X
TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Dapat bang magsama pa rin ang miserableng mag-asawa para lang sa mga anak?

3 min read
Dapat bang magsama pa rin ang miserableng mag-asawa para lang sa mga anak?

Alamin ang sinasabi ng mga pag-aaral kung tama ba sa mga magulang na manatiling nagsasama para sa mga anak at mga maaaring maging bunga ng paghihiwalay.

Mahirap at magulo ang paghihiwalay ng mga magulang. Malaki ang bigat na nalalagay nito para sa bawat miyembro ng pamilya. Ito ang dahilan kung bakit may mga mag-asawa ang nanatiling nagasasama dahil sa anak. Ayaw nilang dalhin ng anak ang pasakit na dulot ng paghihiwalay ng magulang.

Ngunit, ano nga ba ang ayon sa mga pag-aaral? Tama bang manatili sa isang pagsasama na wala nang pagmamahalan upang hindi masaktan ang mga anak?

Ayon sa eksperto…

Para kay Dona Matthews, isang developmental psychologist, hangga’t maaari ay ayaw niya ang paghihiwalay ng mga magulang. Ngunit, mayroon talagang mga panahon na ang masayang buhay ay hindi magawang maibigay ng mga magulang dahil sa kanilang pagsasama.

Sa panandalian, maganda ang pilitin ng mga magulang na manatiling nagsasama para sa anak. Ito ay dahil ang mga bata ay kadalasang mas maganda ang nagiging buhay kapag lumaki sa buong pamilya. Ang mga bata ay mas umuunlad kapag lumaki sa matibay na pamilya na may mga magulang na nagmamahalan.

Ang paghihiwalay ay nakapanghihina at nakakapagod maliban kung may pang-aabuso o di pagkakasunduang nangyayari.

Sa pangmatagalan, maaaring mas ikabuti ng bata ang paghihiwalay ng mga magulang. Kapag ang mga magulang ay laging nag-aaway at hindi nagkakasundo, ang paghihiwalay ay nagiging ginhawa sa mga bata. Dito ay makakahinga sila nang maluwag nang walang kasamang bigat ng hindi masayang relasyon ng mga magulang.

Kahit maayos ang paghihiwalayan, ang mga bata ay makakaramdam ng panandaliang problema. Ngunit, matututo rin sila na lumakas lalo at patibayin ang sarili.

Kung ang iniisip ay ang magiging apekto sa magiging buhay ng bata pagtanda, mas makakabuti ang maghiwalay. Maaaring gawin ang lahat upang mapanatili ang pagsasama ngunit huwag pilitin ang sarili sa isang pagsasamang hindi masaya.

nagsasama dahil sa anak

Photo: Pexels

Magiging problema ng bata

May iba’t ibang problema ang mga bata kapag naghihiwalay ang mga magulang. Kumpara sa mga bata na nagsasama ang mga magulang, sila ay maaaring makaranas ng:

  • Pagkabalisa at galit
  • Takot at pangangailangan ng tulong
  • Pagsisi sa sarili
  • Problema sa pag-aaral
  • Problema sa pag-uugali
  • Pagkakaroon ng bisyo
  • Problema sa emosyon
  • Paghahanap ng panganib

Makakapag-pagaan sa paghihiwalay

Maraming bata ang nagiging matibay sa kabila ng paghihiwalay ng mga magulang. Matapos ang ilang taon, makikitang mawawala sa kanila ang ilan sa mga karaniwang problema na nararanasan. Kanilang naiaangkop ang sarili sa bagong gawain at bagong kaayusan sa pamumuhay.

Tumataas ang ganitong posibilidad sa mga bata kung may isang magulang na:

  • Sinisigurado sa bata na sila ay ligtas
  • Nananatiling malambing at malapit sa mga bata
  • Hindi pinagsasalitaan ng masama ang dating kinakasama
  • Nakikipagtulungan nang maayos sa isa pang magulang sa mga bagay tungkol sa anak
  • Pinapanatili ang magandang relasyon sa isa pang magulang
  • Hindi naghahangad ng lampas sa kayang ibigay ng bata
  • Nagbibigay ng tamang pagmamatyag sa bata
  • Sinusuportahan ang pagpapalakas at pagsasarili ng bata
  • Nagtuturo ng kakayahang lumutas ng problema
  • Nananatili ng magandang relasyon sa mga kamag-anak, kaibigan at kapit-bahay
  • Kumukuha ng propesyonal na tulong para sa sarili o anak kapag kailangan

Ayon sa mga pag-aaral, ang mga bata na may mga magulang na naghiwalay ay makakaranas ng problema. Kadalasan silang nakakabawi matapos ang ilang taon at nagiging mas matibay at mas kinakaya ang mga hamon ng buhay.

Ang tanging kailangan nila habang bata ay isang magulang na tutulong at iintindi sa kanila. Bukod sa paghihirap na dala ng paghihiwalay ng magulang, maaari ring matuto ang bata sa pagpili ng mga magulang na maging masaya.

 

Partner Stories
Is Your Child Experiencing Digestive Discomfort? Here’s How to Tell
Is Your Child Experiencing Digestive Discomfort? Here’s How to Tell
Starting Preschool? 10 Ways to Get Your Child Ready For School
Starting Preschool? 10 Ways to Get Your Child Ready For School
Four Findings Every Parent Should Know About Brain Development
Four Findings Every Parent Should Know About Brain Development
Safety First, Mommies! Know What's in Your Baby Wipes
Safety First, Mommies! Know What's in Your Baby Wipes

Source: Psychology Today

Basahin: Are you for or against the divorce bill? Pinoy parents weigh in

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Camille Alipio-Luzande

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagpapalaki ng anak
  • /
  • Dapat bang magsama pa rin ang miserableng mag-asawa para lang sa mga anak?
Share:
  • When Love Hurts: What We Can Learn From the Meiko and Patrick Cheating Controversy

    When Love Hurts: What We Can Learn From the Meiko and Patrick Cheating Controversy

  • 12 Bagong Haligi ng Senado: Sino ang May Puso para sa Pamilyang Pilipino?

    12 Bagong Haligi ng Senado: Sino ang May Puso para sa Pamilyang Pilipino?

  • RA 12199: Bagong Batas Para sa Kinabukasan ng Batang Pilipino

    RA 12199: Bagong Batas Para sa Kinabukasan ng Batang Pilipino

  • When Love Hurts: What We Can Learn From the Meiko and Patrick Cheating Controversy

    When Love Hurts: What We Can Learn From the Meiko and Patrick Cheating Controversy

  • 12 Bagong Haligi ng Senado: Sino ang May Puso para sa Pamilyang Pilipino?

    12 Bagong Haligi ng Senado: Sino ang May Puso para sa Pamilyang Pilipino?

  • RA 12199: Bagong Batas Para sa Kinabukasan ng Batang Pilipino

    RA 12199: Bagong Batas Para sa Kinabukasan ng Batang Pilipino

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Vietnam flag Vietnam
© Copyright theAsianparent 2025. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko