If you really want to breastfeed your child, you must make it as a goal.
Mindset is very important. DEDEcation is must. It’s not as easy as isasalpak mo lang sa bunganga ni baby then okay na. It is a process.
Ang breastfeeding journey ko
Preggy pa lang ako, ‘yun na talaga iniisip ko and very supportive si hubby na i-breastfeed namin ang magiging anak namin. After ko manganak, siyempre hindi lang naman ako basta umire doon. Kailangan ko pa rin alagaan ang baby ko.
Breastfeeding journey | Image from Unsplash
Noong gabi after ko manganak, nagising na si Sky na umiiyak. Sabi ko kay hubby baka nagugutom na. Sabi naman niya “Hindi pa ‘yan. Ayaw niya nga oh.”
Ayaw kasi mag-latch ni Sky. I told him na siyempre hindi pa kasi siya marunong kailangan ituro. As first time parents, hindi talaga namin alam ang gagawin. The nurse came in and taught us what to do. Dampian daw ng basang cotton (warm) ang breast para matunaw yung milk. Buti nalang talaga may milk supply ako kase hindi talaga kami nagdala ng formula milk kase desidido ako.
And luckily, Sky learned how to latch quickly.
But it doesn’t end there, sa first week namin ni Sky grabe talaga. I was complaining to the point na parang ayaw ko na padedein si Sky. Nagsugat sugat kase yung nips ko. Sobrang hapdi. Tapos pa oversupply ako. Kaunti lang naman nadedede ni Sky kay nai-istock ‘yung natira at namumuo. Ang sakit din tapos parang ang bigat pa sa feeling.
Breastfeeding journey | Image from iStock
Thanks to my mommy friends na nagturo at nag encourage sa’kin. Nag-research din ako. Mommy support groups are very important.
Natutunan ko na para gumaling yung mga sugat sugat kailangan ipadede ng ipapadede kay baby kase yung saliva niya ang gagamot. Tapos dapat i-massage ‘yung namuo na milk para matunaw. Nag hand express ako at pump para matanggal ‘yung mga naiwan ni Sky. Iba talaga yung sakit, I’m not exaggerating.
And until now breastfeed pa rin kami ni Sky, he is 8 months now. I’m very grateful kasi na-sustain ‘yung milk supply ko. Papadedein ko si Sky hangga’t gusto niya. Kasi I believe that my LIQUID GOLD is the best for him.
Breastfeeding journey | Image from Unsplash
BUT one thing I’m frustrated of is that I got lazy and don’t pump regularly anymore.
Until one time, I need to leave home for some errands. Nag-pump ako para sa stock ni Sky when I go out pero 60mL lang naipon ko. I was so worried kasi kulang ‘yun sa baby ko. Tapos inabot pa kami ng gabi, my mother-in-law kept on calling kasi fussy na daw si Sky kasi ubos na milk niya.
My mama fed him and let him drink water but that’s not enough. So when I got home, I saw how my baby’s face brighten up knowing that his going to have his dede na.
LESSON LEARNED! Dedecation is a must!
To all breastfeeding moms, tumaba o pumayat ka man dahil sa pagpapadede always know that you are doing a great job and that you are the most beautiful in your baby’s eyes.
Share your stories with us! Be a contributor theAsianparent Philippines, i-click here.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!