Ibinahagi ng isang nanay sa Facebook group na Usapang Nanay ang kaniyang karanasan sa pagpapalagay ng birth control implant sa kaniyang arm.
Mababasa sa artikulong ito:
- Nanay nagpalagay ng birth control implant: “Masaki tba ‘yong implant? It’s a big no!”
- Benefits at side effects ng birth control implant
Nanay nagpalagay ng contraceptive implant
Ikinuwento ni Linette Avengoza ang kaniyang karanasan sa pagpapalagay ng birth control implant. Salaysay ni Linette, tatlo na ang kaniyang mga anak at ayaw na niya muna sana itong dagdagan pa. Kaya naman, nagpunta na siya sa barangay para sumailalim sa birth control implantation.
Larawan mula sa Freepik
Dahil aniya sa mga napapanood na video sa social media kung paano isinasagawa ang paglalagay ng birth control contraceptive ay hindi naiwasan ni Linette na kabahan.
Unang hakbang aniya ay pinag-pregnancy test muna siya at nang mag negatibo ay in-schedule na siya para sa implantation.
Bago ang araw ng paglalagay ng birth control implant kay Linette ay nilagnat daw siya dahil sa sobrang kaba. Pero bumuti rin naman agad ang pakiramdam kinabukasan kaya itinuloy pa rin ang plano.
Habang nasa pila para sa implantation ay hindi pa rin maiwasan ni Linette na kabahan sa maaaring maramdaman.
“So ayun na interview ulit bago sumalang, napansin nung isang nurse namumutla daw ako kaya binigyan pa ko ng saging tsaka tubig para daw may laman tiyan ko.”
Larawan mula sa Freepik
Nang lalagyan na raw siya sa braso ng birth control implant ay matindi pa rin ang kaba niya kaya naman hindi niya matingnan kung paano isinasagawa ito sa kaniyang braso.
Pero ilang sandali lang ay nagulat sya nang sabihin ng nag-aassist sa kaniya na tapos nang mailagay ang birth control implant.
“Ayun sabi ng magi-implant hingang malalim at naramdaman ko na nga ‘yong karayom medyo masakit. Pero after nun namanhid agad ang braso ko pero ‘di pa din po ako tumingin tapos naramdaman ko tinanggalan na ng takip at ayun wala na ko naramdaman nakapasok na pala at pinakapa pa sakin…” salaysay nito.
“Sayang effort kong magisip na masakit ba yung implant it’s a big NO hindi po siya masakit mga mommies!” dagdag pa ni Linette.
Ngayon ay very happy na si Linette dahil sa kaniyang birth control implant, at hoping siya na tumagal ang bisa nito ng tatlong taon.
Benefits at side effects ng birth control implant
Ang Progestin Sub-dermal implant (PSI) ay isa sa mga bagong family planning method. Ayon sa Department of Health (DOH) epektibong solusyon umano ang contraceptive implant sa pandaigdigang usapin hinggil sa birth spacing sa mga babae.
Nilinaw din ng ahensya na misconception lamang na maaaring magdulot ng abortion ang paggamit nito. Sa pamamagitan ng Food and Drug Administration Advisory No. 2017-302, dineklara nitong ang PSI contraceptive ay kabilang sa mga birth control products na non-abortifacient.
Larawan mula sa Freepik
Pino-promote ng DOH ang paggamit ng implants para sa mga mag-asawa na nagplaplano ng birth spacing o kaya naman sa mga mag-asawa na ayaw munang magkaanak.
Ang PSI ay binubuo ng single rod na kasing liit ng palito. May laman itong progestin hormone na siyang pipigil para hindi muna mabuntis ang babae. Ipinapasok ang rod sa left arm ng mga right-handed na babae, sa right arm naman kapag left-handed ang lalagyan. Maaari nitong maprotektahan mula sa pagbubuntis ang mga babae sa loob ng tatlong taon.
Ang maganda sa Progestin Sub-dermal implant ay madali itong gamitin, maaaring tanggalin ano mang oras na naisin, at highly effective ayon sa DOH.
Ayon naman sa Healthline, maaaring mapabuti ng birth control implant ang kalagayan ng pagreregla ng babae. Bukod pa rito, ligtas din itong gamitin ng mga taong hindi makagamit ng birth control na mayroong estrogen content.
Subalit, tulad ng iba pang mga contraceptive na available sa publiko, normal na mayroon ding temporary side effects ang birth control procedure na ito. Ilan sa mga side effects nito ay:
Pansamantala lang naman ang mga ito at mawawala rin.
Samantala, paalala naman ng DOH sa mga first time user ng contraceptive implant:
- Huwag alisin ang bandage ng sugat sa loob ng isang araw mula nang mailagay ang birth control implant para maiwasang makaskas ito.
- Iwasang mabasa ang sugat sa loob ng tatlo hanggang limang araw.
- Linisin ang sugat araw-araw
- Huwag munang makipagtalik sa loob ng isang linggo
- Kumonsulta sa iyong doktor kung may nararamdamang kakaiba matapos ang procedure
- Bumalik sa doktor makalipas ang tatlong buwan at kada taon para sa check-up
Maraming magandang benepisyo ang paggamit ng birth control implant. Subalit tandaan din na hindi ito proteksyon mula sa sexually transmitted infections (STI).