Papauwi na sana ang isang pamilya mula sa isang dinner nang mangyari ang isang malagim na aksidente—nasagasaan ng isang ama ang kaniyang dalawang taong gulang na anak. Nagbibigay leksyon ang istoryang ito tungkol sa kahalagahan ng car seat para sa bata.
Nasagasaan ng Sasakyan ang Maliit na Bata
Ayon sa New Straits Times, ang dalawang taong gulang na si Muhammad Rayyan Rizqi Mohd Fakhrul Zaman ay katatapos lang maghapunan kasama ng kaniyang pamilya sa Jalan Kota Baru, Malaysia. Pagbalik nila sa paradahan ng sasakyan, inupo ng kaniyang amang 38-anyos ang kaniyang anak na lalaki sa passenger seat sa harap ng sasakyan. Hindi kasi sila gumagamit ng car seat para sa bata at nakagawian na rin nito na umupo sa harap. Nang maisakay na ang bata, naupo na sa driver’s seat ang tatay at binuksan ang makina.
Sumandal ang batang lalaki sa pintuan ng sasakyan habang nakaupo sa passenger seat. Nang papasok na ang nanay ng sasakyan, binuksan nito ang pintuan mula sa labas. Hindi nito alam na nakasandal pala ang bata sa pinto. Pagkabukas ng pinto, nahulog ang 2-anyos na bata.
The car accidentally jumped forward, leading to the two-year-old’s tragic end. | Image source: New Straits Times
Dahil sa pagkakahulog ng anak, nagulat ang ama at aksidenteng naapakan ang gas (selinyador) ng sasakyan. Umusad paharap ang sasakyan at nasagasaan ang bata.
Dahil sa pagkakasagasa, nagkaroon ng malubhang mga pinsala ang dalawang-taong gulang na batang lalaki na naging sanhi ng kaniyang pagkamatay. Ang kaniyang labi ay nilipat sa Hospital Raja Perempuan Zainab II (HRPZ II) para sa post mortem assessment.
Importansya ng car seat para sa bata
Maliban sa pagbabawal na paupuin sa harap ang mga maliliit na bata at palaging paggamit ng angkop na car seat para sa bata para sa kanilang edad at timbang, heto pa ang ilang paalala na dapat isaisip.
Suriin ang iyong sasakyan bago umalis
- Tignan ang paligid ng iyong sasakyan kung mayroong mga taong naglalakad, ibang sasakyan sa likod at iba pang sagabal. Tignang mabuti kung mayroong mga alagang hayop at maliliit na bata sa paligid. Huwag ding kalimutang tignan ang trunk, upuan sa likod, harap at likod ng sasakyan.
- Habang pinaparada o naka-reverse ang sasakyan, tignan ang rear view at ang iyong side mirror. I-check din ang iyong blind spot. Gamitin ang tamang signal. Gamiting ang hazard light kapag nagmamaneho ng paatras.
- Kapag nagmamaneho ng pabaligtad palabas ng daanan o paradahan, tiyakin na nakikita mo ang lahat ng mga bata sa paligid. Ang maliliit na bata ay mas mataas na posibilidad nag pagkakabangga dahil mahirap silang makita kapag malapit sa sasakyan. Lalo itong delikado kapag ikaw ay nagmamaneho ng trak o SUV.
Paalala sa mga Magulang na nasa Loob o Malapit sa Sasakyan
- Huwag iwan nang walang kasama ang iyong anak malapit sa sasakyan.
- Palaging ipaalala sa iyong maliliit na anak ang kahalagahan ng pagsunod sa batas trapiko at ang pagiwas sa mga sasakyan, kahit ang mga ito ay nakaparada.
- Gumamit ng car seat para sa bata hanggang sila ay maging apat na taong gulang.
- Para sa mga batang may edad na 13 anyos pababa, paupuin sila sa likod para sa kanilang kaligtasan.
- Gumamit na angkop na car seat para sa bata ayon sa edad at timbang ng iyong anak
- Huwag iwan ng walang bantay ang iyong anak sa loob ng sasakyan. Kung may kailangang gawin, isama ang iyong anak. Huwag silang iwang magisa sa sasakyan.
Always remember to give age-appropriate car seats to your children, parents. | Image source: stock photo
Magingat sa mga lugar na lapitin ng aksidente
- Ang mga driveway ng iyong tahanan at mga lugar tulad ng pre-schools ay may mataas na posibilidad ng aksidente para sa mga bata. Mas lalong magingat kapag nasa ganitong mga lugar. Maraming sasakyan ngayon ang may reversing camera ngunit kung ang walang ganitong gamit ang iyong sasakyan, makabubuting kumuha ng isa lalong higit kung mahilig maglaro sa driveway ang iyong anak.
- Mag-ingat lalo na kapag rush hour, pagbabago ng skedyul o bakasyon, dahil mas maraming aksidente sa mga panahong ito.
- Kapag nagmamaneho sa mga residensyal na lugar at school zones, tandaang mag-ingat. Wag magmaneho ng mabilis!
Kaligtasan sa Loob ng Sasakyan: I-lock ang Sasakyan
- “Tumingin bago mag-lock.” Ugaliin na buksan at tignan ang upuan sa likod ng iyong sasakyan bago lumabas. Siguraduhing wala kang naiwang bata. Maglagay ng importanteng gamit – tulad ng handbag – sa likurang upuan, bilang paalala kung kinakailangan.
- I-lock ang sasakyan sa lahat ng panahon, kahit na ito ay nasa iyong sariling driveway o garahe. Huwag hayaang paglaruan ng iyong anak ang iyong susi sa sasakyan.
- Kung ang iyong sasakyan ay may child lock feature, gamitin ito. Sa ganitong paraan, hindi mabubuksan ng iyong anak ang pinto mula sa loob. Maiiwasan ang aksidente.
- Maging maingat at mapagbantay. Sa panahon ngayon, palaging pagod, stress, at hindi madaling makapag-focus sa isang bagay – totoo para sa maraming magulang. Maaari kang biguin ng sobrang pagod na isip, kaya magpahinga at maghandang mabuti bago magmaneho. Gawin ang iyong makakaya upang maging alerto kapag ikaw ay nagmamadali dahil ang aksidente ay maaring mangyari sa hindi inaasahang panahon.
Isinalin sa wikang Ingles ni Criselle Nunag.
References: New Straits Times
Also read:
Mom who doesn’t know how to drive accidentally runs over three-year-old toddler
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!