Bunny Paras ibinahagi ang hirap na pinagdaanan sa Amerika kasama ang handicapped na anak.
Mababasa sa aritkulong ito:
- Bitter-sweet story ng buhay ni Bunny Paras sa Amerika.
- Buhay ni Bunny Paras bilang isang ina.
Bitter-sweet story ng buhay ni Bunny Paras
Nakilala si Bunny Paras bilang aktres noong 1990’s. Siya ay miyembro ng programang That’s Entertainment na naging daan para makilala siya sa larangan ng pag-arte at pagkanta.
Sa vlog na The WANDER MAMAS na pinangungunahan ni LJ Moreno ay ibinahagi ni Bunny ang estado ng buhay niya sa ngayon. Nagkuwento rin siya ng kaunti tungkol sa kung paano siya nagsimula sa pag-aartista. Ito ay dahil umano sa kapatid niyang si Charmaine Arnaiz na noong una ay sinasama-samahan lang niya.
Image from Bunny Paras Instagram account
“Actually alalay lang ako ng sister ko na si Charmaine. Sumasama lang ako kasi siya yung unang nag-modeling at nag-artista. Tapos nakita ako ni Kuya Germs.”
Ito ang nangingiting sabi ni Bunny habang inaalala ang buhay pag-aartista niya noon.
Maliban sa pagiging cast ng That’s Entertainment, maraming pelikula rin ang nagawa ni Bunny. Ilan rito ang Lucio Margallo (1992), Leonardo Delos Reyes: Alyas Waway (1993), at Kakambal Ko Sa Tapang (1993).
Ang kasikatan ni Bunny ay natigil ng siya ay mabuntis ng disc jockey na si Mo Twister. Isang bagay na hindi inaasahan ni Bunny noon na lubhang magpapabago ng buhay niya.
“Hindi katulad ng panahon ngayon that when you get pregnant, you are an actress you can go back and work right away. People accept that right away and you can still do projects as long as magaling ka.”
Ito ang sabi ni Bunny habang inaalala ang pagtigil niya noon sa pag-aartista.
Si Bunny bilang isang single mother sa anak na si Moira
Image from Bunny Paras Instagram account
Dahil sa hindi naging maayos ang relasyon nila ng dating boyfriend na si Mo Twister ay nauwi ito sa hiwalayan. Siya ay naging single mother sa anak nilang nagngangalang Moira.
Dahil natigil na ang mga proyekto niya sa pag-aartista ay nagtrabaho siya bilang front desk officer sa isang hotel dito sa Maynila para lang may pambili ng gatas ng anak niya.
Hanggang sa noong 2001 ay nagdesisyon si Bunny na mag-migrate sa Amerika kasama ang anak na si Moira. Doon ay hindi naging madali ang buhay ni Bunny. Malayong-malayo nga daw sa buhay niya noong siya ay artista pa.
“‘Yong show cabinet ko sa bahay ko ngayon doblehin mo ng konti ganoon yung room namin dati ng anak ko. May one small bed lang kami ni Moira.”
Ito ang pagsasalarawan ni Bunny sa kwartong tinutuluyan nila ng anak na si Moira noon sa Los Angeles, California. Sila ay nakikitira lang sa tiyahin niya na labis niyang pinasasalamatan. Dahil sa tulong ng mga ito sa kaniya noon na tumatayong ama at ina sa tatlong taong palang si Moira.
Nabawasan lang daw ang hirap na pinagdadaanan ni Bunny sa Amerika noong makilala niya ang Fil-American husband na si Tom Greenway. Sila ay nagpakasal.
BASAHIN:
Parating nagrereklamo ang bata? 5 na posibleng dahilan kung bakit nangyayari ito
#AskDok: Dapat ba akong mag-alala kung hindi pa nakakaupo nang mag-isa si baby?
Saan kayo nakatira? May epekto ang location ng tahanan sa development ng bata, ayon sa pag-aaral
Bunny Paras bilang isang matapang at mapagmahal na ina
Pero hindi inakala ni Bunny na muli na namang susubukin ng panahon ang tapang niya bilang isang ina. Dahil ng mag-pitong gulang ang anak niyang si Moira ay natuklasang ito ay may sakit na Friedreich’s Ataxia.
Ito ay isang degenerative neuro-muscular disorder na ayon kay Bunny ay epekto ng incompatibility ng genes nila ng dating nobyong si Mo Twister. Ang sakit na ito ang naging dahilan para hindi na makalakad ang anak niya.
“So nangyari is ‘yong biological dad niya tapos ako, meron kaming gene, so hindi compatible. Hindi compatible and hindi naman namin alam kasi that time I was young, hindi naman ino-offer ang genetic testing and I wouldn’t know kung compatible ba kami. It didn’t work out.”
Ito ang pagkukuwento ni Bunny sa isang nauna ng panayam sa kaniya sa GMA.
Dagdag pa ni Bunny, nagsimula siyang mag-isip na may mali sa kaniyang anak ng mapansin siyang hirap itong mag-balance ng mabuti sa edad ng pitong taon.
Ngayon ng dahil sa sakit mula ng siya ay mag-sampung taong gulang, handicapped ang anak ni Bunny na si Moira. Pero kahit naka-wheelchair ay hindi natigil ito na tuparin ang mga pangarap niya.
Nag-aaral ito sa kolehiyo at nakapasok sa Disney para doon ay mag-gain ng experience sa pagtratrabaho. Isang bagay na sobrang proud si Bunny dahil sa kabila ng kondisyon ng anak ay hindi ito napanghinaan ng loob.
Image from Bunny Paras Instagram account
Maliban kay Moira na 21-anyos na ngayon, si Bunny ay may tatlong anak sa mister na si Tom. Siya ngayon ay fulltime housewife at mom para sa kanila.
Ayon kay Bunny, bagamat nasasayangan siya dahil maaga siyang nabuntis at natigil sa pag-aartista ay wala daw siyang pinagsisihan sa mga nangyari sa buhay niya.
“I think sayang yung pagkakataon kasi maaga akong nabuntis. But yung maturity ko now if I had it then ang dami kong hugot niyan.”
Ito ang natatawang sabi pa ni Bunny.