Isang 26-year old na buntis pinatay sa harap ng mga anak. Bakit nga ba ito nangyari at ano ang motibo ng mga gumawa nitong marahas na krimen na ito?
Buntis pinatay sa harap ng mga anak
Nilooban umano ang isang pamilya sa Africa at matapos silang pagnakawan ay pinatay ang buntis sa harap ng kanyang dalawang anak. Agad namang nakatakas ang tatlong suspek na walang dala-dala.
Ayon sa ama ng biktima, nagluluksa ang kanilang buong pamilya dahil sa nangyari. Ito raw ay lubha nilang ikinagagalit at dapat na managot ang may gawa nito. Kuwento niya pa, ang asawa ng biktima ay umalis lang saglit upang tawagin ang security guard, ngunit pagbalik nito ay nadatnan niya na lamang ang kanyang asawa na patay na.
Pinwersa rin umano siya ng mga magnanakaw na pumunta sa kusina at pinilit na makuha ang mga gamit nila.
“They beat him so badly. He was helpless. What could he do against three of them? They were even kicking the children when they tried to go to Zakiyyah.”
Dito naman nagkaroon ng pagkakataon ang mga suspek na saktan ang buntis na babae.
“That is when they grabbed her and attacked her, killing her right there in front of them. They never took the money. They took her life instead. They never took anything, and we can’t understand why.”
Talaga namang nakakabahala ang nangyari sa mag-anak. Wala pang resulta ang imbestigasyon, ngunit malinaw na namatay ang babae dahil sa natamo niyang hiwa sa leeg.
Paano makakapag-ingat sa loob ng inyong bahay
Nakakalungkot man isipin, pero may posibilidad na mangyari ang mga ganitong aksidente sa inyo. Kaya’t ipinapayo pa rin ng mga eksperto, mabuting umiwas sa panganib kaysa mag-matapang o kalabanin ang mga masasamang loob.
Heto pa ang ilang mga tips na makakatulong upang mapanatiling ligtas ang iyong pamilya:
- Kilalanin at kaibiganin ang iyong mga kapitbahay. Magtulungan kayo upang panatilihin ang kaayusan sa inyong lugar.
- Magbigay ng mga cellphone number, pangalan, at mahahalagang contact number sa iyong pamilya na puwede nilang tawagan kapag nagkaroon ng problema.
- Kapag ikaw ay naholdap o kaya ay pinagnakawan, huwag na manlaban. Mabuting ibigay na lang ang pera sa halip na ilagay sa panganib ang iyong buhay.
- Alamin ang mga taong nasa paligid mo. Tingnan mong mabuti kung may mga taong kahina-hinala ang kilos, at mag-ingat.
- Turuang mag-ingat ang iyong pamilya at palaging alamin kung nasaan sila, lalong-lalo na ang mga bata.
List of emergency hotlines Philippines
Narito naman ang mga emergency hotlines sa Pilipinas na puwede mong tawagan. I-save na ang mga numerong ito para agad na makatawag kapag may emergency.
MMDA
Hotline: 882-3993, 882-4151, 882-4152, 882-4153 to 77
Paano bumuo ng emergency fund at anong pagkakaiba nito sa savings?
Sa panahong mayroong hindi magandang nangyari sa iyo at maiiwan ang iyong mga anak. Kinakailangan na magkaroon ka ng emergency fund para sa kanila.
Magagamit ito sa mga pagkakataong hindi natin inaasahan.
Image from Freepik
Importante rin ang emergency fund lalo na kung nangailangan ka bigla ng pinansyal na suporta na gagamitin sa medikal.
Kaya naman, masasabi nating malaking tulong ang emergency fund para masiguro mo ang iyong future at hindi mamroblema kapag nangangailangan na ng pera.
Paano ko uumpisahan ang emergency fund ko?
1. Kwentahin kung magkano ang gusto mong ipunin para sa emergency fund at saka mag-set ng kailangang gastusin bawat buwan. Makakatulong ito para magastos mo ng maayos ang iyong pera at para hindi ito magastos sa ibang hindi naman importanteng bagay.
2. Ipunin ang mga barya. Piso man ‘yan o limang piso, mahalaga pa rin ito. Kung pagsasamasamahin ang piso na nakikita mo sa bawat ng sulok ng bahay niyo, malaking bagay na ito na pandagdag sa iyong ipon. Ang mga baryang ito ay maaaring ilagay sa alkansya.
3. ‘Wag kakalimutan ang mag-ipon! Mahalaga ang consistency sa pag iipon ng emergency fund o savings. Lalo na kung may sinusundan kang monthly chart para sa iyong pera, expenses at savings.
4. Paggamit ng maayos ng pera. Makakatulong ang paggawa ng monthly expenses plan lalo na kung ikaw ay may pamilya. Makakatulong ito para magamit mo ng maayos ang iyong pera. Maiiwasan rin ang pagbili ng mga hindi importanteng bagay. Kung wala sa monthly plan ang bagay na bibilhin, iwasan muna itong i-purchase lalo na kung may mas importanteng bagay ka pang kailangang paggastusan ng iyong perang inipon
Source:
News24
Basahin:
Paano mababawasan ang pag-aalala habang buntis?
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!