Trahediya ang inabot ng 3 magpipinsan mula sa Orion, Bataan, matapos silang aksidenteng ma-trap sa nakaparadang sasakyan, at maging biktima ng car suffocation.
Ating alamin ang mga detalye ng insidente, at kung paano ito maiiwasan.
Car suffocation, hindi dapat balewalain
Ayon sa mga awtoridad, naglalaro raw ang mga bata malapit sa nakaparadang sasakyan na pagmamay-ari ng ama ng isa sa mga biktima.
Hindi raw nila alam kung paano, pero nakapasok ang 3 batang sina Agatha Morales, 9-anyos; Shamel Morales, 8-anyos; at Paulaine Morales, 6-anyos sa loob ng sasakyan.
Matapos raw ang ilang oras ay nakita na lang na nasa loob ng sasakyan ang mga bata, at walang malay ang mga ito. Sinubukan pa silang dalhin sa ospital, ngunit sa kasamaang palad ay hindi na nasagip ang 3 bata.
Inaalam pa ng mga awtoridad kung negligence ba ang naging sanhi ng nangyaring aksidente.
Mahalagang bantayan ang mga bata
Ang mga ganitong klase ng insidente ay nakakalungkot, ngunit madaling maiwasan basta maging maingat ang mga magulang. Heto ang ilang mga tips para masiguradong ligtas ang mga bata, lalo na sa sasakyan:
- Siguraduhing naka-lock ang sasakyan, upang hindi makapasok sa loob ang mga bata
- Huwag iwan sa loob ng sasakyan ang mga bata, kahit na mayroong aircon na nakabukas
- Palaging bantayan ang iyong anak kapag sila ay naglalaro
- Importanteng ituro sa mga bata na maging maingat kapag naglalaro, lalo na sa labas ng tahanan
- Ugaliing i-check muna ang sasakyan bago bumaba para masiguradong walang batang maiiwan dito.
- Lagyan ng alarm ang sasakyan o ang iyong cellphone bilang paalala na kailangang icheck ang loob ng sasakyan bago iwan ito.
- Huwag hayaang maglaro malapit o sa loob ng kotse ang mga bata.
- Itago sa lugar na hindi maabot o makukuha ng mga bata ang susi ng sasakyan.
- Kung sakaling mawala sa paningin ang anak, icheck agad ang loob ng sasakyan pati ang trunk nito na maaring pagkakulungan ng bata.
- At kung sakaling nakulong sa loob ng sasakyan ang iyong anak tumawag agad sa emergency services para mabigyan agad ng pangunang lunas ang bata o ang karapatang medical na atensyon at maagapan ang mas malala pang pwedeng mangyari.
Source: GMA Network
Basahin: Uncle of girl who suffocated inside car will be facing charges
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!