Hindi maikakaila ang benefits ng breast milk pagdating sa pagbibigay nito ng kumpletong sustansya na kailangan ng baby. Nakakatulong rin ito sa pagpatatag ng relasyon ng nanay at ng kaniyang anak. Pero alam mo ba na may iba pang gamit ang mahiwagang gatas na ito? Alamin ang 5 paraan kung paano puwedeng gamitin ang breast milk bilang gamot o natural remedy.
1. Para sa impeksyon sa tainga
Madalas magkaroon ng impeksyon sa tainga ang mga baby na may edad na 6 hanggang 18 na buwan. Ang mga antibodies na natatagpuan sa gatas ng ina ay maaaring magsilbing gamot para dito. Patakan lamang ng breast milk ang ear canal ng tatlo hanggang apat na beses.
2. Para sa impeksyon sa mata
Kilalang lunas sa pamumula ng mata o conjunctivitis—dulot man ito ng virus, bacteria, o allergy—ang breast milk. Kailangan lamang patakan ng gatas ang apektadong mata. Hindi lamang conjunctivitis sa bata ito epektibo, kundi pati na rin sa mga magulang.
Subalit kailangan pa rin kumonsulta sa duktor bago gamitin ang breast milk bilang gamot dahil baka maaaring ma-irita ang mata kung hindi tama ang pag-gamit ng gatas.
Maaari ring gamitin ang breast milk bilang pang linis sa contact lens.
3. Para sa sore throat
Mabilis na lunas ang pag mumog ng gatas ng ina para sa mga baby na may sore throat. Naiibsan nito ang kati ng lalamunan sa mga sanggol.
4. Para sa mga problema sa balat
Ginagamit din ang breast milk bilang disinfectant pagdating sa mga problema sa balat katulad ng paso, kati at kagat ng insekto. Nagsisilbing panangga sa germs at bacteria ang mga antibodies na natatagpuan sa gatas ng ina. Patakan lamang ng gatas ang apektadong area ng balat at mapapansin na bibilis ang pag galing nito.
5. Bilang facial wash
Hindi lamang medisina ang breast milk, puwede rin itong gamitin na pampaganda! Hindi na kailangan gumamit ng mga kemikal na facial wash o toners para matanggal ang tigyawat. Hugasan lamang ng tubig ang mukha ‘tapos maghilamos gamit ang breast milk. Siguraduhin na nalagyan ng gatas ang area na may tagyawat. Hayaang matuyo at huwag punasan. Kung nais mong gumamit ng cleanser, gamitin lamang ito matapos matuyo ang breast milk sa mukha.
May mga nadiskubre ka rin bang ibang gamit para sa gatas ng ina? I-share sa mga kapwa TAP mommies at daddies sa comments section sa ibaba.
Sources: Medical Daily, Dr. Wang Skin Care
Isinalin mula sa wikang Ingles ni Candice Venturanza.
Basahin: The difference between breast milk, cow’s milk and formula under the microscope
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!