Importante ang pagkakaroon ng komportable at mahimbing na tulog sa mga sanggol. Bukod sa malambot na higaan at unan, kinakailangan ng soft at cozy blanket for newbon baby upang makatulong sa kanyang pagtulog.
Marami baby blankets ang mabibili sa market. Ngunit paano nga ba malaman kung ano ang akma for your little one? Mommies and daddies, tutulungan namin kayo sa inyong paghahanap! Naglista kami ng best blanket for newborn baby na maaari ninyong mabili online. Keep on scrolling at alamin ang mga top brands, plus, kumuha ng tips mula sa amin kung paano pumili nito.
Best blanket for newborn baby
Best blanket for newborn
| Babymama - Swaddies PH Universal Cover Best Overall | | View Details | Buy Now |
| Mama's Choice Instant Swaddle Best Swaddle | | View Details | Buy Now |
| Enfant Super Soft Swaddle Blanket Best Muslin Blanket | | View Details | Buy Now |
| Moose Gear Baby - Hooded Receiving Blanket Best Receiving | | View Details | Buy Now |
| Einmilk Baby Swaddle Blanket Best Hooded | | View Details | Buy Now |
| Joyce & Diana Baby Fleece Blanket Best for Cold Weather | | View Details | Buy Now |
Best Overall Baby Blanket
Blanket For Newborn Baby: Best Brands For Your Little One’s Comfy Sleep | Babymama
Una sa aming listahan ay ang best overall baby blanket na ito from Babymama. Napakalambot, magaan at presko nito sa pakiramdam kaya tamang swak for newborn babies. Gawa kasi ito sa polyester cotton at muslin cotton fabric na may magandang kalidad at hindi nakakairita sa balat.
Higit sa lahat, sulit bilhin ang blanket na ito dahil sa napakarami nitong gamit. Bukod sa pagiging kumot ni baby sa bahay, maaari itong gamitin bilang blanket ni baby sa car seat, stroller, trolley at puwede ring maging nursing cover.
Mayroon itong velcro tapes para mas madali ikabit sa bahagi ng car seat o stroller at may hati rin ito sa gitnang parte na maaaring mabuksan o masarado.
Features we love:
- Multi-use baby blanket
- Gawa sa polyester cotton (front) at muslin cotton (back)
- Malambot, presko at magaan
Best Swaddle Baby Blanket
Blanket For Newborn Baby: Best Brands For Your Little One’s Comfy Sleep | Mama’s Choice
Malaking tulong for parents ang mga swaddle blankets. Mas ginagawa kasi nitong komportable at mahimbing ang tulog ng mga sanggol kaya naman must-have rin ito. At kung kasalukuyan ka pang naghahanap ng baby swaddle blanket, tamang-tama ang produktong ito mula sa Mama’s Choice.
Ginamitan ito ng 100% premium cotton material kaya’t makakasigurado kang comfortable at breathable ito. Kapag ito ay ibinalot kay baby, nakakagawa ito ng womb-like environment na nakakatulong upang maramdaman niyang siya ay safe at secured. Ang kagandahan pa rito ay hindi nalilimitahan ang paggalaw ni baby habang siya ay naka-swaddle kaya naman hindi siya maiirita.
Available rin ito sa dalawang sizes na small para sa 0 to 3 month-old babies at medium na para naman sa mga babies na 3 to 6 months old.
Features we love:
- Swaddle blanket
- Gawa sa premium cotton material
- Nakakagawa ng womb-like environment
Best Muslin Baby Blanket
Blanket For Newborn Baby: Best Brands For Your Little One’s Comfy Sleep | Enfant
Baby-friendly ang ENFANT Super Soft Swaddle Blanket. Gawa ang soft muslin swaddle na ito sa 100% bamboo material kaya tamang-tama para sa pagtulog ni baby. Bright and cute rin ang mag designs dahil maaaring kang mamili sa prints na lemon, flamingo, cloud and stars at nature. Malaki din ang cloth compare sa ibang products..
Iwasan lamang na ito ay irub, soak, i-wring, bleach o gamitan ng fabric softeners upang mapanatili ang quality ng material.
Features we love:
- Baby-friendly
- Made 100% from bamboo material
- Soft muslin swaddle
- Printed designs: lemon, flamingo, cloud and stars, and nature
Best Receiving Baby Blanket
Blanket For Newborn Baby: Best Brands For Your Little One’s Comfy Sleep | Moose Gear
Isa naman sa mga gamit ni baby na kailangan ihanda bago siya maipanganak ay ang receiving blanket. Mahalagang maging mapanuri rin sa pagpili nito dahil extra sensitive ang balat ng mga newborn babies. At ang best choice para dyan ay ang receiving blanket na ito from Moose Gear. Bukod sa kanilang kids apparel line, dekalidad din ang mga baby products na ginagawa nila.
Ang baby blanket na gawa ng brand na ito ay 100% cotton, natural at hypoallergenic kaya’t makakatiyak kang hindi ito magdudulot ng iritasyon sa delicate skin ng sanggol. Mayroon din itong built-in hoodie na nagbibigay proteksyon sa ulo ni baby upang makaiwas siya sa ubo’t sipon.
Unisex din ang receiving blanket na ito na napakalambot at presko.
Features we love:
- Hypoallergenic at gawa sa cotton
- May built-in hood
- Unisex
Best Hooded Baby Blanket
Blanket For Newborn Baby: Best Brands For Your Little One’s Comfy Sleep | Einmilk
Ang swaddle blanket wrap na ito mula sa Einmilk ay nakakapagbigay ng warm at cozy feeling kay baby. Gawa kasi ito sa cotton muslin na malambot at komportable sa pakiramdam. Tila ba pakiramdam ng sanggol ay nasa loob pa rin siya ng womb ni mommy kaya’t mas mahimbing ang tulog niya.
Karagdagan, maaari rin itong gamitin bilang stroller cover, nursing cover at burp cloth. Madali lamang din ito labhan at machine washable rin. Available rin ito sa iba’t ibang cute designs na perfect for boys and girls.
Features we love:
- Swaddle blanket wrap
- Multipurpose
- Available sa iba’t ibang designs
Best Baby Blanket for Cold Weather
Blanket For Newborn Baby: Best Brands For Your Little One’s Comfy Sleep | Joyce & Diana
Perfect sa malamig na panahon ang paggamit ng mga fleece blankets. Kaya naman kung naghahanap ka ng dekalidad, lightweight, breathable at comfy blanket for newborn na gawa sa fleece material, check out this product from Joyce & Diana.
Ginawa ito for babies kaya naman sinigurado ng brand na magandang quality ng fabric ang ginamit dito upang makaiwas sa skin irritation. Mayroon din itong anti-wrinkle, anti-shedding at anti-pilling feature kaya’t makakasigurado kang ligtas ito for newborn babies. Tamang-tama ito for cold weather dahil nakakapagbigay ito ng warm at cozy feeling.
Maaari itong mabili sa iba’t ibang kulay gaya ng white, pink, yellow, gray, khaki, green at blue.
Features we love:
- Warm at cozy
- Fleece fabric
- Anti-wrinkle, anti-shedding at anti-pilling features
Price Comparison Table
|
Brands |
Price |
Babymama |
Php 950.00 |
Mama’s Choice |
Php 399.00 |
Enfant |
Php 450.00 |
Moose Gear |
Php 340.00 |
Einmilk |
Php 499.00 |
Joyce & Diana |
Php 699.00 |
Note: Each item and price is up to date at the time of publication. However, an item may be sold out or the price may be different at a later date.
Ano ang dapat malaman sa pagtulog ni baby?
Iba-iba ang kinakailangang bilang ng oras ng baby depende sa kanilang edad. Sa mga newborns, mas maraming beses na kailangan nila ng tulog pero mas maiiksi lamang. Sa kanilang pagtanda, mas umuunti ito pero mas humahaba naman ang panahon ng pagtulog.
Nagkakaroon ng sleeping problems ang sanggol kung nararanasan na nila ang separation anxiety at normal na parte ito ng development nila. Kadalasang nangyayari ito sa panahong umaabot na ng 6 na buwan ang kanilang edad. Narito ang ilan sa maaaring gawin upang matulungan ang anak na makatulog nang mahimbing:
- Hayaang mag-nap ang anak ayon sa requirement na bilang depende sa kanilang edad.
- Gumawa ng bedtime routine katulad ng rocking, pakikinig sa music, o pagbabasa.
- Maging consistent sa routine at responses sa baby.
- Siguraduhing komportable at ligtas ang tutulugan ng anak.
Pagpili ng best blanket for newborn baby
Blankets ang isa sa pinakakailangang bagay para sa mahimbing na pagtulog ni baby. Para kasi itong nagsisilbing bisig ng magulang na yumayakap sa kanila upang makatulog nang maayos. Paano nga ba dapat pumili ng baby blanket?
- Style – Pumili ng blanket na babagay sa room at mga damit ni baby. Piliin din ang style na magiging komportable si baby kapag ginamit na.
- Quality – Dapat best quality for baby, para na rin sa safety niya. Humanap ng blanket na gawa sa magandang material.
- Price – Sa pagpili ng quality blanket, piliin din ang affordable para sa iyong anak.
Gusto ng tips upang mas tumagal ang tulog ni baby? Read: 13 tips para mapatulog si baby nang mas matagal