Mensahe ni Matteo sa magulang ni Sarah: "Hangad ko po na maging isang pamilya tayo."

Mensahe ni Matteo sa magulang ni Sarah: "Hangad ko po na maging isang pamilya tayo."

May makahulugang Instagram post at mensahe ng aktor na si Matteo Guidicelli para sa mga magulang ng nobyang si Sarah Geronimo ukol sa nalalapit na kasal.

Matapos nga ang pagiging mag-boyfriend at mag-girlfriend ng celebrity couple na sina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo ng anim na taon, sa wakas nito ngang ika-7 ng Nobyembre ay ni-reveal ni Matteo sa kaniyang Instagram post na engaged na sila ni Sarah.

"Now and forever" post

Noong nakaraang linggo nga lamang ni-reveal ng aktor na si Matteo Guidicelli at singer-actress na si Sarah Geronimo ang pagiging engaged nila.

Si Matteo ay nag-post sa kaniyang Instagram na may simple at sweet caption lamang na, "I love you my love, now and forever. ❤️"

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

A post shared by Matteo Guidicelli (@matteog) on

Kinumpirma naman ng popstar na si Sarah G ang kaniyang pagiging engaged kay Matteo sa ASAP Natin 'To noong Linggo, ika-10 ng Nobyembre.

Marami ngang bumati at natuwa para sa AshMatt sapagkat marahil alam nila kung ano ang mga pagsubok at matatamis na pinagdaanan ng dalawa at "it's the right time" na nga di-umano na sila'y ikasal.

"Maging isang pamilya tayo" post

Sa tinagal-tagal nga ng relasyon nila Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo, minabuti ng dalawa na maging pribado sa kanilang relasyon at mas gusto nilang hindi mahaluan ng bahid ng showbiz ang kanilang relasyon.

Kahit na nga ay sila ay maituturing na public figures, nagawa naman nilang maging pribado at marahil ang mga balita lamang tungkol sa kanila ay limitado sa kung sino ang kasama nila o nakakakita sa kanila kung sila man ay magkasama sa labas.

Isang linggo nga matapos ang "engaged" post ni Matteo ay nag-post ito ng makahulugang post at mensahe kahapon.

Bungad niya sa kaniyang caption, "Family is my number one priority. In this next chapter of my life, I’m extremely excited to start my own family with the love of my life, my fiancée Sarah G."

"I deeply thank my parents for teaching me the values of a solid family. Life will never be perfect but what matters is that we learn, grow and improve until it is our time to take over," pasasalamat ni Matteo.

"My father has been my best example; he is my mentor, my solid rock. Papa and mama's values, passion and selfless attitude has taught my siblings and me a lot and has molded us to become what we are today," dagdag pa ng aktor.

Aniya pa, "One day, I pray, I will do the same for my own family. I’m very blessed and honored that my parents welcomed Sarah to our humble family like another daughter. My sister and little brother loves her the same way. Knowing she is loved and accepted in the family simply fills up my heart with joy."

"People might be thinking that our relationship has been smooth sailing. But let me tell you, it hasn’t been easy. Sarah has been tough. I saw her grow, mature, and develop into an independent beautiful woman that I am extremely proud of! My love, thank you," sambit ni Matteo patungkol sa popstar.

"I dream that one day both our families will sit around a dinner table and simply celebrate life. Love, happiness, joy and LIFE must always be celebrated," kuwento nito.

"Tito Delfin and Tita Divine, if there have been hard feelings or events that were not supposed to happen in the past, I humbly apologize. I assure you that I will give Sarah a happy life with the best of my capabilities. With pure, honest love and respect. We wish to move forward with our life plans and begin this brand new chapter of our life," mensahe ni Matteo sa mga magulang ni Sarah G.

Sa huli ipinahayag ni Matteo, "Mahal na mahal ko po si Sarah. Mahal ko din po kayung magulang nya at mga kapatid niya. Hangad ko po na maging isang pamilya tayo. Pangako ko po na aalagan ko si Sarah na kapareho ng pangangalaga nyo sa kanya."

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

A post shared by Matteo Guidicelli (@matteog) on

Marami ngang humanga sa Instagram post na ito ni Matteo sapagkat nagpakumbaba siya sa mga nangyari nga sa nakaraan sa kanila ng mga magulang ni Sarah G.

Nangyari sa nakaraan

Noong taong 2015 nga ng relasyon nila Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo, sa mag-iisang taon at kalahati ng kanilang relasyon nagkaroon nga di-umano ng mahirap na panahon sa kanilang dalawa sapagkat di-umano hindi pa natatanggap ng buong-buo ng mga magulang ng popstar ang relasyon ng dalawa.

Noon ngang 25th birthday party ni Matteo sa Swatch Center sa Makati City nasurpresa ang ilan sapagkat hindi present si Mommy Divine kahit na lagi itong present sa kung saan man magpunta ang Popstar Princess.

Naglabasan nga ang mga videos kung saan nagbigay ng makahulugang mensahe si Sarah sa boyfriend at now fiancé na si Matteo.

Mensahe nito sa nobyo, "I love you... Maraming salamat sa pagmamahal mo."

Dagdag pa ng aktres, "You are now becoming a man, and I am praying, lovey, that you will continue to seek God, and that you will become the man that God has planned you to become, okay? Okay? Okay?"

"Ako man makatuluyan mo o hindi, okay. Okay? I love you," aniya pa sa huli.

Naiyak nga si Matteo sa birthday speech ni Sarah para sa kaniya. Sa isang interview sa kaniya ng Bandila, ang birthday wish nga di-umano ni Matteo ay "acceptance," patungkol nga ito sa mga magulang ng popstar.

Pahayag ni Matteo, "Siyempre we have challenges here and there, but I respect whatever minds they have, whatever they feel and think about—I respect everything, totally everything."

Aniya pa, "I can't do anything coz that's the people Sarah loves the most so I love them too and I want to love them too."

"I hope everything would be better and happier in the future," hiling ni Matteo.

Ngayong tila nalalapit na nga ang kasal nina Matteo at Sarah, tanong ng marami kung ano ang reaksyon ng magulang ni Sarah dito at kung may basbas na ba sila sa pagpapakasal ng showbiz couple. 

Kung ano man, sana sa kasal ng dalawa ay matupad na nga ang hiling ni Matteo na maging isa na ang kani-kanilang mga pamilya.

Source: Matteo Guidicelli, ABS-CBN News
Photos: Matteo Guidicelli Facebook and SarahGeronimo.ph

Basahin: LOOK: Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli, engaged na!

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner