Isang sakit na naman ang na-detect sa Nueva Ecija. Ito ay ang bird flu na dahilan kung bakit namatay ang mga pugo rito.
Bird flu in Philippines | Image from Freepik
Bird flu sa Pilipinas kinumpirma ng Department of Agriculture
Nitong Lunes, ayon sa Department of Agriculture, nadetect nila ang bird flu sa barangay ng Ulanin-Pitak, Jaen sa probinsya ng Nueva Ecija.
Ayon kay Department of Agriculture Secretary William Dar, halos 1,500 sa 15,000 na pugo ang sabay sabay na namatay sa nasabing barangay simula noong March 9. Napagalaman kasing infected ito ng H5N6 avian influenza.
Ang H5NG ay maaaring mapasa sa tao ngunit ito ay bihira.
Kung matatandaan, sa kasagsagan ng bird flu sa Luzon noong 2017, walang naapektuhang tao dahil sa bird flu outbreak.
Bird flu in Philippines | Image from Freepik
Ngunit meron naman ding naitalang human transmission sa flu. Ngunit ang lahat ng ito ay sa China.
Sa pahayag naman ng WHO tungkol sa pag-usbong na naman ng bird flu sa bansa,
“Whenever avian influenza viruses are circulating in poultry, there is a risk for sporadic infection. And small clusters of human cases due to exposure to infected poultry or contaminated environments. Therefore, sporadic human cases are not unexpected,”
Ayon din sa tagapagsalita ng Department of Agriculture na si Dr. Arlene Vytiaco, ang mga taong na-exposed sa mga pugong infected ay isasailalim sa quarantine hanggang lumabas na ang naging resulta ng pag-aaral.
Ipinagbawal na rin ang bagbebenta ng karne at itlog ng pugo sa kalapit baryo nito.
Bird flu in Philippines | Image from Unsplash
Birdflu in pregnancy
Noong 2007, may isang kaso ng bird flu sa isang buntis sa China. Namatay ang isang chinese na babae habang pinagbubuntis niya ang kanyang anak na 4 months.
Sa autopsy na ginawa ni Professor Jiang Gu, MD ng Infectious Disease Center sa China’s Peking University sa babae, napag alamang namatay ito dahil sa H5N1 bird flu na nakita nila.
Ang H5N1 influenza ay pinupuntirya ang trachea kasama na ang iba pang organs katulad ng utak ng tao. Dagdag rin niya na kung may virus na ang isang buntis na babae, maaari niya itong mapasa sa kanyang dinadala tungo sa placenta.
“In addition to the lungs, H5N1 influenza virus infects the trachea and disseminates to other organs including the brain. The virus could also be transmitted from mother to fetus across the placenta.”
Hindi lang ang buntis na babae ang namatay dahil sa bird flu. Kasama nito ang isang lalaki na hindi niya kamag-anak. Pareho silang namatay dahil sa virus sa kanilang baga. Natagpuan rin ang virus sa iba’t-ibang bahagi ng kanilang katawan. Kasama ang lymph system.
Source: ABS-CBN News , WebMD
BASAHIN: What parents need to know about the bird flu outbreak in Pampanga
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!