Help! Bakit nagbago ang kulay ng breastmilk ko?

Normal lamang ang pagkakaroon ng breast milk color, narito ang ating breast milk color chart para malaman kung ano ba ang ibig sabihin nito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Normal lamang ang pagkakaroon ng breast milk color, narito ang isang breast milk color chart para malaman kung ano ba ang ibig sabihin nito.

Napakamasustansya ng breast milk na napo-produce ng ating mga mommy. Naglalaman ito ng  antibodies para lumakas ang immune system ni baby. Ito raw ang pinaka masustansyang human food sabi ng ating mga lola.

Huwag kabahan o mag-panic agad kung nakikita mong iba ang iyong breast milk color, tignan ang breast milk color chart sa baba kung anong ibig sabihin ng mga kulay na ito. Para laging maging safe at healthy si baby. 

Breastmilk Color: Ang Ibig Sabihin Ng Iba’t Ibang Kulay Ng Breastmilk | Image from shutterstock

Ano ang normal na kulay ng breast milk?

Ang totoo iba-iba ang normal na kulay ng breast milk sa iba-ibang mommies. Kaya huwag ninyong ikumpara ay inyong breast milk color sa iba pang mommies. Pero kadalasan color white, yellowish, o bluish hue.

Breast milk color chart guide

Mainam na malaman ito ng ating mga mommies upang masiguradong normal lamang ang pagkakaroon ng breast milk color. Narito ang mga posibleng breast milk color at kung ano ang ibig sabihin nito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
Blue
  • Indikasyon ng “foremilk”

Foremilk – ang unang gatas na dumadaloy sa breast ni mommy sa unang pag-pump nito.

Yellow
  • Pagkain ng carrots, squash, at mga yellow/orange gulay
  • Pag-freeze ng breast milk sa freezer
  • Pag-inom ng orange soda o kaya drinks

 

Green
  • Pagkain ng mga gulay o na kulay green. Katulad ng kangkong, spinach, seaweeds, at iba pa.

 

Pink, Red o Rust
  • Pagkain o pag-inom ng red-colored na pagkain o inumin.
  • Cracked nipples o broken capillaries

 

Black
  • Mga medication
  • Pag-inom ng vitamin supplements

Blue

Kapag ang inyong breast milk ay medyo blueish o clear, o watery breast milk ito ay indikasyon na isa itong “foremilk.” Ang foremilk ay ang unang gatas na dumadaloy sa breast ni mommy sa unang pag-pump nito. Kadalasang mababa lang ang fat content nito.

Huwag mangamba dahil normal lang ito. Kapag malapit ka nang matapos mag-breast feed kay baby magiging whiter milk na ang inyong makikita.

 

Yellow

Maaaring kakasimula mo pa lang mag-breast feed. Ang tawag sa inilalabas na yellow breast milk ay colostrum, mataas ito sa nutrients. Ito ang gatas na ginagawa ng katawan matapos manganak. Madalas kulay yellow ito at malapot.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • Nakakakuha ng beta-carotene sa iyong mga kinakain. Katulad ng gulay na mataas sa bitamina na sanhi rin ng color yellow breast milk. Pagkain halimbawa ng carrots, kalabasa, at kamote. Bahagyang color yellow ito o orange.
  • Kapag pinatigas sa freezer ang breast milk maaaring magbago ang kulay nito sa pagiging slightly yellow.

Green

Nagiging kulay green naman ang breast milk kapag madalas ang green veggies katulad ng spinach at kangkong. Pwede ring sa pag-inom o pagkain ng mga may food coloring katulad ng Gatorade. 

 

Pink, Red, o Rust

Kapag naman naglalabas ka ng pink, red, o mala-rust-tinged na breast milk maaaring ang sanhi nito ang mga sumusunod:

  • Maaaring kumain ka ng mga pagkaing kulay red o pink. Katulad ng beets o kaya naman kumain ka ng mga pagkaing may artificial dyes. Halimbawa, gelatin na kulay pula, orange soda at iba pa.
  • Kapag naman may kaunting dugo ang inyong breast milk huwag agad mag-panic. Ang pagkakaroon ng dugo sa inyong breast milk ay kadalasang sanhi nang pagputok ng blood capillary o cracked nipples.

Hindi naman ito delikado para kay baby. Sa maraming kaso nito kusang mawawala ang pagdudugo matapos ang ilang araw. Pero obserbahan pa rin ito at kapag tingin mo’y hindi ito na ito normal agad na pumunta sa iyong doktor.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

Black

Ang pagkakaroon ng black breast milk ay maaaring nakakagulat talaga. Pero kung ikaw ay mayroong chocolate-brown o blackish milk baka dahil lamang ito sa residual blood. Maaari ring dahil ito sa iniinom na gamot.

Ugaliing kumonsulta sa iyong pinagkakatiwalaang doktor. Para matiyak kung ligtas ba ang iyong mga iniinom na herbs o medications habang ika’y nagbe-breastfeed.

Breastmilk Color: Ang Ibig Sabihin Ng Iba’t Ibang Kulay Ng Breastmilk | Image from shutterstock

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kaya mga mommies huwag masyadong mag-panic kung iba ang iyong breast milk color, nakatulong sana ang breast milk color chart sa inyo. Ugaliing healthy ang inyong kinakain lalo na kapag kayo ay nagbe-breast feeding para healthy rin si baby.

Pero kung may pangamba ka pa rin sa iyong breast milk color mas magandang kumonsulta na sa iyong trusted health care provider.

 

Source:

Healthline.com

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

BASAHIN:

5 recommended breast pump ng mga Pinay moms

Breastfeeding: Mga pagkain na dapat iwasan

10 easy and delicious recipes to increase your breast milk supply

Sinulat ni

Marhiel Garrote