Breastfeeding stations sa Metro Manila malls

lead image

Narito ang 2018 updated na listahan ng mga breastfeeding stations sa Metro Manila malls. Alamin kung saan-saan ang mga ito. | PHOTO: Shutterstock

Malaking tulong para sa mga ina ang breastfeeding stations sa mga pampublikong lugar upang mas kumportable nilang mapadede ang kanilang mga anak. Kaya inalam namin ang locations ng breastfeeding stations sa iba't ibang malls sa Metro Manila upang maging mas madali para sa mga mommies!

Malls sa Makati

  • Century City Mall - 3rd floor, katabi ng mga restroom
  • Greenbelt 5 - 4th floor, sa loob ng family lounge
  • Glorietta 4 - 3rd floor, sa loob ng family lounge
  • Power Plant Mall - 2nd level, malapit sa National Book Store
  • Rustan's Makati - 3rd floor, sa loob ng infant section

Malls sa Mandaluyong at Pasig

  • Ayala Malls the 30th - loob ng family lounge sa 2nd floor, katabi ng Pop Culture
  • Estancia Mall - restroom sa level 2, malapit sa Bridgeway
  • SM Megamall - lower ground floor ng Building A, malapit sa food court
  • The Podium - loob ng clinic sa 3rd floor
  • Shangri-la Plaza Mall - 2nd floor, sa infant section ng Rustan's; 2nd floor, malapit sa Crossings ramp
  • Ayala Malls Feliz - 3rd floor, magpa-assist sa roving guards dahil nire-renovate ang family lounge

Malls sa Manila at Pasay

  • Lucky Chinatown Mall - 3rd floor, malapit sa pay restroom
  • Robinsons Place Manila - 3rd floor ng Pedro Gil wing
  • Mall of Asia - 3rd floor department store, sa babies’ at kids’ section

Malls sa San Juan

  • Greenhills Shopping Center - 2nd floor malapit sa restroom
  • SM City Sta. Mesa - loob ng clinic sa lower ground floor

Malls sa South (Las Piñas, Parañaque, Muntinlupa)

  • Alabang Town Center - Upper ground level, sa loob ng family lounge katapat ng iSwitch; loob ng infant section ng Rustan’s.
  • Evia Lifestyle Center - loob ng women's restroom sa ground floor ng Building A
  • Festival Mall Alabang - food court
  • SM Sucat - 3rd floor, malapit sa Our Home
  • SM Southmall - 2nd floor, malapit sa Ace Hardware

Malls sa Taguig

  • Bonifacio High Street - sa loob ng Mothercare store
  • Bonifacio High Street Central - lower ground level, Southeast Building. Malapit sa Zamora
  • Market! Market! - loob ng family lounge sa 2nd floor
  • SM Aura Premier - loob ng family lounge malapit sa mga sinehan

Malls sa Quezon City

  • Ayala Malls Cloverleaf - 4th floor, customer lounge katabi ng LBC
  • Ayala Malls Vertis North - loob ng family lounge sa Level 3, malapit sa elevator
  • Eastwood Mall - 3rd floor, sa pagitan ng Toys R Us at Babyland
  • Fairview Terraces - customer lounge sa lower ground floor, malapit sa Metro Department Store
  • Fisher Mall - 4th floor, malapit sa elevators
  • Gateway Mall - loob ng kids' section ng Rustan's
  • Robinsons Magnolia - Level 2, sa entrance malapit sa Mothercare
  • Robinsons Galleria - 3rd floor ng East wing
  • SM Cubao - Department Store, malapit sa Cashier 21
  • SM North EDSA - lower ground floor ng City Center
  • SM Sta. Mesa - loob ng mall clinic, malapit sa appliance center sa ground floor
  • Trinoma Mall - loob ng family lounge sa 3rd floor, malapit sa Wink
  • UP Town Center - loob ng customer lounge, 1st level, malapit sa Mango

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!