dr. Laranang.

Para naman sa mga sumailalim sa cesarean section delivery o CS, ingatan rin ang tahi sa iyong tiyan. Magsuot ng binder para maiwasan ang pagbuka ng sugat. Iwasan ring kamutin ang sugat para makaiwas sa impeksyon at linisin ito nang mabuti (sundin ang instructions ng iyong OB).

Ano ang sintomas, gamot ng binat na kailangang bantayan sa bagong panganak? | Image from Unsplash

Ilang bagay na bawal sa bagong panganak

Ayon kay Dr. Laranang, ang karaniwang recovery period ng isang bagong panganak, normal delivery man o CS, ay isang linggo. Maaring mas matagal sa mga babaeng sumailalim sa CS dahil itinuturing itong major operation.

“In this period, kritikal na magkaroon ng sapat na pahinga si Mommy,” dagdag pa ng doktora.

Pag-iwas man sa binat o hindi, may mga bagay na ipinagbabawal sa bagong panganak upang maiwasan ang kumplikasyon. Ayon sa mga eksperto narito ang ilang bagay na ipinagbabawal sa mga bagong panganak na mga babae.

Narito ang paunang ulat ni Anna Santos Villar patungkol sa mga bagay na ipinagbabawal sa mga bagong panganak. Basahin ang kaniyang buong ulat patungkol rito, DITO!

Maaari ring panoorin ang ulat na ito sa aming Youtube channel sa theAsianparent Philippines dito!

  • Pag-inom ng gamot na walang  anumang rekumendasyon ng iyong doktor
  • Bawal ang magbuhat nang mabigat, at gumawa nang mabigat na trabahong bahay o heavy exercises
  • Iwasan at huwag gumamit ng tampons at mga produktong may matapang na pabango para sa vaginal bleeding
  • Bawal ang labis na pag-iri kapag ika’y dumudumi
  • Limitahan ang pagkain ng matatamis, sobrang alat, hitik sa “fats”, at mercury
  • Ipinagbabawal rin ang alak at anumang gamot na hindi nireseta ng doktor
  • Huwag magpapalipas ng gutom o pagkain.
  • Sa mga na-CS, iwasang kamutin ang inyong sugat.

Tandaan mga mommy, ang paghilom, pagrecover at pagsasanay na maging isang ina ay hindi contest, kaya huwag magmadali.

Huling payo ni Dr. Laranang sa mga bagong-panganak na mommies:

“You just have to embrace your motherhood. This is a long journey, but it’s all worth it. Always consult your OB kapag may nararamdaman. Huwag mong sarilinin. Everything will be alright.”

Binat man o hindi, mahalaga na pangalagaan natin ang ating mga sarili sapagkat may isang buhay na rin na nakadepende sa atin. Kung hindi tayo malusog, maaari ring maapektuhan ang ating mga bagong silang na sanggol. Kaya niyo ‘yan mga mommies!

 

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

Sinulat ni

Jan Alwyn Batara