Bunny Paras nakiusap kay Mo Twister para sa kanilang anak: "Wag na 'yong pera, bigyan mo na lang ng panahon."

Bunny at Moira may masayang buhay sa Amerika. Pero si Bunny may pakiusap pa rin sana sa ama ni Moira na si Mo Twister.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Bunny Paras sinabing hindi siya pinapansin ni Mo Twister, ang ama ng kaniyang differently-abled daughter na si Moira. Pero magkaganoon man, si Bunny kasama ang kaniyang anak ay may masayang buhay na ngayon sa Amerika.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Getting to know Bunny Paras and Mo Twister daughter Moira
  • Pakiusap ni Bunny Paras kay Mo Twister
  • Buhay ni Bunny Paras at anak niyang si Moira sa Amerika sa ngayon

Getting to know Bunny Paras and Mo Twister's daughter Moira

Larawan mula sa Facebook account ni Bunny Paras

Habang nasa Amerika ay nakapanayam ng showbiz reporter at vlogger na si Ogie Diaz ang 90’s star na si Bunny Paras. Siya ay kapatid ng aktres na si Charmaine Arnaiz at naging isa sa mga sikat na artista noong kapanahunan niya.

Pero ang career sa pag-aartista ni Bunny, natigil noong siya ay mabuntis sa anak nila ng disc jockey na si Mo Twister. Naghiwalay rin sila at kinailangang mag-migrate sa America ni Bunny kasama ang anak niyang si Moira. Ito ay para makapaghanap doon ng magandang trabaho at mabigyan ang anak ng magandang kinabukasan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Naging mag-isa si Bunny sa pagtataguyod sa anak niyang si Moira. Pero ang hirap ng pagiging isang single mom nadagdagan pa ng malaman niyang may sakit ang anak na si Moira noong ito ay pitong taong gulang na.

“Carrier si Mo ng isang gene, ako carrier din na pag pinag-mix mo together puwedeng magkasakit ang anak ninyo. Hindi palaging nangyayari ‘yun pero puwedeng mangyari at nagkataong si Moira ‘yong nagkasakit which means kulang siya ng isang certain protein na frataxin."

"And nalu-loose ‘yong ability niya to walk and mga nerves niya nagwi-weaken, mga muscles niya nagwi-weaken. Until she ended up in a walker, tapos parang siyang nagda-dance maglakad o parang lasing.”

Ito ang pagpapaliwanag ni Bunny sa kondisyon ng anak na tinatawag na Friedreich's Ataxia. Ito ay isang rare inherited disease na nagdudulot ng damage sa nervous system ng isang tao. Sa pagdaan ng panahon ay lumalala ang sakit na ito at maaring magdulot ng movement problems o impaired muscle coordination sa katawan.

Sa kaso ng anak ni Bunny na si Moira, sa ngayon sa edad na 23-anyos, ay naka-wheelchair na ito. Minsan ay nahihirapan na rin itong makalunok at makaabot ng mga bagay-bagay dahil unti-unti naring humihina ang muscle niya sa lalamunan at kamay.

Pero sa kabila ng kapansanan ng anak ay nanatiling positive ito sa buhay. Isang bagay na hinahangaan ni Bunny sa anak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Minsan mahirap para sa magulang makita pero kung kinakaya niya, kakayanin ko din. Sabi nga niya, 'Mom, at least I don't have to wake up in a hospital bed and I'm alive. Kahit naka-wheelchair ako.’"

BASAHIN:

Remember Bunny Paras? Ito na ang kaniyang buhay sa Amerika

Angelica Panganiban reveals gender of her first baby: “I have my mini me!”

Carla Abellana humingi ng respeto mula sa mga netizens: “No to anything toxic.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pakiusap ni Bunny Paras kay Mo Twister

Larawan mula sa Instagram ni Mo Twister

Nag-kuwento rin ang dating aktres sa relasyon nila ni Mo Twister na ama ni Moira. Ayon sa kaniya, maraming beses niyang kinulit ito para man lang mabigyan ng atensyon ang anak niya. Pero pangdedeadma at panggo-ghost lang daw ang natanggap niya mula sa kilalang DJ. Tanging ang mga magulang at kapatid lang daw nito ang nag-rereachout na madalang lang rin at hindi consistent.

“I did so many times. Ano ako, ghosting, dedma. Hindi ako pinansin. ‘Yong mommy niya, mag-aabot ng 100 or 200 dollars kapag may okasyon. Saka nung newborn si Moira may mga gatas, diaper.”

Pero dagdag ni Bunny, sa kondisyon ng anak, kahit hindi na lang sana pera. Umaasa sana siyang bigyan ito ng ama ng atensyon at iparamdam na siya ay parte rin ng kanilang pamilya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Sige wag na lang yung pera, bigyan mo nalang panahon. Ipasyal mo, make time. Iparamdam mo naman sa bata na part din siya ng immediate family mo, yun ‘yong sanang gusto kong makita.”

“Kung may galit siya sakin, wag niyang idamay si Moira. Hindi ko alam kung anong nasa utak niya e. Kasi hindi naman mahirap mahalin ang sarili mong anak, sarili mong dugo yan e.”

Ito ang sabi pa ng aktres.

Buhay ni Moira at Bunny Paras sa Amerika

Larawan mula sa Facebook account ni Bunny Paras

Laking pasalamat na nga lang daw ni Bunny sa kaniyang husband na si Tom na itinuring na sarili niyang anak si Moira. Dahil sa pamamagitan nito ay hindi nakulangan si Moira ng fatherly love na kailangan niya.

“Tom and Moira are actually very close. Looking at the relationship of Tom and my daughter, how someone na hindi mo dugo can love a person na hindi mo naman talaga biological na anak na parang sayo. Ganun pala yung unconditional love.”

Ito ang sabi pa ni Bunny.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa ngayon, sa kabila ng hirap na pinagdaanan, pagsasalarawan ni Bunny masaya ang buhay nila ng anak niyang si Moira kasama ang kaniyang mister na si Tom at mga anak nila. Si Moira naka-graduate na ng college at ito daw ay nagpapatuloy na maging positibo sa buhay.