X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Bodyguard ni Sarah, idinetalye ang nangyari ng gabing sinuntok siya ni Matteo

7 min read
Bodyguard ni Sarah, idinetalye ang nangyari ng gabing sinuntok siya ni Matteo

Humarap na ang bodyguard ni Sarah Geronimo sa isang panayam ni Tulfo tungkol sa usap-usapang sinuntok siya ni Matteo Guidicelli matapos ng kanilang kasal.

Nagsalita na ang bodyguard ni Sarah Geronimo sa isang panayam kay Raffy Tulfo tungkol sa usap-usapang sinuntok siya ni Matteo Guidicelli matapos ng kanilang kasal.

Bodyguard ni Sarah, idinetalye ang nangyari ng gabing sinuntok siya ni Matteo

Nitong Huwebes, February 20, kumpirmadong ikinasal na ang long time couple na sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli.

Sa kabila ng secret wedding na ito, kumalat sa social media ang umano’y pagsuntok ni Matteo sa bodyguard ni Geronimo. Ito ay matapos biglaang sumulpot ang nanay ni Sarah na si Mommy Divine sa kanilang kasal. Ang dahilan niya, gusto lamang nitong kausapin ang kanyang anak.

Kilala bilang isang striktong nanay si Mommy Divine sa kanyang anak.

Binigyang linaw naman ni Matteo ang kumakalat na rumor tungkol sa kanilang kasal.

“Wala akong sinuntok.”

Ito ang mga binitawang salita ng aktor sa isang interview nito kay Mario Dumaual ng ABS-CBN matapos madiin siya na sinuntok niya ang bodyguard ni Geronimo na si Jerry Tamara. Dahil ang bodyguard daw mismo ang itinuturong nagpakalat ng detalye sa kanilang kasal at sinabi ito sa mga magulang ni Sarah.

Ayon naman sa police blotter, agad na nireport ng bodyguard na si Tamara ang nangyaring insidente noong 3:27 ng umaga noong Biyernes.

Hinihintay pa rin ng Taguig Police na mag-file ng formal complaint si Tamara kay Matteo.

bodyguard-ni-sarah-tulfo

Screenshot image from News5Everywhere

Ngunit ngayong February 24, Lunes, humarap sa isang programa ng TV5 na AKSYON ang bodyguard ni Sarah Geronimo na itinuturong sinuntok ng asawa niyang aktor na si Mateo Guidicelli.

Idinetalye nito ang pangyayari bago at pagkatapos ng nasabing insidente.

Sa salaysay ng bodyguard na si Jerry Tamara, nasa isang restaurant sa BGC sina Sarah at buong pamilya ni Matteo nang mangyari ang kaguluhan. Bandang 10:30 PM, nang biglang magtext sa kanya ang kasamahan niyang bodyguard at sinasabing pinapauna na silang umuwi ni Sarah.

Para raw klaro sa pangyayari, tinext nito ang kanyang amo na si Sarah na i-inform ang kanyang Mommy Divine na pinapauna sila. Maya-maya, tinext din ni Tamara ang nanay ni Sarah na pinapauna na sila nitong umuwi. Ang tanging sagot lamang ni Mommy Divine ay,

“Wag kayong aalis diyan. Malapit lang kami dyan. Papunta na ako dyan.”

Pagkadating sa venue, agad silang pumunta sa kwarto kung nasaan sina Sarah at Matteo. At dito na nga nagsimula ang gulo at komosyon.

Ayon kay Tamara, mga pangit na salita ang tanging naririnig niya sa pagitan ni Mommy Divine at pamilya ni Matteo. Sinabihan pa ni Mommy Divine ang mga ito ng ‘traydor’ at ‘bakit siya niloko’.

Umabot daw ng 20 minutes ang komosyon na ito.

bodyguard-ni-sarah-tulfo

Image from Sarah Geronimo Facebook Page

Pinaghiwalay ni Tamara ang magkabilang panig para pribadong makapag-usap ang mag-ina. Ngunit hindi pa rin natatapos ang tensyon sa pagitan nila. Dito na dumating si Boss Vic ng Viva Entertainment. Nagkaroon ito ng pagkakataon upang makausap si Mommy Divine tungkol sa nangyayari.

Matapos ang 15 minutes, nakita ni Tamara na paalis na si Sarah kasama ang pamilya ni Matteo palabas ng fire exit. Ayon sa kanya, bilang parte ng kanyang trabaho, pinagbigay alam nito kay Mommy Divine ang balak na pag-alis ni Sarah at nanghingi ng instruction.

Utos ni Mommy Divine na sundan si Sarah at pigilan ito umalis. At ganun nga ang kanyang ginawa. Tinawag niya si Sarah at sinabing kausapin muna ang kanyang nanay bago tuluyang umalis. Dito na sumingit si Matteo at sinabi kay Tamara na ‘wag makialam sa kanilang problema.

Dahil walang utos ni Sarah na umalis ito, tuloy pa rin niyang pinigilan ang pag-alis nila. At dito na nga sinapak ni Matteo si Tamara sa kanyang lalamunan.

Dagdag ni Tamara, hindi siya nakapang laban dahil limang bodyguard ang pumigil sa kanya. Sabi pa nito na may ilang active na miyembro ng Philippine Army ang kasama rito.

bodyguard-ni-sarah-tulfo

Screenshot image from News5Everywhere Youtube Channel

“Hindi naman pwede ‘yon, sasapakin niyo ako dahil galit kayo. Wala naman po akong ginagawa sa inyo.”

Ito ang mga binitawang salita ng bodyguard na si Tamara tungkol sa pagtanggi ni Matteo sa pagsapak sa kanya.

Partner Stories
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.

Handa namang magsampa ng kaso laban kay Guidicelli si Tamara.

Matteo Guidicelli and Sarah Geronimo Wedding

Matatandaang nag-bahagi si Matteo ng mensahe para sa mga magulang ng kanyang asawa. Ang open letter na ito, na pinost niya sa kanyang Instagram ay magsisilbing daan para sa pamilya Geronimo.

Ayon sa aktor, ang pagkakaroon ng pamilya ay ang kanyang pangunahing priority at nagagalak siyang simulan ito kasama si Sarah.

Pangarap niya na makitang magkasamang kumakain sa iisang lamesa ang pamilya niya at ni Sarah. Para sa magulang ni Sarah, ito ang iniwang mensahe ni Matteo

“Tito Delfin and Tita Divine, if there have been hard feelings or events that were not supposed to happen in the past, I humbly apologize. I assure you that I will give Sarah a happy life with the best of my capabilities. With pure, honest love and respect. We wish to move forward with our life plans and begin this brand new chapter of our life.”

View this post on Instagram
Family is my number one priority. In this next chapter of my life, I’m extremely excited to start my own family with the love of my life, my fiancée Sarah G. I deeply thank my parents for teaching me the values of a solid family. Life will never be perfect but what matters is that we learn, grow and improve until it is our time to take over. My father has been my best example; he is my mentor, my solid rock. Papa and mama's values, passion and selfless attitude has taught my siblings and me a lot and has molded us to become what we are today. One day, I pray, I will do the same for my own family. I’m very blessed and honored that my parents welcomed Sarah to our humble family like another daughter. My sister and little brother loves her the same way. Knowing she is loved and accepted in the family simply fills up my heart with joy. People might be thinking that our relationship has been smooth sailing. But let me tell you, it hasn’t been easy. Sarah has been tough. I saw her grow, mature, and develop into an independent beautiful woman that I am extremely proud of! My love, thank you. I dream that one day both our families will sit around a dinner table and simply celebrate life. Love, happiness, joy and LIFE must always be celebrated. Tito Delfin and Tita Divine, if there have been hard feelings or events that were not supposed to happen in the past, I humbly apologize. I assure you that I will give Sarah a happy life with the best of my capabilities. With pure, honest love and respect. We wish to move forward with our life plans and begin this brand new chapter of our life. Mahal na mahal ko po si Sarah. Mahal ko din po kayung magulang nya at mga kapatid nya. Hangad ko po na maging isang pamilya tayo. Pangako ko po na aalagan ko si Sarah na kapareho ng pangangalaga nyo sa kanya. A post shared by Matteo Guidicelli (@matteog) on Nov 13, 2019 at 10:55pm PST

Isang pangako naman ang binitawang salita ni Matteo para sa mga magulang ni Sarah.

“Mahal na mahal ko po si Sarah. Mahal ko din po kayung magulang nya at mga kapatid nya. Hangad ko po na maging isang pamilya tayo. Pangako ko po na aalagan ko si Sarah na kapareho ng pangangalaga nyo sa kanya.”

Halos anim na taon din ang pagsasama nina Sarah at Matteo. At mahigpit isang taon na rin silang engaged.

Nanatili pa ring tikom ang bibig ng popstar royalty na si Sarah Geronimo.

 

Source: News5Everywhere

BASAHIN: Mensahe ni Matteo sa magulang ni Sarah: “Hangad ko po na maging isang pamilya tayo.”

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Mach Marciano

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Bodyguard ni Sarah, idinetalye ang nangyari ng gabing sinuntok siya ni Matteo
Share:
  • Matteo itinangging may sinuntok siya sa kasal nila ni Sarah Geronimo

    Matteo itinangging may sinuntok siya sa kasal nila ni Sarah Geronimo

  • LOOK: Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli ikinasal na!

    LOOK: Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli ikinasal na!

  • Maitim na kilikili? 12 iba't ibang natural na paraan pampaputi ng kilikili

    Maitim na kilikili? 12 iba't ibang natural na paraan pampaputi ng kilikili

  • 10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

    10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

  • Matteo itinangging may sinuntok siya sa kasal nila ni Sarah Geronimo

    Matteo itinangging may sinuntok siya sa kasal nila ni Sarah Geronimo

  • LOOK: Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli ikinasal na!

    LOOK: Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli ikinasal na!

  • Maitim na kilikili? 12 iba't ibang natural na paraan pampaputi ng kilikili

    Maitim na kilikili? 12 iba't ibang natural na paraan pampaputi ng kilikili

  • 10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

    10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.