Boundary sa physical touch, dapat bang ituro sa ating mga anak sa mura nilang edad? Pero paano ba ito maituturo ng tama sa kanila. Alamin dito ang sagot ng isang pag-aaral.
Mababasa dito ang sumusunod:
- Physical touch sa mga bata.
- Paano ang tamang pagtuturo sa mga bata tungkol sa boundary ng physical touch.
Physical touch sa mga bata
Larawan mula sa Shutterstock
Bilang magulang gusto nating lumaking may respeto ang ating mga anak. Higit sa lahat nais nating maprotektahan sila sa mga oportunista o taong may masamang balak sa kanila. Kaya naman malamang marami sa ating mga magulang ang itinuturo ang konsepto ng consent o boundary sa physical touch. Tulad ng bawal magpahawak ng kamay o kahit anumang bahagi ng katawan nila sa iba. O kaya naman bawal ang humalik sa kung kani-kanino kahit na sa kapwa nila bata.
Ayon sa isang pag-aaral, hindi ito ang tamang paraan ng pagtuturo ng boundary sa physical touch sa mga bata. Ang tamang pagtuturo daw ng boundary sa physical touch ay matutunan ng iyong anak sa kapwa niya bata. Ito ay sa pamamagitan ng social learning experience o pagsubok niya na hawakan ang kapwa niya bata at makatanggap ng rejection o approval mula dito. Sa ganitong paraan ay maiintindihan niya kung paano maprotektahan ang sarili niyang boundaries. At kung paano respetuhin ang boundaries ng iba habang siya ay lumalaki o kahit wala ka sa tabi niya para magpaalala.
Paano ang tamang pagtuturo sa mga bata tungkol sa boundary ng physical touch
Larawan mula sa Shutterstock
Para nga mas effective o natural na maituro sa iyong anak ang boundaries ng physical touch, narito ang mga hakbang na maari mong gawin ayon pa sa pag-aaral.
- Kaysa pigilan ang iyong anak na mayakap o mahalikan ang kapwa niya bata ay mas mainam na tanungin muna siya kung ok lang ba sa kaniya na mayakap o mahalikan ng iba. O turuan siyang ma-recognized ang feeling o reaction ng kapwa niya bata na gustong halikan o yakapin ng iyong anak. Tulad ng pag-eencourage dito na sabihin sa iyong anak na ayaw niyang magpayakap. Halimbawa, “Ayaw mong magpayakap? Sabihin mo kay Jeri.” O kaya naman ay “Anak, mukhang ayaw ni Lisa ng kiss mula sa iyo.” Saka sabihin sa iyong anak na dapat niyang respetuhin ang choice na ito ng kapwa niya bata.
- Mainam din na maging mabuting halimbawa ka sa iyong anak. Tulad nalang ng hindi pagpipilit sa iyong anak ng kiss kapag wala siya sa mood o nahihiya sa mga tao sa paligid niya.
- As much as possible, iwasan ang pagbibigay ng negative touch sa iyong anak. Ito ay nagagawa mo sa pamamagitan ng pamamalo o paghatak sa kanila ng masakit. Mas mainam na palaging bigyan ang iyong anak ng loving touch. Tulad ng pagtabi sa kanila sa kama kapag matutulog sa gabi. O kaya naman ay ang paghalik sa kanila at pakikipaglaro. Ito ay para hindi nila hanapin sa iba ang loving touch na hanap nila. At para maintindihan nila kung ano ang pagkakaiba ng touch na safe at may pagmamahal mula sa isang magulang.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!