Binubugbog ng asawa, ito ang laman ng mga balita ngayon tungkol sa isang radio reporter sa Vietnam.
Pambubogbog sa babaeng reporter kitang-kita sa isang video. At ang mas kinagalit ng mga concerned citizens, mister ng biktima hindi nagpaawat sa pambubugbog sa asawa niya kahit hawak nito ang sanggol nila.
Binubugbog ng asawa
Ang kuha ng CCTV mula sa loob ng kanilang bahay ang ebidensya kung paano saktan ng isang martial arts teacher na kinilalang si Nguyen Xuan Vinh, 32-anyos ang kaniyang asawa na si Vu Thi Thu Ly, 27-anyos.
Sa video ay makikita na nagtatalo ang mag-asawa. Saka ito susundan ng mga sapok at sipa ng mister sa kaniyang misis. Hindi nga tumitigil ang mister kahit may namagitan na sa kanila. Kahit na natutumba na rin ang asawa na karga-karga pa ang 2-months-old baby nila.
Ang viral CCTV video ay inupload daw mismo ng biktima nitong August 27, 2019 sa Youtube. At ang paliwanag niya na pinagsimulan ng pagtatalo nila ay ang paglilipat niya lang daw umano ng TV set sa ibang kwarto.
Bagamat ang actual video ay isang malakas na ebidensya na, hanggang sa ngayon ay hindi pa naaresto ang abusadong mister.
Habang ang misis naman na binubugbog ng asawa niya ay tumatanggap ng treatment sa ospital.
Narito ang buong video ng pambubugbog:
Violence against women
Ayon sa World Health Organization o WHO, isa sa kada tatlong kababaihan o 35% ng kababaihan sa buong mundo ang nakakaranas ng pang-aabuso. Ito ay maaring pisikal o sekswal na pang-aabuso mula sa kanilang sexual partner o non-sexual partner.
Dagdag pa ng WHO, karamihan sa mga kasong naitala ng pang-aabuso sa mga kababaihan ay ginawa mismo ng kanilang intimate partner. At ito ay tinatayang nangyayari sa 30% ng mga kababaihang nasa isang relasyon.
Mga ahensiyang tumutulong sa mga babaeng inaabuso sa Pilipinas
Dito sa Pilipinas, ay isa ang domestic violence sa mga nakakabahalang isyu na kinakaharap ng mga kababaihan. Ngunit, ang sinumang nakakaranas nito ay hindi dapat matakot. Bagkus ay dapat maging matapang na ipaglaban ang kanilang karapatan sa tulong ng mga ahensyang sumusuporta at may mga adbokasiya na proteksyonan ang karapatan nila.
Ito ay ang sumusunod:
1. Department of Social Welfare and Development (DSWD)
Batasan Pambansa Complex, Quezon City
Tel. No.: (02)931-8101 to 07
2. DSWD – NCR Ugnayan Pag-asa Crisis Intervention Center
Legarda, Manila
Tel. No.: (02) 734-8639/ 734-8654/ 734-8626 to 27
3. Philippine National Police (PNP)
Camp Crame, Quezon City
Tel. No.: 723-0401 to 20
4. PNP-Women and Children Protection Center (WCPC)
Camp Crame, Quezon City
Tel. No.: 410-3213
5. NBI-Violence Against Women and Children Desk (VAWCD)
Taft Avenue, Manila
Tel. No.: 523-8231 to 38 / 525-6028
Sources: AsiaOne, Mothership, WHO, PCW
Basahin: Dapat bang magsama pa rin ang miserableng mag-asawa para lang sa mga anak?