Brown discharge sa unang trimester ng pagbubuntis: Ano ang normal at hindi? 

Buntis ay may brown discharge? Mabuting magpatingin na agad sa iyong doktor.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Narito kung ano ang ibig sabihin ng brown discharge sa buntis. At kung kailan ba dapat itong maging dahilan ng pag-aalala sa babaeng nagdadalang-tao.

Mga uri ng vaginal discharge

Woman photo created by freepik – www.freepik.com 

Buntis man o hindi, tayong mga babae ay maaaring makaranas na magkaroon ng iba’t bang kulay ng vaginal discharge. Pero madalas, ang ating nakikita ay kulay puti o transparent. Habang may pagkakataon naman na ito ay maaaring magkulay yellow o green. O kaya naman ay kulay brown na siguradong napapaisip ka kung ano ang ibig sabihin.

Ayon sa mga eksperto, ang kulay ng vaginal discharge ng isang babae ay maaaring maging palatandaan ng estado ng kaniyang kalusugan. Maaaring ito ay sintomas ng isang sakit na kaniyang nararanasan. Puwede ring maging normal na reaksyon lang ng kaniyang katawan.

Para lubusan nating maintindihan, narito ang iba’t ibang uri at kulay ng vaginal discharge, kalakip ang kanilang ibig sabihin na sumasalamin sa ating kalusugan.

White o puting discharge

Ang pagkakaroon ng kulay puting discharge ay normal at palatandaan ng normal lubrication. Ito ang nagpapanatili sa vaginal tissue na maging healthy na tumutulong din upang ma-minimize ang friction sa tuwing nakikipagtalik.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Bagama’t normal na nararanasan ng mga kababaihan ang magkaroon ng kulay puting discharge, maaari naman itong mag-indicate ng impeksyon sa oras na ito ay maging makapal na sasabayan ng pangangati pa.

Clear at sticky na discharge

Ang clear at sticky na discharge ay nararanasan ng isang babae kapag nag-o-ovulate. Palatandaan ito na siya ay fertile o may mataas na tiyansa na magdalang-tao matapos ang unprotected sex. Ito ay maaaring dahil rin sa hormonal changes na nararanasan sa pagbubuntis.

Clear at watery na discharge

Ang clear at watery discharge ay madalas na nararanasan ng isang babae matapos magsagawa ng isang heavy exercise. Ito’y normal ring lumalabas sa katawan kapag siya ay naa-arouse o sa tuwing ang blood vessels sa kaniyang vagina ay nag-didilate.

Yellow o green na kulay ng discharge

Ang yellow o kulay green na discharge ay maaaring dulot ng bagong vitamins o pagkain na kinain ng isang babae. Pero kung ito ay may kasamang mabahong amoy, nagpapahiwatig ito ng impeksyon na dapat agad maipakonsulta sa doktor.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Brown na discharge

Ang kulay brown na discharge ay normal na nararanasan ng babaeng may menstruation. Ito’y maaring mapansin bago magsimula o kapag patapos na ang buwang dalaw. Pero hindi sa lahat ng oras ay normal ito, lalo na kung ang babaeng magkakaroon nito ay nagdadalang-tao. Narito ang mga dahilan kung bakit.

Brown discharge sa buntis, ano ang ibig sabihin?

People photo created by yanalya – www.freepik.com 

Ang brown vaginal discharge ay maaaring maranasan ng isang babae sa kahit anumang stage ng pagbubuntis. Kung nararanasan ito sa unang trimester ng pagbubuntis, kinukonsidera itong harmless at hindi dapat maging dahilan ng pag-aalala.

Narito ang mga dahilan kung bakit nararanasan ito sa first trimester ng pagbubuntis.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Hormonal changes

Ang kulay brown na vaginal discharge sa first trimester ng pagbubuntis ay dulot ng hormonal fluctuations sa katawan. Sinasabayan ito ng dagdag na daloy ng dugo na nagreresulta sa brown discharge o spotting.

Pakikipagtalik habang buntis

Ang pakikipagtalik habang buntis ay maaari ring magpataas ng tiyansa ng isang babae na makaranas ng brown discharge. Sanhi ito ng sensitive niyang katawan kaya naman madali mag-react agad ito kahit anumang ipinapasok sa kaniyang vagina.

Pelvic examination

Maaaring ito rin ay maranasan matapos ang pelvic examination. Sapagkat sa tuwing buntis ang katawan ng isang babae ay mas fragile o sensitive. Kaya naman siya’y mabilis makaranas ng iritasyon.

Mga komplikasyon sa pagbubuntis na iniuugnay sa pagkakaroon ng brown discharge

Pero ang brown discharge, ay hindi sa lahat ng oras dapat binabalewala. Maaaring palatandaan din ito ng komplikasyon na agad na dapat nalulunasan sa kahit anumang stage ng pagdadalang-tao. Narito ang ilan sa komplikasyon sa pagbubuntis na iniuugnay dito.

Miscarriage: Kung buntis at nakakaranas ng brown discharge na sinasabayan ng pananakit ng tiyan, dapat ay magpunta na sa doktor. Maaaring sintomas na ito ng miscarriage o pagkalalglag ng ipinagbubuntis na sanggol.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ectopic pregnancy: Ang brown discharge at pananakit ng tiyan ay maaaring palatandaan din ng ectopic pregnancy. Kinalaunan ito’y maaaring mauwi rin sa miscarriage kaya kailangan ng agarang medikal na atensyon.

Infection: Kung ang brown discharge naman ay sinasabayan ng pananakit ng vagina o puwerta, ito’y maaaring palatandaan ng impeksyon. Tulad ng mga naunang komplikasyon ng pagbubuntis ay hindi dapat ito binabalewala ng babaeng nagdadalang-tao.

Ano ang best treatment option sa brown discharge ng isang buntis?

Para mabigyan ng karapatang lunas ang brown discharge na nararanasan ng buntis, dapat sumailaim muna siya sa ultrasound scan at pelvic examination. Upang matukoy ang dahilan nito na pagbabasehan ng treatment option na gagawin sa kaniyang kondisyon.

Kung ang brown discharge sa buntis ay dulot ng impeksyon, siya ay reresetahan ng antibiotics. Maaari naman siyang pagpahingain lang o isailalim sa bedrest kung hindi naman masyadong seryoso ang kaniyang kondisyon. Subalit maaari rin namang irekumenda ng doktor ang maagang pagle-labour kung kinakailangan para sa ikabubuti niya at kaniyang sanggol.

Tips kung paano ito maiiwasan

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Photo photo created by wayhomestudio – www.freepik.com 

May mga paraan naman na maaring gawin ang buntis para maiwasan ang mga nabanggit na komplikasyon. Nangunguna na rito ang pangangalaga sa kaniyang vaginal hygiene.

Kung buntis at nagbabalak magbuntis, narito pa ang ilang bagay na maaaring gawin upang mabawasan ang tiyansa na makaranas ng mga nabanggit na komplikasyon sa pagdadalang-tao.

  • Uminom ng maraming tubig upang maiwasang ma-dehydrate na maaring makasama sa iyong pagbubuntis.
  • Kumain ng mga masusustansyang pagkain na may taglay na sapat na amount ng nutrients na iyong kailangan. Gaya ng whole grains, fiber, proteins at iba pa.
  • Limitahan ang paggamit ng labis na asin at asukal sa iyong pagkain.
  • Iwasan din ang pag-inom ng alcohol o alak na maaaring makasama sa ‘yo at sa ‘yong sanggol.
  • Kumain ng mga pagkaing at uminom ng inuming may low-calorie.
  • I-monitor ang iyong timbang.
  • Manatiling physically active. Mag-exercise kahit 20 minuto lang sa araw-araw.
  • I-maintain ang pag-inom ng folic acid, vitamins, calcium, iron, at iba pang nutrients sa pamamagitan ng pagkain at mga external supplements.
  • Higit sa lahat manatiling happy at positive. Nakakatulong ito upang ma-boost ang iyong health at ni baby.

Paalala

Muli dapat tandaan na pangalagaan ang iyong vaginal health sa lahat ng oras. Lalo na kung nagdadalang-tao kung saan mas nagiging sensitibo ang iyong katawan dahil sa lumalaking sanggol sa iyong sinapupunan.

Sa oras na may nararamdamang kakaiba sa iyong katawan ay agad na ipaalam sa iyong doktor. Huwag mahiyang magtanong, ito’y para malaman mo ang gagawin.

Ipabaitd din ito sa iyong doktor upang maagapan agad ang isang kondisyon na maaring maglagay sa ‘yo at sa iyong sanggol sa kapahamakan. Ika nga ng kasabihan, prevention is better than cure. Kaya naman sa oras ng pagdadalang-tao, dapat lagi mong isaisip na may isang buhay na naka-depende sayo. Kaya lahat ay dapat mong gawin upang pangalagaan at pag-ingatan ito.

Orihinal na inilathala sa The Asianparent Singapore at isinalin sa wikang Filipino ni Irish Mae Manlapaz.

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.