Callie Ahmee sa ganitong paraan tuturuan ng inang si Dimples Romana kung paano maging independent. Ito ay paghahanda sa nalalapit niyang pagpunta sa Australia para doon mag-aral.
Mababasa sa artikulong ito:
- Paano nais turuan ni Dimples Romana ang anak na si Callie Ahmee na maging independent.
- Ang dahilan kung bakit matagal bago nasundan nila Dimples at kaniyang mister ang panganay na anak na si Callie Ahmee.
Dimples Romana to daughter Callie Ahmee: “Ate is now officially a young independent woman!”
Image from Dimples Romana’s Facebook account
Super proud! Ganito kung paano isalarawan ng aktres na si Dimples Romana ang pagiging ina niya sa anak na si Callie Ahmee. Dahil sa murang edad nito na 18-anyos ay marami na itong na-achieved.
Isa na nga rito ang pagkakaroon ng sariling niyang negosyo. Ngayon naman, kuwento ni Dimples sa kaniyang latest social media post ito ay isang official young independent woman na.
Sapagkat sa may sarili na itong bahay sa kung saan magiging practice grounds niya kung paano mamuhay ng mag-isa. Ito ay bago magpunta si Callie sa Australia para doon mag-aral.
Pagbabahagi ni Dimples sa kaniyang social media account,
“Ate is now officially a young independent woman entrepreneur, college student, future pilot/beauty queen & supermodel (Tama naman! Never limit yourself right ate?)
Ate gets the keys to her very FIRST personal space, her own little home that she’s going to live in for a few months to practice – sleeping alone, cooking on her own, looking out for herself, cleaning up etc before she actually leaves for to live and study there .”
Dagdag pa ng aktres, nais man niyang huwag malayo ang anak sa kanila ay hindi niya ito pipigilan sa mga gusto nitong gawin sa kaniyang buhay.
Kaya naman bilang isang ina, ang paghahanda sa buhay na malayo sa kanila at mag-isa ang magagawa niya para masuportahan ito sa mga pangarap niya.
“Gusto ko sabihin na dito ka na lang, pick a safer choice, one that will secure you, a good one but not necessarily one that you WANT, BUT DAD & I will NOT DO that to you.”
“Only you can account for your happiness. So if that means we’ll have to wait here, patiently & eagerly, be away from you so you can GROW & LIVE FREELY and know how the outside world feels like, discover what beauty and kindness you can offer it, like what we said, WE’LL BE RIGHT HERE WHERE YOU WILL LEAVE US ”
BASAHIN:
TAP MAM: Dimples Romana and her inspiring story about hard work and patience
Dimples Romana, niregaluhan ng bagong bahay ang kasambahay niya for 17 years
Dimples ibinahagi ang dahilan kung bakit umabot ng 12 taon bago nasundan ang anak na si Callie
Image from Dimples Romana’s Facebook account
Bilang isang magulang, sabi pa ni Dimples, bagama’t malalayo siya sa anak ay napakasaya niya pa rin. Sapagkat ito na ang pagkakataon na kung saan magagamit ni Callie ang mga bagay na tinuro nila ng mister na si Boyet mula noong ito ay bata pa.
“And what a joyous moment for dad @boyetahmee and I ate to be able to give you this moment Ate. A moment that you can already put into application every virtue and moral value we have taught you since you were a kid.
Every dream and hope we have encouraged in your heart in the hopes that YOU, YOURSELF will find exactly what it is that will make your heart skip lots of beats, and be at your HAPPIEST.”
Sa parehong post ay ipinaliwanag din ni Dimples kung bakit umabot ng 12 taon bago nila nasundan si Callie. Ito ay upang matutukan nila ang pangangailangan ng panganay na anak at makapag-ipon para mabigyan ito ng magandang kinabukasan.
Ngayon, naniniwala ang aktres na handa na itong mag-isa. Isang bagay na naniniwala siyang pinakamagandang bagay na maibibigay nila sa anak ng kaniyang asawa. Ang kalayaan na mamuhay ng mag-isa at pumili ng sariling landas at buhay na tatahakin niya.
“We felt kahit papano we have already prepared enough for when this time comes that we had to give her our ULTIMATE gift to her as parents. The FREEDOM to CHOOSE her own path in college, as an adult, as a woman.”
Ito ang sabi pa ni Dimples tungkol sa nalalapit na pag-alis ng anak para mag-aral sa ibang bansa.
Si Callie ay magpupunta sa Australia para doon ay mag-aral ng aviation at tuparin ang pangarap niyang maging piloto. Maliban kay Callie ay may isa pang anak si Dimples at mister niyang si Boyet Ahmee. Ito ay si Alonzo na magpipitong taong gulang ngayong taon.
Image from Dimples Romana’s Facebook account