Tuwing gabi ng Huwebes Santo o Maundy Thursday, pagkatapos ng Misa ng Huling Hapunan, inilalabas ang Blessed Sacrament as Altar of Repose sa mga simbahan, para sa tinatawag na Adoration. Panata na ng mga Katoliko ang Bisita Iglesia, o pagbisita sa pitong simbahan sa gabing ‘yon, para magdasal sa Blessed Sacrament. Para sa iba, lagpas pa sa pito ang nararating, lalo na kung kasama ang barkada o buong pamilya, dahil bonding time na rin ito para sa kanila.
Saan nagsimula ang tradisyon na ito?
Sa Rome, nuong unang panahon pa, ang mga naunang pilgrims ay ugaling bumibisita sa pitong basilica para sa pagsisisi sa kanilang mga kasalanan. Dito nagsimula ang tradisyon ng Bisita Iglesia, na ginawang panata ng maraming Katoliko.
Ang Via Francigena ay isang ancient pilgrim route mula England papuntang Rome. Kaugalian na na sa pagkatapos ng pligrimage, pupunta ang mga pilgrim sa libingan nina St Peter at St Paul. Taong 1300, idineklara ni Pope Boniface VIII ang unang Holy Year, na nagbibigay ng special indulgence sa mga bumibisita sa St. Peter’s Basilica at Basilica ni Saint Paul Outside the Walls. Sa paglipas ng panahon, naging pito ang simbahan na kailangang bisitahin. Sinimulan daw ito ni Saint Saint Philip Neri noong 1553, kasama ang mga kaibigan niya, at tinawag itong “Seven Churches Walk” bago mag-takip silim. Sabi ng iba, dahil din ito sa pagsunod sa bilang na pito, dahil sa Pitong Huling Salita ni Hesus at Pitong Sugat na ikinamatay Niya.
Bakit tuwing Huwebes ito isinasagawa?
Naging kaugalian na tuwing Huwebes Santo ito ginagawa dahil dito ipinagdiriwang ang Misa ng Huling Hapunan ni Kristo kasama ang mga Apostoles, bago siya dinakip para ipako sa Krus. Pagkatapos ng Misa, tinatanggal ang mga krus o di kaya’y tinatakpan, at inilalabas ang Blessed Sacrament at inilalagay sa tabernacle sa Altar of Repose, para sa makita at pagdasalan ng mga deboto. Ito ang binibisita ng mga nagpapanata tuwing Bisita Iglesia, at saka nagdadasal sa Stations of the Cross sa bawat simabahan din.
Sa paglipas din ng panahon, naging pagkakataon na rin ito para mamasyal ang buong pamilya, at para sa may mga maliliit na anak, ito ang paraan para maturuan nila ang mga bata tungkol sa mga tradisyon at reilihiyong Katoliko. Taong 2010 nang simulan din ang Bisikleta Iglesia sa pamumuno ng mga siklista, kung saan ang naka-bisikleta ang mga bumibisita sa simbahan.
Narito ang ilang simbahan na paboritong puntahan ng karamihang nakatira sa Kalakhang Maynila.
Ayon kay Jasmin Bolaño, mula pagkabata ay ginawa na nilang panata ang bumisita sa mga kalapit na simbahan sa Sampaloc, Manila, dahil di kalayuan ang mga ito sa bahay nila, at sa isa’t isa. Sa Maynila din makikita ang ilan sa pinakamatandang mga simbahan at pinakamakasaysayan sa NCR.
Archdiocesan Shrine of Our Lady of Loreto Parish Church
Jose Figueras ( Bustillos) St., Sampaloc, Manila City
St. Anthony Church
Manrique, Manila (sa tabi lamang ng Our Lady of Loreto)
San Roque De Sampaloc Church
547 Marzan St (M. Dela Fuente St.), Sampaloc, Manila, 1008 Metro Manila, Philippines
Santisimo Rosario Parish o UST Parish Church
University of Santo Tomas, España, Manila
Our Lady of Montserrat Abbey o San Beda Church
Kilala sa tawag na Manila Abbey at San Beda Church, ito ay isang Benedictine men’s monastery sa Mendiola Street, Manila, nasa campus ng San Beda University.
San Sebastian Church
Ang Basílica Menor de San Sebastián, ay isang minor basilica sa campus ng San Sebastian College. Isa ito sa mga pinakakilalang simbahan sa buong mundo dahil sa arkitektura nito.
National Shrine of St. Jude Thaddeus Parish
Isa sa tatlong Chinese parishes sa Maynila na Malapit sa Malacañang Palace.
JP Laurel, Manila
San Miguel Church
Kilala rin sa tawag na Regal Parish at National Shrine of Saint Michael and the Archangels, pero mas kilala rin sa tawag na Malacañang Church dahil nasa tapat ito ng Malacañang Palace Complex.
1000 Gen. Solano St, San Miguel, Manila
Para sa magkaibigan sina Andrew Villar at Lito Crisostomo, ito naman ang ruta nila, dahil pwedeng lakarin lang ang mga ito, na kasama sa penitensiya nila.
San Agustin Church
Sa ilalim ng auspisyo ng The Order of St. Augustine, na matatagpuan sa General LUna St., sa loob ng Intramuros, Manila.
Manila Cathedral o Minor Basilica and Metropolitan Cathedral of the Immaculate Conception
Isang minor basilica rin sa Intramuros, Manila, ilang kanto lang kalapit ng San Agustin.
Binondo Church o Minor Basilica of Saint Lorenzo Ruiz at Our Lady of the Most Holy Rosary Parish
District of Binondo, Manila sa harap ng Plaza San Lorenzo Ruiz
Quiapo Church o Minor Basilica of the Black Nazarene, Parish of St. John the Basptist
Ito ang pinakakilalang puntahan ng lahat ng Manileño. Mula dito ay pwede nang lakarin ang San Sebastian, San Beda, Our Lady of Loreto at St. Anthony.
Sa Quezon City, ito naman ang karaniwang ruta ni Gab Buluran, kasama ang mga pamilya at kaibigan.
Padre Pio o St. Pio Chapel
Eulogio Rodriguez Jr. Ave, Bagumbayan, Quezon City
St. John Paul II Parish
Eastwood City Cyberpark, Orchard Road, Barangay Bagumbayan, Quezon City
Monasterio de Sta Clara
Aurora Blvd 1108 1880, C-5 Katipunan Ave, Novaliches, Quezon City
Church of Gesu
Ateneo de Manila University, Katipunan Ave., Quezon City
Santa Maria della Strada Parish Church
Pansol Ave, Diliman, Quezon City
Parish of the Holy Sacrifice
University of the Philippines Diliman, Quezon City
Immaculate Heart of Mary Parish Church
2 Mahinhin St., Diliman, Quezon City
Importante pa rin ang pagdarasal, hindi ang lugar kung saan ka nagdarasal
Ang sabi ng mga deboto, wala sa bilang ng simbahan, kundi nasa sinseridad at taimtim na pagdarasal ng mga nagsisimba ang tunay na diwa ng Bisita Iglesia. Ang paglalagay ng Blessed Sacrament para sa adorasyon ng mga deboto sa gabi ng Holy Thursday ay isang conserbasyon ng Katawan ni Kristo para sa komunidad ng mga tapat sa Kaniya, Isa rin itong imbitasyon para sa taimtim at tahimik na pagdarasal sa Sakramento.
Kaya’t kahit saan mang simbahang bumisita, panatilihin ang solemnidad ng okasyon, at iwasan ang makagulo, o ang pagpapalitrato lamang, lalo sa loob ng simbahan. Respeto rin ito hindi lang sa kapwa nagsisimba, kundi sa simbahan.
Planuhing mabuti ang ruta, at siguraduhing may baong tubig at meryenda para hindi magutom sa daan.
Photo: pxhere.com
READ: 5 Great meatless recipes for the family to enjoy this Holy Week!