#KwentongBuntis: "Napakaselan ng ilong ko—ayaw ko ng amoy ng sinaing, lababo, pati fabcon!"

"Totoo pala na mararamdaman mo ang tunay na saya kapag naranasan mo maging isang magulang. Hindi biro ang hirap at sakit. pero 'pag nakita mo na siya, lahat mapapawi."

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Malinaw pa sa isip ko noong edad 6 o 7 pa lang ako. Isang gabi, bigla akong umiyak sa nanay ko. Ang sabi ko noon, “Nay, ayaw ko manganak! Ayaw ko!”

Sabay yakap ng higpit na may halong takot at pangamba. Sa murang edad, naging mulat ako sa hirap na napagdadaanan ng mga nagbubuntis siguro dahil sa mga napapanood ko sa telebisyon.

Dumaan ang ilang taon. Nagdalaga. Nakapagtapos. Nagtrabaho. Nagkaroon ng karelasyon.

“Gusto maging buntis, alam kong mahirap dahil may PCOS ako”

Taong 2015, na diagnosed ako na may bilateral PCOS (Polycystic Ovarian Syndrome). Resulta para maging irregular ang aking menstruation. Dumating din sa punto na tumaba ako at tinubuan ng maraming pimples.

Naging cause din ‘to para mas ma-stress ako ng sobra, mag-worry at mag-isip na baka wala na nga talagang chance na magka-anak ako tulad nang nabanggit ko noong bata pa ko. Dahil rito, mas lumakas ‘yong “Faith” ko kay God. Dahil alam ko na may plano siya.

Hanggang, madaling araw ng January 17, 2019 (4:20AM) sinubukan kong mag-pregnancy test dahil nanaginip ako na kailangan ko mag-PT.

Sobrang gulat ko kasi ‘di ko talaga ine-expect. Halo-halong emosyon. Pero mas lamang ‘yong saya at pasasalamat dahil binigyan niya ko ng pagkakataon para maging ina. Buntis ako kahit na may PCOS ako.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Buntis na may PCOS: My pregnancy journey

Unang trimester, hindi naging madali. Nag-spotting ako 10 weeks pregnant ako noon, kaya sobrang pag-iingat ko. Nahirapan din ako maglihi. Kung ‘yong iba, sa umaga nagsusuka, ako sa gabi.

Napakaselan ng ilong ko. Ayaw na ayaw ko ‘yong amoy ng lababo. Amoy ng nilulutong sinaing. Amoy ng downy. Matapang na pabango at kung ano-ano pa.

Buntis na may PCOS: My pregnancy journey

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pero nai-enjoy ko naman ang pagkain. Gustong-gusto ko noon ang taho, sopas na creamy, talong, chocolate cake at shing-aling. at kung ano-ano pa. Tumatakas pa ko sa pagbili ng softdrinks at chips, sabay lagay sa ilalim ng lamesa.

Dumating si Covid-19 Pandemic. Nakakapag-worry sa kalusugan, lalo na sa tulad kong buntis. Bawal lumabas. Limitado ang tao sa ospital o center. Isa to sa nakapag-stress sa ‘kin kasi kailangan mo pumili ng lugar na safe para manganak.

Pangalawang trimester, medyo kaya ko na. May pasumpong-sumpong na pagsusuka parin sa gabi. Dito ko na nararamdaman ‘yong galaw ni baby sa loob, na sobrang kinatutuwa ng puso naming mag-asawa.

Excited din ako tuwing monthly OB check up at ultrasound, lalo na nung nalaman namin na GIRL ang gender ni baby. Siyempre may halong pag-iingat pa rin.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

BASAHIN:

My PCOS Story: Doctors told me, “Baka hindi kana magka-anak.”

Ang kwento sa likod ng aking PCOS baby: “Your time will come, magiging mommy ka rin.”

Buntis ba ako? Masakit na boobs maaaring senyales ng pagbubuntis

Pangatlong trimester, nakakagalaw na ako ng maayos. Wala na masyadong “hilo at suka moments”. Nag sisimula na rin sumipa at maglikot si baby.

Nai-enjoy ko na rin mag-check out ng mga damit at needs ni baby paglabas. Mas masaya sana kung personal kang mamimili sa mall or sa palengke kaya lang bawal lumabas. Kaya naman naging suki ng shopee at lazada si buntis. Nagsisimula na rin ako maglakad-lakad, squat, at diet dahil malapit na nga lumabas si Baby.

Kinagabihan ng September 2,2020. Kinausap ko si baby, kasi palagi kami nag-uusap. Sabi ko, “Anak, labas ka na ha. Pero magsi-signal ka naman muna kay Mommy kung lalabas ka na para makapag handa ako.” Due date ko nga pala ay September 13. Pero anytime soon pwede na kasi full term na siya.

Ang panganganak ko sa aming baby girl

September 3, 2020. 6:00AM. Nagising ako sa sobrang sakit. ‘Yong sakit ng balakang na parang maiihi. Nawawala tapos bumabalik.

Hanggang sa kinahapunan, habang natutulog ako, pumutok na panubigan ko. Senyales na lalabas na si baby. Diretso na kami sa lying-in mas pinili ko na dito na manganak dahil safe at private.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ilang oras ang lumipas. Inabot ako ng humigit kumulang 16 hrs active labor. Maraming kurot, hampas, pisil at sigaw ang naranasan ng asawa ko sa ‘kin. Hindi pala biro ang mag-labor, napakasakit, nakakapanghina.

September 4, 2020. 5:24AM. Normal Delivery. Isinilang ko ang baby namin, ito ang pinakamasayang nangyari sa buhay namin. Ang sagot sa dasal namin.

Sa tamang panahon. Tamang tao at tamang pagkakataon. Ibibigay sayo ni God, on his most unexpected ways.

Totoo pala na mararamdaman mo ang tunay na saya kapag naranasan mo maging isang magulang. Hindi biro ang hirap at sakit. pero ‘pag nakita mo na siya, lahat mapapawi.

Habang binabalikan ko ‘yong drama ko noong bata pa ko, na realize ko na. Hindi masamang matakot, hindi masamang mangamba.

Pero ‘wag na ‘wag mong gawing dahilan ‘yon para hindi mo gawin at subukan, dahil sa dulo ng lahat ng ‘yon, may naghihintay na biyaya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement