Isa sa maaaring kaharaping problema ng iyong anak ngayong magbabalik eskwela na naman ay ang bullying. Narito ang ilang back-to-school tips para maging ligtas ang anak sa mga bully sa school.
Mga mababasa sa artikulong ito:
- Back-to-school tips: How to keep kids safe from bullying
Back-to-school tips: How to keep kids safe from bullying
Balik-eskwela na naman ang mga bata matapos ang ilang taong online class dahil sa pandemic na dulot ng COVID-19. For sure halo-halong emosyon ang nararamdaman ng mga bata sa pagbabalik na ito. Marami ang nai-excite sa new school supplies na mayroon sila.
May mga natutuwa dahil makikita na ulit ang kanilang friends. Mayroon din naman anxious at kinakabahan, na kadalasan ang pangunahing dahilan ay dahil sa bullying.
What is bullying?
Isa ang bullying sa malaking problemang kinahaharap ng mga estudyante pagdating sa usapin ng school. Para sa Anti-Bullying Alliance, ang pangbu-bully ay nag-uugat sa imbalance of power sa pagitan ng dalawang tao o grupo.
“Bullying is the repetitive, intentional hurting of one person or group by another person or group, where the relationship involves an imbalance of power. It can happen face to face or online.”
Maaari raw mangyari ito sa iba’t ibang porma at paraan. Kung sa physical, maaaring makatanggap ang bata ng panunulak, paninipa, pangungurot, at iba pang pananakit sa pisikal na pangangatawan.
Sa verbal naman, kabilang dito ang name calling, pananakot, pang-aasar at pangmamaliit sa pagkatao niya. Sa emosyonal na aspeto, naririyan ang pakiramdam niya na nai-isolate siya mula sa karamihan o kaya naman ay minamanipula ng isang pang tao.
Kaliwa’t kanan ang maaaring maging dulot ng bullying sa bata. Ang ilan dito ay ang mga sumusunod:
- Pagtanggi na pumasok na sa eskuwelahan
- Pagkakaroon ng anxiety
- Kawalan ng confidence na makabuo ng friendship
- Pagbaba ng self-esteem at self-confidence
- Pag-iwas na sumali sa mga curricular activities ng school
- Pagbaba ng grades dahil sa kawalan ng ganang mag-aral
Panatilihing ligtas ang inyong mga anak sa bully sa school
Kaya nga para sa parents, dapat ikabahala ang ganitong kalagayan kung sakaling nagsumbong ang anak sa inyo. Sa oras na malaman mong mayroon palang ganitong kinahaharap ang bata, narito ang ilang sa maaaring gawin:
Don’t acknowledge the bully’s ‘power’.
Lumalakas ang loob ng mga bully sa tuwing tingin nila ay may power sila over someone. Ito ang mahalagang malaman ng iyong anak. Una sa lahat, kinakailangan na hindi niya i-acknowledge na powerful ang nangbu-bully sa kanya upang hindi siya ulit-uliting apihin nito.
Maaaring i-open sa bata ang ilang conversations. Tanungin sa kanya kung mayroon bang mga estudyante sa nabu-bully dahil new transferee ito. O kaya naman kakaiba manamit, o kaya ay dahil siya ay matalino.
Kung mayroon siyang nasasaksihan na ganito, i-remind ang bata na kung titignang mabuti hindi mahihina ang mga ito at walang mas powerful ang dapat nangbu-bully sa kanila. Ito ay sign of uniqueness at pagkakaroon ng skills.
Sa ganitong paraan, maiisip niya ang sarili sa susunod na siya naman ang makaranas ng bullying. Mahalagang malaman niyang strong ang kanyang personality upang magawa niyang ipagtanggol ang sarili laban sa mga bully.
Tell them to let you know all the time.
Of course, adults ang may malaking part para matigil ang bullying sa school. Sila ang maaaring makapag-resolve nito since sila ang mas nakakapag-isip nang maayos.
Mahalagang ipaalala sa anak na dapat panatilihin kang informed sa lahat ng nangyayari sa iyo sa school. Simulan ito sa pag-encourage sa kanyang magkwento ng daily happenings sa tuwing siya ay pumapasok. Sa ganitong paraan maririnig mo ang kanyang mga kwento kung sino-sino ang kanyang mga naging kaibigan at iba pang karanasan sa eskwelahan.
Parating sabihin sa kanya na lahat ng harm na mararanasan niya ay dapat niyang sabihin sa iyo dahil naririyan ka upang i-defend siya laban dito.
Build your kid’s self-esteem and confidence
Kadalasang main target ng bully sa school ay may mga mababang self-esteem at self-confidence dahil sa tingin nila ay mga mahihina ito. Kung sisimulan pa lang sa loob ng tahanan ang pabubuild nito, madadala ng mga bata ang ganitong trait kahit nasa school na. Ibig sabihin, kaya nilang tumindig sa kung ano ang alam nilang tama dahil naturuan na sila sa bahay pa lang.
Kung mataas din ang kanyang self-confidence at self-esteem, magiging malakas din ang loob niyang magsabi sa dapat makaalam. Hindi siya matatakot na mag-speak up kung ano ang nararanasan niyang bullying mula sa kanyang mga kaklase.
Mahalagang malaman na mayroong kinahaharap na problema rin ang mga batang bully sa school. Kung sakaling nalaman mo nang mayroong ganitong karanasan ang anak, mainam na ipagbigay alam ito sa paaralan. Dapat lang na gumawa sila ng paraan kung paano ito masosolusyunan both para sa batang bully at binibiktima nito.