Para sa mga working mom ngayong Labor Day,
Sa araw na ito kung kailan ipinagdiriwang sa ating bansa ang Araw ng mga Manggagawa, nais naming ipabatid sa inyo ang aming paghanga at pagsaludo.
Hindi matatawaran ang inyong kalakasan. Kahanga-hanga kung paano niyo napagsasabay ang demands sa inyong trabaho at ang mga tungkulin niyo bilang isang ina.
Sa pag-alaala natin sa mga kontribusyon ng mga manggagawa sa bansa ngayong Labor Day, kasabay nito’y kinikilala rin namin ang unique challenges na kaakibat ng pagiging working mom. Saludo kami sa inyong dedikasyon, pagsusumikap, at sa hindi matatawarang commitment niyo sa inyong trabaho at sa responsibilidad ninyo sa inyong pamilya.
Larawan mula sa Canva
Mga mommy, malakas na pwersa sa daigdig na ito ang presensya niyo. Bahagi kayo ng pagsulong ng bayan at tatag kayo ng pamilyang inyong kinabibilangan.
Sa gitna ng pagiging abala sa araw-araw, paghahabol ng deadline sa trabaho, mga meeting, at projects, ginagawa niyo pa rin ang lahat para matiyak na nabibigyan niyo ng sapat na pagmamahal, pag-aalaga, at suporta ang inyong mga anak. Maraming salamat!
Gusto namin samantalahin ang pagkakataon na ito upang malaman niyo na nakikita namin ang inyong mga sakripisyo. Ang abilidad ninyong mag multitask ay talagang extraordinary, mommy. Maniwala sana kayo na ang mga sakripisyo niyo sa buhay ay hindi nababalewala. Dahil nagsisilbi itong inspirasyon hindi lamang sa inyong mga anak at pamilya, kundi maging sa mga katrabaho at kasama sa komunidad.
Ngayong Labor Day, gusto naming ipabatid sa inyo na ang mga effort niyo ay hindi nababalewala. Na-aappreciate ito ng mga taong nasa paligid ninyo. Ang dedikasyon at determinasyon niyo sa buhay ay lumilikha ng pagbabago sa buhay ng mga taong nakapaligid sa inyo. Kaya deserve na deserve niyo ang lahat ng recognition at gratitude sa mundong ito.
Larawan mula sa Canva
Hiling namin mga working mommy, na hindi lang ngayong Labor Day, kundi maging sa mga susunod na araw sa inyong buhay. Magkaroon pa rin sana kayo ng mga sandali para sa sarili. Panahon na dapat niyong ilaan para alagaan din ang inyong sarili. Dahil deserve niyo rin ng pag-aalaga at pagmamahal. Deserve niyo rin ng pahinga mula sa masalimuot na journey ng pagiging isang manggagawang ina.
Bukod pa riyan, hiling din namin na patuloy kayong makaramdam ng ligaya, fulfilment, at pride sa ano mang ginagawa ninyo. Tandaan niyo sana mommy, na hindi kayo nag-iisa sa journey na ito. Nagsisilbing pag-asa at inspirasyon sa maraming tao ang inyong katatagan at kalakasan.
Larawan mula sa Canva
Batid namin na maraming pagkakataon na nakararamdam kayo ng pagod at kagustuhang sumuko. Pero sana, sa mga pagkakataong tulad non, maalala niyo sana ang positibong impact ng lahat ng inyong ginagawa hindi lang sa inyong pamilya kundi maging sa lipunan.
Kaya sa mga oras na nakararamdam kayo ng pagdududa, maalala niyo sana ang inyong halaga at kontribusyon sa mundo. Patuloy pa sana kayong palakasin ng Panginoon sa mahaba-habang paglalakbay ninyo bilang manggagawang ina. Araw-araw, pinatutunayan niyong hindi lamang kayo mga manggagawa kundi isa rin kayong mapagmahal na ina at asawa.
Patuloy sana kayong mabuhay sa pag-ibig. At maging mabuti rin sana ang hinaharap ng inyong mga anak.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!