Lagpas isang milyon na ang followers ng YeY sa official Facebook page nito, kung saan makikita ang updates at episode highlights ng mga programa tulad ng “Team YeY,” “Pedro Penduko,” “My Little Juan,” “Lastikman,” at “Wansapanataym.” Kinikilala rin ang YeY bilang number 1 Philippine kids page sa Facebook ayon sa website na Tubular.
Palabas din dito ang mga pambatang video na hitik sa aral at saya, kabilang na ang ang mga nakamamanghang trivia sa “Kaalaman Express,” lingguhang birthday greetings sa mga manonood nito na “Happy BirthYeY Shout-out,” masasayang arts and crafts activities sa “Artstig Projects,” at mga unboxing video ng mga pinakabago at kinagigiliwang laruan ngayon sa “Buzz in the Box” kasama ang Toy World.
Samantala, bilang regalo sa mga bata ngayong Kapaskuhan, inilunsad ng YeY ang panibagong promo nito na Buzz in the Box Watch and Win Promo. Para sa mga nais sumali, panoorin lamang ang Buzz in the Box by Toy World video of the week at sagutan ang question of the week sa bit.ly/BuzzInTheBox. Ang mga nakakuha ng tamang sagot ay maisasali sa raffle draw para sa linggong iyon.
Linggo-linggo, limang bata ang may tsansang makapag-uwi ng special toy gift pack mula sa Toy World na i-aanunsyo sa Facebook page ng YeY. Tatakbo ang promo hanggang Disyembre 17, 2021 (Biyernes).
Una nang nagtala ang YeY ng mahigit isang milyong subscribers sa YouTube channel nito noong Hulyo. Nagbalik TV rin ito kamakailan lang sa pamamagitan ng YeY Weekday and YeY Weekend blocks sa Jeepney TV at Kapamilya Channel.
Para sa iba pang exciting content, events at promos nito, bisitahin lamang ang YeY sa Facebook (fb.com/yeychannel), Instagram (@yeychannel), TikTok (@yey.channel), at YouTube account nito. Mapapanood din ng mga bata ang mga paborito nilang YeY show sa Just Love Kids website ng ABS-CBN Entertainment sa ent.abs-cbn.com/justlovekids.
Para sa updates, sundan ang ABS-CBN PR sa Facebook, Twitter at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.
This is a press release distributed by ABS-CBN
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!