LOOK: Camille Prats ipinanganak na si Baby Nolan

lead image

Camille Prats isinilang na ang kaniyang 3rd baby na pinangalanang Nolan Cristiano.

Camille Prats masayang ipinakilala sa kaniyang Instagram account ang bagong miyembro ng kanilang pamilya. Ito ay ang kaniyang 3rd baby na si Baby Nolan.

camille prats

Image screenshot from Camille Prats Instagram account

Camille Prats 3rd baby

Isang bagong anghel na naman ang dagdag sa munting pamilya ng “Munting Prinsesa” ng Filipino television na si Camille Prats.

Kahapon lang ay nagbahagi na ng larawan si Camille ng kaniyang 3rd baby na pinangalanang si Nolan Cristiano.

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

Hello world 💙 meet Nolan Cristiano Prats Yambao, born on July 10,2019 at 7:27am weighing 7.5 lbs 😊 @nolan_cristiano

A post shared by Camille Prats Yambao (@camilleprats) on

Ayon sa kaniyang post, si Baby Nolan ay ipinanganak nitong July 10, 7:27am na may bigat na 7.5 lbs o 3.4 kg.

Sa isa pang larawan sa kaniyang Instagram account ay makikita si Baby Nolan kasama naman ang kaniyang daddy na si VJ Yambao. At pati ang dalawa niyang kapatid na sina Nala at Nathan.

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

My life in one photo ❤️ @vjyambao1 @nathanielcaesar @nalacamilla @nolan_cristiano 💕

A post shared by Camille Prats Yambao (@camilleprats) on

Baby Nolan Prats Yambao

Ang pagdating ni Baby Nolan ay katuparan sa hiling noon ni Camille na sana ay maging lalaki ang kaniyang pinagbubuntis. Dahil ito daw ang gusto ng kaniyang panganay na anak na si Nathan.

Matatandaang inanunsyo ni Camille ang pagbubuntis kay Baby Nolan, Disyembre ng nakaraan taon sa pamamagitan ng isang Instagram post na kung saan 9 weeks palang siyang buntis.

Sa post ay makikita si Camille kasama ang kaniyang asawang si VJ Yambao at mga anak habang siya ay nakaupo at nakasuot ng T-shirt na may nakasulat na “Tis the season to be pregnant.”

Habang sa caption naman nito ay sinabi niyang,

“Our family is getting merrier coz a little present is on the way! God’s greatest gifts comes in surprises and we are over the moon! Unwrapping on July 2019!”

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Camille Prats Yambao (@camilleprats) on

Masayang-masaya rin ang mga netizens at celebrities sa pagdating ni Baby Nolan. Inulan nga nila ito ng pagbati at papuri dahil sa kaniyang ka-kyutan.

chekakramer

Certified instant cutie!!! Congratulations!!! 😊😊😊

dianazubirismith

Congratulations Mama Cams! Hello Pogi Nolan ❤️

kristaranillo

Congratulations!! So adorbs! And love the name! My second son is Nolan too!💙 hope you and baby are doing great!🥰

chariz_solomon

Hello little big pars!!! I can’t wait to meet you!!!! ❤️❤️❤️

Si Baby Nolan ay ang pangatlong anak ni Camille Prats. Ang panganay niya ay si Nathan na kaniyang anak sa yumaong asawang si Anthony Linsangan. Pangalawa naman at only girl ay si Nala na panganay nilang anak ng asawang si VJ Yambao.

 

Source: ABS-CBN News

Basahin: Camille Prats shares how she told son Nathan she was remarrying

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner