TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Real mom shares "Every time I breastfeed my son, I can't stop thinking about sex"

5 min read
Real mom shares "Every time I breastfeed my son, I can't stop thinking about sex"

Nakakaramdam ka ba ng arousal habang pinapasuso si baby? Relax, mommy. Normal lang yan, ayon sa paliwanag ng mga eksperto.

Breastfeeding and sex, isang ina hindi mapigilang mag-isip ng tungkol sa sex habang pinapasuso ang kaniyang anak. Ang tanong niya, normal lang ba ito?

breastfeeding and sex

Image from Freepik

Breastfeeding and sex story

Isang ina ang nagbahagi ng kaniyang breastfeeding and sex story sa theAsianparent community. Ayon sa ina, hindi niya mapigilang mag-isip ng tungkol sa sex habang pinapasuso ang kaniyang baby. Minsan nga daw ay nagmamasturbate siya pagkatapos ang pagpapasuso para makaraos. O kaya naman ay manonood siya ng porn videos. Kaya naman ang ina naguguluhan kung normal lang ba ang nararamdaman niya.

breastfeeding and sex

Normal bang naiisip ng isang ina ang sex habang nagpapasuso ng kaniyang anak?

“It’s common, but women don’t talk about it.”

Ito ang sagot ni Viola Polomeno, isang sexuality researcher at associate professor sa University of Ottawa School of Nursing.

Paliwanag niya ang sexual arousal na nararamdaman ng isang ina habang nagpapasusp ay dulot ng pinagsama-samang dahilan. Tulad ng biglang pagtaas ng level ng love hormone na oxytocin at physical stimulation na dulot ng sumususong sanggol.

“There’s the physical stimulation that brings a certain contentment, the affection of holding a baby close and the continuum of pleasure in all of it. And it can continue by degrees to the point that it becomes a sexual experience.”

Ito ang paliwanag ni Polomeno na sinuportahan ng isang biological theory.

Paliwanag ng siyensya

breastfeeding and sex

Image from Freepik

Ayon sa biological theory, nangyayari ang arousal habang nagpapasuso dahil sa parehong reaksyon ng katawan ng isang ina habang nagpapasuso at nakikipagtalik. Lalo na ang nangyayaring kombinasyon ng nipple stimulation, hormones at uterine contractions.

Kapag ang isang ina ay nagpapasuso, naglalabas ito ng hormones na prolactin at oxytocin. Prolactin ang hormones na nag-stimulate ng milk production. Ito rin ang hormone na nakakapagpa-relax at nakakapapa-antok sa katawan ng isang babae. Habang ang oxytocin o mas kilala sa tawag na feel good bonding hormone ang nagbibigay ng feeling of pleasure sa nagpapasusong ina. Ito rin ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng contraction sa uterus na tulad ng nangyayari habang nag-oorgasm ang isang babae.

Ang oxytocin rin ang dahilan kung bakit minsan ang isang babae ay naglalabas ng gatas sa kaniyang suso kapag nakikipagtalik. Isang patunay sa koneksyon ng pagpapasuso, milk production at pagkikipagtalik.

Kakulangan sa tamang edukasyon at komunikasyon

Bagamat ayon sa siyensa ay normal lang na ma-arouse habang nakikipagtalik. Tila naging kakaiba ito sapagkat hindi ito napag-uusapan.

It’s more common than you think, and it goes with all the hormonal changes that are going on in pregnancy and childbirth, but it is taboo. It’s rarely mentioned by clients, and even healthcare professionals don’t often acknowledge it because it’s so private.”

“Women aren’t sharing it or being open about it because they feel some sort of guilt or shame around it. It’s so taboo they ask ‘Is it even possible?”

Ito ang dagdag na pahayag ni Polomeno.

Ang pahayag na ito ni Polomeno ay sinuportahan ng isang 2006 study na nagsabing 33% to 50% ng mga babae ang nagsabing nakakaranas ng arousal habang nagpapasuso.

Habang isang 1999 meta-analysis naman ng 59 na pag-aaral ang natuklasang halos ¼ ng mga babaeng nakakaranas ng arousal habang nagpapasuso ang nagi-guilty umano sa kanilang nararamdaman.

breastfeeding and sex

Image from Freepik

Walang dapat ikahiya at ika-guilty ang breastfeeding mommy

Pero para naman kay Mary Jo Podgurski, isang nurse at childbirth educator sa Pennsylvania, hindi daw dapat ma-guilty o mahiya ang isang ina na nakakaramdam nito. Dahil ito ay normal lang. Lalo pa’t ang suso ay isang erogenous zone o very sensitive na parte ng katawan.

“The breast is an erogenous zone. But if a woman feels anything sexual while performing a motherly duty,” she may wonder, “What’s wrong with me?”

“It’s not a woman’s choice, it’s how we are wired. But if a woman knows in advance how this works, she’ll be a little more comfortable with it.”

Ito ang paliwanag pa ni Podgurski. Dagdag pa niya hindi dahil nakakaramdam ng orgasm ang babae habang nagpapasuso ay natuturn-on o may sexual feelings na siya sa baby niya. Sinuportahan naman ito ng pahayag ni Diana West. Siya ang isang lactation consultant sa La Leche League at author ng mga breastfeeding books. Ayon sa kaniya, maliban sa biology at anthropology, isa pang branch ng science na makakapagpaliwanag ng phenomenon na ito sa mga breastfeeding mommies ay ang psychology. Dahil ang hormonal experiences ng katawan ay naapektuhan ng naiisip at nararamdaman ng isang tao.

Ito ay normal at dapat ng mapag-usapan

“Human emotional psychology is tied to hormonal experiences. Breastfeeding really is such a primal experience, and the hormones accentuate the situation. Which means, for some women, the feelings of sexuality and eroticism typically associated with breasts can carry over into breastfeeding.”

Partner Stories
3 things single moms can learn from heartbreaks
3 things single moms can learn from heartbreaks
Sun Life Flexes Dominance As No. 1 Life Insurer In The Philippines
Sun Life Flexes Dominance As No. 1 Life Insurer In The Philippines
'Nostalgia Meets the Future' - A Star-Studded New Year’s Eve Countdown to 2024, Celebrating Filipino Pride and Global Excellence!
'Nostalgia Meets the Future' - A Star-Studded New Year’s Eve Countdown to 2024, Celebrating Filipino Pride and Global Excellence!
Unstoppable You: EasySoft releases inspiring short film
Unstoppable You: EasySoft releases inspiring short film

Ito ang pahayag ni West. Para naman kay Podgurski, upang mas maging maliwanag at katanggap-tanggap ang tungkol sa phenomenong ito sa mga nagpapasusong ina ay dapat na itong mapag-usapan. Upang sila ay mabigyan ng tamang kaalaman. Habang ayon kay West, ang edukasyon tungkol sa topic ay mas magpropromote pa ng breastfeeding sa mga ina. At mas magbibigay ng meaning sa mommy experience nila.

 

Source:

NCBI, Splinter News, Todays, TandF Online, NCBI

Photo:

Freepik

Tips kung paano babalik sa breastfeeding pagkatapos ng bottle feeding

 

 

 

 

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Tunay na kuwento
  • /
  • Real mom shares "Every time I breastfeed my son, I can't stop thinking about sex"
Share:
  • Gay Kid Steals the Show at Sagayla, Thanks to His Proud Rap Artist Dad

    Gay Kid Steals the Show at Sagayla, Thanks to His Proud Rap Artist Dad

  • 8.8 pounds na baby nakaranas ng oxygen deprivation sa loob ng sinapupunan

    8.8 pounds na baby nakaranas ng oxygen deprivation sa loob ng sinapupunan

  • Paano mababalanse ang career at pamilya? Tips para sa mga nag-struggle na ina

    Paano mababalanse ang career at pamilya? Tips para sa mga nag-struggle na ina

  • Gay Kid Steals the Show at Sagayla, Thanks to His Proud Rap Artist Dad

    Gay Kid Steals the Show at Sagayla, Thanks to His Proud Rap Artist Dad

  • 8.8 pounds na baby nakaranas ng oxygen deprivation sa loob ng sinapupunan

    8.8 pounds na baby nakaranas ng oxygen deprivation sa loob ng sinapupunan

  • Paano mababalanse ang career at pamilya? Tips para sa mga nag-struggle na ina

    Paano mababalanse ang career at pamilya? Tips para sa mga nag-struggle na ina

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Vietnam flag Vietnam
© Copyright theAsianparent 2025. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko