LOOK: Joint-celebration ng binyag at birthday ng mga anak ni Camille Prats

LOOK: Joint-celebration ng binyag at birthday ng mga anak ni Camille Prats

Nagkaroon ng isang malaking joint-celebration ang mga anak ni Camille Prats at VJ Yambao nitong ika-22 ng Setyembre, Linggo.

Napagdesisyunan nga ng mga magulang nila Nala Camilla at Nolan Cristiano na pagsabayin ang celebration nang 2nd birthday ni Nala at binyag naman ni Nolan.

Joint-celebration

Sa pag-iisa ng celebration ng 2nd birthday ni Nala at binyag naman ni Nolan, wari'y nagkaroon ng isang malaking festividad para sa dalawang bata na nagce-celebrate ng buhay.

Nag-share nga ng mga litrato ang celebrity mom sa kaniyang Istagram account at nagpasalamat rin eto sa mga dumalo sa celebration ng kaniyang mga anak.

Sambit ng aktres, "Last sunday, we celebrated the christening of @nolan_cristiano and the 2nd birthday of @nalacamilla ❤️?"

Aniya pa, "It made our hearts melt seeing how happy and surprised she was when she entered her party ?"

"Thank you to our Ninongs and Ninangs who are like family to us and our family and friends for celebrating with us ❤️ we love you all ?," pasasalamat ng TV host-actress.

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

A post shared by Camille Prats Yambao (@camilleprats) on

Syempre present ang buong pamilya nila Camille at VJ, maliban sa anak nilang nagce-celebrate na sina Nala at Nolan, nandoon sa okasyon ang mga kuya nilang si Ice at si Nathaniel.

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

Our little boy's christening ? @nolan_cristiano

A post shared by Camille Prats Yambao (@camilleprats) on

Binigyan nga nila Camille at VJ sina Nala at Nolan ng Trolls-themed party at dahil Trolls nga ang tema ng celebration, naging makulay na makulay ang party.

Kahit makulay ang theme ng party nila Nala at Nolan, halos lahat sa kanilang bisita ay nagsuot ng puti para nga sa binyag ng anak ni Camille na si Nolan.


Dumalo rin ang ilang malalapit nilang mga pamilya at kaibigan sa showbiz tulad nga ng kuya ni Camille na si John na kasama ang anak na si Feather at asawang si Isabel pati na rin ang bunso nila na si Freedom.

Nandoon rin ang mag-asawang Zubiri-Smith na si Diana Zubiri at Andy Smith kasama ang anak na si Aliyah.

Present din sa party si Iya Villania at panganay na anak na si Primo.


Source: Nice Print Photography

Basahin: Camille Prats shares mom essentials she would NEVER compromise

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner