Binatang nagmahal ng single mom: “Sa kanya ko naramdaman yung pag mamahal na hinahanap ko, sobra sobra pa nga”

Ang binata pinatunayan sa lahat na tama ang naging desisyon niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Binatang nagmahal ng single mom, ibinahagi kung paano nagkaroon ng pagbabago ang buhay niya ng makilala at makasama ito.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Kuwento ng binatang nagmahal ng single mom.
  • Pagmamahal sa single mom at kaniyang mga anak.

Kuwento ng binatang nagmahal ng single mom

Larawan mula sa Facebook account nina Dj&Melai

Sa Facebook ay ibinahagi ng isang binata na nagmahal sa isang single mom ang kaniyang kuwento. Ayon sa kaniya, dahil siya ay binata ay marami nga ang tumutol sa kaniyang pagpatol sa isang babaeng may anak na noong una. Ito nga daw ay magiging problema lang sa kaniya dagdag pa ang pagkakaroon ng obligasyon ng hindi lang sa isang bata kung hindi tatlo pa. Pero ang binata, hindi pinakinggan ang mga payong ito sa kaniya. Sa halip ay pinanindigan niya ang kaniyang nararamdaman sa babaeng na-love at first sight daw siya. Dahil kuwento pa ng binata, sa naturang single mom niya naramdaman ang pagmamahal na hinahanap niya. At napatunayan niya sa lahat na hindi mali ang taong pinili niya.

“Alam nyo kung bakit mas minahal ko ng sobra ang babaeng to? Kase sa kanya ko naramdaman yung pagmamahal at pag aaruga na hindi matutumbasan ng mga babaeng nagdaan sa buhay ko.”

“First time ko magkaroon ng partner na may anak na pero sa kanya ko naramdaman yung pag mamahal na hinahanap ko sobra sobra pa nga. Sa kanya ko naramdaman na worth it lahat ng pag mamahal ko, walang nasayang kase mas sobra yung sukli nya.”

Ito ang sabi pa ng binata.

Larawan mula sa Facebook account nina Dj&Melai

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pagmamahal sa single mom at kaniyang mga anak

Dagdag pa niya, ang mas nakakatuwa pa sa kanilang sitwasyon hindi lang isa ang nagbigay ng pagmamahal sa kaniya. Kung hindi pati narin ang tatlong anak na single mom na minahal niya. Ito ay nadagdagan pa nga ng isa matapos niyang piliin ang single mom at bumuo sila ng isang masayang pamilya.

“Masasabi ko na ito yung malaking blessings sa buhay ko hindi ko hiniling pero dumating sa buhay ko.

Saludo Ako Sa mga katulad kong lalaki na nakaranas ng pinag dadaanan ko ngayon na nanindigan sa nararadamdaman nila. ? Wala tayong ibang pakikinggan kundi ang Puso natin. ??”

Ito ang sabi pa ng binatang netizen na ngayon ay masayang-masaya sa pamilyang binuo niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Facebook account nina Dj&Melai

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement