Mga restaurants sa Quezon City sisimulan ng ilagay ang calorie count ng tinitindang pagkain sa kanilang menu

Mga lalabag sa bagong ordinansa maaring matanggalan ng business permit.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Calorie labelling policy sisimulan ng ipatupad sa Quezon City. Mga restaurants dapat ng ilagay ang calorie count ng inihahandang pagkain sa kanilang menu.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Calorie labelling policy sa Quezon City.
  • Benepisyo ng bagong ordinansa.

Calorie count policy sa Quezon City

Larawan mula sa Shutterstock

Naaprabuhan na ng Quezon City government ang bagong ordinansang naglalayon na panatilihing healthy ang mga naninirahan dito. Ito ay tinatawag na calorie labelling policy na kung saan mag-rerequire sa mga restaurants sa lungsod na ilagay ang calorie count ng pagkaing inihahanda sa kanilang menu.

Kabilang sa mga dapat sumunod sa bagong ordinansa ay ang mga restaurants, fast food chains at iba pang food establishments. Habang exempted naman daw dito ang mga carinderia bagamat sila ay makakatanggap daw ng incentive kung susunod rin sa ordinansa.

Ang mga lalabag sa bagong ordinansa ay magmumulta ng P1,000 sa first offense. Kung hindi parin sumunod ay P2,000 na ang multa sa second offense at sasailalim na sa training ang manager, president o sinumang namamahala dito. Magiging P3,000 naman ang multa sa third offense na may kalakip ng cease and desist order. At kung umabot pa sa pang-apat o pang-limang offense ay aabot sa P5,000 ang multa kalakip ng pagkaka-revoke ng kanilang business permit.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Shutterstock

Benepisyo ng bagong ordinansa

Ayon sa Quezon City government, ito ay paraan na naisip nila para matulungan ang mga naninirahan sa lungsod na magkaroon ng informed decision-making pagdating sa mga pagkain kanilang kinakain. Lalo pa’t ayon sa data na kanilang nakalap, marami sa mga taga-QC ang nasasawi dahil sa obesity. Ang kondisyon nauuwi sa mga sakit sa kidney at puso. Kaya naman para maiwasan ito, tutulungan nila ang mga taga-QC na manatiling healthy at maging aware sa pagkain na kanilang kinakain.

“If ever mamimili ka ng pagkain mo, for example burger, makikita mo ‘yung calorie count as well as the price. So mayroon ka nang informed decision sa kakainin mo or ‘yung food choices mo.”

Ito ang pahayag ni Quezon City councilor Ram Medalla sa isang panayam.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang calorie labelling policy suportado ng Department of Health. Pero maliban umano sa healthier food choices ay dapat maging physically active din ang mga Pilipino.

Larawan mula sa Shutterstock

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement