LOOK: Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli, engaged na!

LOOK: Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli, engaged na!

Sarah Geronimo engaged na sa nobyong si Matteo Guidicelli. Nag-post si Matteo ng pictures nilang dalawa na pabirong sinasakal siya ng kaniyang future wife.

Matapos ang anim na taon ng pagiging magkasintahan, Sarah Geronimo engaged na sa kasintahang si Matteo Guidicelli!

sarah geronimo engaged

Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo engaged

Nitong gabi lamang ay nag-post si Matteo ng dalawang litrato sa kaniyang official Instagram account. Makikita sa mga litrato na pabiro siyang sinasakal ng kaniyang nobyang si Sarah. Makikita rin na may suot ding diamond ring ang aktres sa kaniyang ring finger.

"I love you my love, now and forever. ❤️" ang tanging caption ng aktor sa kaniyang post, ngunit inulan na ng congratulatory messages ang couple mula sa kanilang mga pamilya, kaibigan at tagahanga. 

Kabilang sa mga well-wishers na bumati sa ikakasal sina Angel Locsin, Darren Espanto, Gary Valenciano, Martin Nievera, Gab Valenciano, at pati na rin ang senador na si Pia Cayetano.

sarah geronimo engaged

sarah geronimo engaged

sarah geronimo engaged

Tila naging kumpirmasyon naman sa engagement ng dalawa ang posts ng nakababatang kapatid ni Matteo na si Paolo. Sa kaniyang Instagram posts, nag-congratulate ito sa dalawa at nagpahiwatig pa na "it was a secret" at wala raw nakaalam nito.

sarah geronimo engaged

sarah geronimo engaged

Sa episode ng TV Patrol ngayong gabi ay ibinalita na rin ng news program ng home network ng dalawa na ikakasal na nga ang mga ito. 

Sarah at Matteo

sarah geronimo engaged

Early this year napabalita na nag-propose na si Matteo kay Sarah ngunit walang kumpirmasyon na narinig mula sa kampo ng dalawa. Sa loob din kasi ng kanilang anim na taon na pagsasama ay talagang pinahalagahan ng dalawa ang kanilang mga pribadong buhay. Hindi sila gaanong nagbabahagi ng detalye tungkol sa kanilang relasyon.

Bagaman nagulat ang marami sa post ni Matteo, karamihan naman ang natuwa sa balita ng kanilang plano na pagpapakasal lalo na't nasa tamang gulang na ang dalawa. Si Sarah ay 31 years old na, samantalang 29 anyos na rin naman si Matteo. Pareho na rin namang may magandang career ang dalawa. 

Inaasahan ang pormal na pag-anunsyo ng kanilang engagement mula sa kani-kanilang kampo.

Congratulations AshMatt!

 

Basahin: Civil wedding: Step-by-step guide kung paano ikasal sa huwes

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner