X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Jewel Mische, nagkwento tungkol sa kaniyang sakit na mastitis

3 min read
Jewel Mische, nagkwento tungkol sa kaniyang sakit na mastitis

Sa post ni Jewel Mische sa Instagram, ibinahagi niya na tatlong beses siyang nagkaroon ng sakit na mastitis, o ang pagkakaroon ng blocked milk ducts.

Mahalaga ang pagbreastfeed o pagpapasuso sa mga baby dahil ito ang pangunahin nilang pinagkukuhanan ng nutrisyon. Nirerekomenda nga ng mga doktor na magbreastfeed ang mga ina nang hindi bababa sa anim na buwan upang malusog si baby. Ngunit alam niyo ba na posibleng magkaroon ng blocked milk ducts?

At dahil sa kondisyong ito, maraming ina ang nahihirapan na magpadede ng kanilang mga anak. Bukod sa bumabara ang gatas, napakasakit ng kondisyon na ito, at kung mapabayaan ay posibleng maging sanhi ng impeksyon.

Jewel Mische nagkaroon ng blocked milk ducts

Ayon sa aktres na si Jewel Mische, hindi raw naging madali para sa kaniyang ang magbreastfeed ng anak na si Aislah. Ito ay dahil nagkaroon siya ng kondisyon na mastitis kung saan nahihirapang lumabas ang gatas sa milk ducts.

Kinailangan pang operahan si Jewel upang maayos ang kondisyon, ngunit sinabi rin ng mga doktor na posible daw na hindi na makagawa ng gatas ang suso na may mastitis. Ibig sabihin, isang suso na lamang ang magagamit ni Jewel para magbreastfeed.

Ngunit hindi pa pala tapos ang kalbaryo ni Jewel. Dahil kamakailan lang ay naikwento niya sa Instagram na tatlong beses daw siya nagkaroon ng mastitis!

Sabi pa ni Jewel na dahil sa mga operasyon, nagkaroon ng butas ang kaniyang dibdib. At kinakailangan niya itong linisin at alagaan hanggang ito ay gumaling.

Basahin ang kaniyang Instagram post:

 
 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
    A post shared by ?? Jewel Mische?Kurzer ?? (@mischejewel) on Nov 10, 2018 at 11:25am PST

 

Desidido pa rin siyang mag breastfeed

Bagama't maraming pinagdaanan na paghihirap si Jewel, desidido pa rin daw siyang magbreastfeed ng kaniyang anak. Ito ay dahil mahalaga ang nutrisyon na nakukuha ng mga sanggol sa gatas ng ina, kaya gusto niya itong ibigay sa kaniyang anak.

Kahit daw mahirap magbreastfeed ay masaya siya dahil nabibigyan niya ng gatas ang kaniyang anak. Kahit daw mas madali na tumigil sa pagbreastfeed at i-formula feed ang kaniyang anak, pipilitin pa rin niyang magpasuso hangga't kaya niya.

Ano ang sanhi ng mastitis?

Ang mastitis ay isang kondisyon kung saan nagkakaroon ng pamamaga o impeksyon ang suso. Kadalasan itong epekto ng pagkakaroon ng blocked milk ducts ng mga ina. Posible rin itong mangyari sa mga lalake, o sa mga babaeng walang anak, pero bihira ang mga ganitong kaso.

Iba-iba ang mga sanhi ng mastitis, pero ito ay nagdudulot ng pamamaga at pananakit sa dibdib. Mahalagang malaman ang mga sintomas nito upang makapunta agad sa doktor at ito ay magamot.

Heto ang mga sintomas na dapat mong alamin:

  • Pamumula o pamamaga ng suso.
  • Pagkakaroon ng bukol sa dibdib.
  • Mainit na pakiramdam sa suso, o masakit na pagpapadede sa iyong baby.
  • Namumula ang balat sa suso.
  • Mataas na lagnat.
  • Sumasama ang iyong pakiramdam.

Kung mayroon ka ng mga ganitong sintomas, mabuting magpunta agad sa doktor. Ito ay upang magamot at maagapan bago pa ito lumala. Ito ay dahil posibleng magdulot ng mas malalang impeksyon ang mastitis kung mapabayaan, at katulad ng sa kaso ni Jewel, puwede nitong maapektuhan ang pagpapsuso ng isang ina.

Kaya't huwag itong balewalain. Mahalaga ang iyong kalusugan upang maalagaan mo ang iyong anak.

Partner Stories
How I took the first step to prepare for my child's college education
How I took the first step to prepare for my child's college education
Trailer Debut // YES DAY Starring Jennifer Garner and Édgar Ramírez
Trailer Debut // YES DAY Starring Jennifer Garner and Édgar Ramírez
While you were sleeping: 6 simple ways to achieve good quality zzz’s
While you were sleeping: 6 simple ways to achieve good quality zzz’s
Unpredictable world challenges? Give your kids strength and start them strong with CheezWhiz
Unpredictable world challenges? Give your kids strength and start them strong with CheezWhiz

 

Source: Inquirer

Basahin: Mom in Cebu develops rare breast condition doctors mistook for simple mastitis

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Jan Alwyn Batara

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Kalusugan
  • /
  • Jewel Mische, nagkwento tungkol sa kaniyang sakit na mastitis
Share:
  • Nanay, nangitim ang suso at muntik nang mamatay dahil sa necrotizing mastitis

    Nanay, nangitim ang suso at muntik nang mamatay dahil sa necrotizing mastitis

  • Mom Shattered To Discover That 'Blocked Milk Duct' Is Actually Stage 4 Breast Cancer

    Mom Shattered To Discover That 'Blocked Milk Duct' Is Actually Stage 4 Breast Cancer

  • This amazing baby saves her family's life

    This amazing baby saves her family's life

  • Nanay, nangitim ang suso at muntik nang mamatay dahil sa necrotizing mastitis

    Nanay, nangitim ang suso at muntik nang mamatay dahil sa necrotizing mastitis

  • Mom Shattered To Discover That 'Blocked Milk Duct' Is Actually Stage 4 Breast Cancer

    Mom Shattered To Discover That 'Blocked Milk Duct' Is Actually Stage 4 Breast Cancer

  • This amazing baby saves her family's life

    This amazing baby saves her family's life

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.