Tag-araw na naman. Maraming magulang ang nangangamba sa pagkakaroon ng bungang araw ng mga bata. Don’t worry moms! Narito ang ilang impormasyon tungkol sa bungang araw at kung paano ito maiiwasan.
Talaan ng Nilalaman
Ano ang bungang araw ng bata?
Kawawa ang mga bulilit kapag tinamaan ng bungang-araw o heat rash. Hindi lang ito napakakati, paga at namumula pa ang buong katawan. Kilala rin ito sa tawag na prickly heat o miliaria, ito ay karaniwang kondisyon na dala ng sobrang init ng panahon. Hindi naman ito mapanganib, pero sadyang nakakairita, at masakit din lalo na para sa mga bata.
Makikita ito sa mga nakatagong bahagi ng katawan, napapawisan at nadadampian ng damit tulad ng likod, tiyan, leeg, dibdib, singit at kili-kili.
Ang bungang araw ng bata ay dala ng sobrang pawis, at sanhi ng pagkabara ng sweat glands sa balat, at karaniwang lumalabas kapag tag-araw, o kapag napakainit ng panahon—kaya “bungang araw” ang tawag.
Bungang araw ni baby | Image from Unsplash
Ano ang mga puwedeng gawin para mabawasan ang pangangati ng bungang araw ng bata? At paano ito maiiwasan?
Kapag sanggol o bata ang may bungang araw, gusto natin ng natural ang paggamot. Narito ang mga makakatulong na solusyon para sa kondisyon sa balat na ito.
Paano maiiwasan ang pagkakaroon ng bungang araw ng bata?
Ano ang puwedeng gawin para hindi lumala, at mabawasan man lang ang pangangati?
- Nakakatulong ang paglalagi sa isang malamig o air-conditioned na kuwarto. Tinawag ang bungang araw ng bata na heat rash dahil sanhi ito ng mainit na panahon, kaya ang unang solusyon ay umiwas sa maiinit na lugar. Masarap man na magpahangin o maligo sa pool o beach, kailangan munang tiisin na manatili sa loob ng bahay at hindi mapawisan o mainitan.
- Umiwas sa pagbababad sa direktang init o sobrang init na lugar para maiwasan ang bungang araw ng bata.
- Huwag hayaang magkamot, dahil maaaring magsugat ito at maimpeksiyon dahil sa dumi na hindi nakikita sa ilalim ng kuko.
- Magpahangin gamit ang pamaypay o bentilador.
- Iwasang pagsusuot ng mga damit na hapit sa katawan o masyadong mainit ang tela. Pumili ng cotton na tela para presko.
- Panatilihing tuyo ang apektadong balat. Karaniwan itong nawawala agad ng walang gamot na kailangang ilagay kapag tuyo at hindi napapawisan.
- Paliguan ng malamig-lamig (hindi sobrang lamig) na tubig, at hayaang matuyo ang balat ng hindi pinupunasan ng tuwalya upang maiwasan ang bungang araw ng bata.
- Lagyan ng baking soda ang tubig na ipangliligo para maibsan ang pangangati at pamamaga, o di kaya’y lagyan ng one part alcohol at 3 parts na tubig. Panatilihing malinis ang katawan ni baby.
- Huwag gumamit ng mga ointment at cream na nagpapanatili ng moisture ng balat, pati na kahit anong produktong oil-based dahil nababara nito ang sweat glands dahilan para magkaroon ng bungang araw ng bata.
- Huwag kalimutang painumin ng tubig sa maghapon (kapag higit 6 months na ang edad ni baby), para mapalitan ang tubig sa katawan na nailalabas kapag nagpapawis.
Bungang araw ni baby | Image from Unsplash
Mga gamit sa bahay na puwedeng makatulong sa bungang araw ng bata
Narito ang gamot sa bungang araw na maaaring makita sa bahay:
- Lagyan ng pulbo o di kaya’y cornstarch powder ang bungang araw ng bata. Highly absorbent ang cornstarch kaya napipigil niya ang pagpapawis ng sobra. Nakakatulong din ang baking powder solution sa pangangati. Tunawin lang sa tubig ang baking powder: 1 basong tubig at 1 kutsaritang baking powder. Kumuha ng malambot na tuwalya o bimpo at isawsaw sa solution na ito, at saka ipahid sa apektadong balat. Gawin ito ng 4 hanggang 5 beses sa isang araw.
- Magpalamig ng watermelon sa refrigerator o freezer, at saka ipahid sa apektadong bahagi ng katawan. Nakakatulong ito na umimpis ang pamamaga at pamumula. Maginhawa ito sa balat at nakababawas ng rashes.
- Magpakulo ng luya, at kapag malamig na ito, basain ang tuwalya o bimpo dito at idampi ito sa apektadong bahagi ng katawan.
- Nakakatulong din ang pipino o cucumber para sa hapdi at pangangati. Hiwain, palamigin at idampi sa balat na may bungang araw ng mga kalahating oras. Pwede rin ang papaya.
- Para sa malalang bungang araw, nakakatulong ang Aloe Vera gel, calamine lotions at chamomile, siguraduhin lang hindi ito masyadong harsh sa babies.
- Bigyan ng oatmeal bath ang bata, isa o dalawang beses sa isang araw. Maglagay ng oatmeal powder sa batya o bathtub at ibabad ang katawan ng bata dito.
Bungang araw ni baby | Image from Unsplash
Para mabawasan ang kati sa bungang araw ng bata?
Isawsaw ang tuwalya sa solution na ito at ipahid sa katawan ng 10-15 minuto. Gawin ito ng 2-3 beses sa maghapon para mabawasan ang kati.
Kung napapansin nang madalas magka bungang araw ang bata, pakainin siya ng pagkaing mayaman sa Zinc, Vitamin C at vitamin E.
Ito ang mga bitaminang nakakatulong sa lahat ng uri ng problema sa balat. Subukan din ang pagkain ng watermelon at pipino.
Kumunsulta agad sa doktor kung:
- Ang bungang araw ay lumala na at hindi nawawala ang pamumula at pananakit ng
balat, sa loob ng isang linggo;
- May bakas na ng impeksiyon, tulad ng pamamasa at pagnanana;
- May lagnat na, o nanghihina na;
- Ang bungang araw ay maputla ang pagkapula;
- Lumala ang pamumula at pangangati pagkatapos uminom ng antibiotic o bagong gamot.
Kung may pangamba, ‘wag mag atubiling komunsulta sa doctor para mabigyan ng tamang gamot sa bungang araw si baby.
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!