Isang lola ang napaniwala ng budol budol na sila ay magkakilala noong ika-11 ng Hunyo taong 2019. Matapos papasukin sa kanyang bahay, tinangay ng mga ito ang P220k na pera at ilan pang mga alahas. Alamin ang kanilang kuwento.
Nagpanggap na kilala
Ayon sa mga kuha ng CCTV, ang 84 taong-gulang na si Ester Doliente ay nagpapahangin lamang sa garahe ng kaniyang bahay mga alas siyete ng umaga. Nakabukas ang gate at naka-upo ang matanda nang may dumating na motor at tumigil sa tapat niya. Isang babae at lalaki ang bumaba dito at lumapit sa lola.
Ayon sa apo na si Myron Mandap, nagsalita ang mga nang budol na kunyari ay matagal na nilang kilala si Doliente. Makikita sa CCTV na nag-mano pa ang babae kay Lola Ester. Nakangiti naman ang lalaking kasama nito na bumati rin sa matanda.
Nagulat si Mandap nang malaman na ginamit pa ng mga suspek ang panggalan ng kanyang tita. Ayon sa kanya, baka minatyagan na talaga sila at nagtanong-tanong na bago gawin ang pag budol.
Di lumaon ay pinapasok na ng lola ang dalawa sa pag-aalok ng kape. Sa simula ay patuloy ang small talk ng mga suspek habang sumasagot naman ang lola. Maya-maya, ang lola na mismo ang nagbibigay ng mga impormasyon sa mga kawatan.
Na-ikwento ni Mandap na naghinala ang mga kasambahay. Hindi raw kasi ito ang mga tipo na kinakaibigan ng kanyang tita na sinasabi nilang kakilala nila. Subalit, hindi makapagsalita ang mga kasambahay dahil si Doliente na ang nag-welcome sa mga ito.
P220k at mga alahas
Makikita pa sa CCTV na umupo ang dalawang suspek sa sala at nakinuod muna ng TV habang ang lalaki ay nagmamatyag. Nang pumasok sa kuwarto si Doliente, biglang tumayo ang lalaki at sumunod sa kanya. Di nagtagal ay sumunod din ang babae.
Ilang saglit pa, makikita ang isang kasambahay na nagmamadaling pumasok ng bahay at papunta sa kuwarto. Subalit, biglang lalabas ng kuwarto nang tumatakbo ang lalaki na sinundan din ng babaeng suspek. Dali-dali ang mga ito na kinuha ang kanilang mga helmet at sumakay ng motor.
Makikita pa si Doliente na humahabol sa mga ito habang tumatawag ng tulong sa mga kapitbahay. Subalit, madaling nakasakay ng motor at nakatakas ang mga ito. Nang maka-liko ng kanto, hindi narin nakita ng mga kapitbahay kung saan sila nagtungo.
Maging maingat
Ang payo na lamang ni Mandap, kailangang maging maingat sa mga hindi sigurado kung kakilala. Kung hindi talaga kilala ang mga ito, makakabuti na hindi sila papasukin ng bahay. Lalo dapat maging maingat kapag may senior citizens dahil maraming mababait na senior citizens. Mahilig silang magkuwento ngunit ito ang maaaring panganib mula sa pagiging biktima.
Tatlong buwan nang nakalipas ang insidente ngunit wala paring impormasyon sila Mandap tungkol sa mga budol budol. Kung may maibibigay na impormasyon, maaaring i-contact si Mandap sa 0917-782-7782.
Basahin din: Student becomes victim of ‘budol-budol’ by woman pretending to be a classmate’s mother
Source: GMA News Online
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!