Dementia, ito umano ang dahilan kung bakit hindi na aktibo sa showbiz ang beteranang aktres na si Caridad Sanchez. Kung saan ang memorya ng aktres ay unti-unti ng nawawala. Ayon ito sa kaniyang anak na si Cathy Sanchez Babao, ibinahagi niya ang kondisyon ng aktres sa unang pagkataon. Ito’y matapos ang 5 taon mula ng ma-diagnose na may naturang karamdaman ang kaniyang ina.
Caridad Sanchez unti-unti ng nawawala ang memorya
Nitong nakaraang buwan sa pamamagitan ng kaniyang social media account ay ibinahagi ni Cathy Sanchez Babao ang malungkot ng karamdamang nararanasan ng kaniyang ina. Ang 87-anyos na beteranang aktres na si Caridad Sanchez ay may dementia umano at unti-unti ng nawawalan ng memorya. Ito umano ay kanilang nalaman noon pang 2015. Isang bagay na noong una ay ayaw niya sanang isapubliko. Subalit dahil sa gusto niyang magbigay awareness tungkol sa sakit na ito kaya naman ibinabahagi niya na ngayon ang nararanasang kondisyon ng kaniyang ina sa publiko.
“I held back about writing about her condition because of who she is. But just like how it is with mental health conditions, we add to the stigma if we don’t write or speak up about it.”
Ito ang pahayag ni Cathy sa isa sa kaniyang Facebook post tungkol sa kundisyon ng ina.
Samantala, sa isang panayam naman kasama ang showbiz reporter na si Mario Dumawal sinabi ni Cathy na sigurado siyang matutuwa ang kaniyang ina sa kaniyang ginawa. Sapaglat makakatulong siya sa maraming tao sa pagbabahagi ng karanasan nilang mag-ina.
“Why keep it a secret? Hindi naman nakakahiya if we can help others with their journey. I know there are other families going through it but who don’t speak about it. Kaya nga dapat may early detection, awareness and acceptance, so we can arm ourselves with the right information and access to right medicines and care. I believe my mom will be happy too knowing she was somehow able to help.” dagdag pa ni Cathy.
Ang pagkakaroon umano ng dementia ang dream role ng aktres.
Nakakalungkot man kung iisipin ang karamdamang nararanasan ng aktres na si Caridad Sanchez. Subalit ang pagkakaroon umano ng dementia ang dream role ng kaniyang ina na maarte noon pa.
“You know, ang gusto ko talagang role na i-portray ‘yung bang matanda na malilimutin na pero pa minsan minsan may moment na nakakaalala pa siya. Kahit Walang bayad, gagawin ko iyang role na iyan.”
Ito umano ang naging sagot sa kaniya ng ina nang minsang tanungin niya ito tungkol sa dream role niya.
Sa ngayon, hindi niya raw alam kung magpapasalamat siya at natupad ang pangarap ng kaniyang ina. Lalo pa’t sa bawat araw na dumadaan nakikita niyang unti-unti nakakalimutan ng ina ang memorya niya. Tagpo na dumudurog sa puso niya tulad ng mawala ang kaniyang anak.
Isang tagpo na dumudurog sa puso ng anak niya.
“My mother is fading. Day by day, week by week. It is the most difficult challenge of my adult life, next to losing my son.”
“Alzheimer’s is a different story. The waiting time is measured in years. It is anticipatory grief because your heart shatters into tiny bits and pieces as the person you once knew and loved fades away. She’s there, but she’s not all there.”
Ito ang pahayag pa ni Cathy. Dagdag pa niya, sa ngayon ay sinusubukan niyang harapin ang kundisyon ng ina sa humorous na paraan. Sinusubukan niyang ibalik pa rin sa aktres ang kaniyang alaala. Higit sa lahat sa bawat araw na nagdadaan ipinapaalala niya sa inang si Caridad Sanchez na siya’y anak nito.
“The other day I asked my mom when my birthday was and she said that she couldn’t remember. Though my heart sank a bit when I realized she could no longer remember the date, I decided to take it in stride and tell myself how this is part of the condition, and that it was par for the course. Then she said, “Oh baka nakalimutan mo ako ha.” In my head I was thinking, how can a child ever forget their parent? So, I asked, “Mom, Ano niyo ako?” And without missing a beat, she said, “Anak!”
“Thank you for still remembering. It’s true, the heart never forgets.”
Ito ang isang bahagi ng pinakabagong Facebook post ni Cathy tungkol sa kundisyon ng ina. Ayon pa sa kaniya, sa ngayon ang hiling ng ina ay bumalik sa lugar na pinagmulan niya. Sa probinsya ng Cebu na siguradong maraming masasayang alaala ang kaniyang nagawa. At maraming mahahalagang tao sa buhay niya ang matutuwang makita siya.
Ano ang dementia?
Ayon sa World Health Organization, ang dementia ay isang sakit na kung saan nagkakaroon ng deterioration sa memorya, pag-iisip, behavior at abilidad ng isang taong magsagawa ng kaniyang everyday activities. Ang pinakakaraniwan o kilalang tawag sa dementia ay Alzheimer’s disease na madalas na nararanasan ng mga matatandang edad 65-anyos pataas.
Sintomas ng dementia
Ilan sa unang palatandaan o sintomas nito ay ang pagiging makakalimutin. Pati na ang kawalan ng track sa oras at pagkawala sa mga lugar na pamilyar o kabisado naman ng isang tao noon.
Susundan ito ng pagkalimot ng mga pangalan ng taong may dementia sa mga kakilala niya. Makakalimutan niya rin ang pasikot-sikot ng kaniyang bahay. Maaaring mahirapan na sa pakikipag-communicate o paggawa ng mga personal activity o needs niya. Hanggang sa unti-unti kahit pati paglakad ay makakalimutan o maaaring ‘di niya na magawa.
Paano ito maiiwasan?
Bagama’t sinasabing isa ito sa bahagi ng pagtanda ng marami, maaari naman itong maiwasan. Ayon sa mga pag-aaral, magagawa ito sa pamamagitan ng sumusunod na paraan:
- Pagkakaroon ng regular exercise.
- Hindi paninigarilyo at pag-inom ng alak.
- Pagkokontrol ng timbang.
- Pagkakaroon ng healthy diet.
- Pagpapanatili ng malusog na blood pressure, cholesterol at blood sugar level.
Sa ngayon, ayon pa rin sa WHO, ang dementia ay isang public health priority. Patuloy silang gumagawa ng mga hakbang upang maipaaalam sa publiko ang tungkol sa sakit. Pati na kung paano ito malulunasan at maiiwasan.
Source:
BASAHIN:
STUDY: Ang pagiging kulang sa tulog ay maaaring maging sanhi ng dementia
Pag-aasawa at pagtatalik: nakapagpapababa ng panganib ng dementia
Overweight teens at risk for memory loss and dementia by middle age