Carla Abellana enjoy sa pagiging tiyahin sa mga pamangkin niya.
Mababasa dito ang sumusunod:
- Carla Abellana bilang tiyahin sa mga pamangkin niya.
- Reaksyon ng mga netizens.
Carla Abellana bilang tiyahin sa mga pamangkin niya
Larawan mula sa Instagram account ni Carla Abellana
Viral ngayon ang ilang tagpo sa latest vlog post ng aktres na si Carla Abellana. Si Carla kasama ang komedyante na si Alex Gonzaga ay nagbahagi ng experience nila bilang best supportive tita.
Habang niraraid ang bag ni Alex ay ipinakita nito ang wallpaper ng kaniyang cellphone. Ito ay ang cute na pamangkin niyang si Paulina Celestine o Polly. Ibinahagi rin ni Alex kung gaano siya tuwang-tuwa sa pamangkin na agad na sinang-ayunan ni Carla.
“Actually, ang sarap maging auntie no no, maging tita? Super! Kahit ako, grabe obsessed ako sa mga pamangkin ko. Ibang experience.”
Ito ang natutuwang pagbabahagi ni Carla.
Sinundan naman agad ito ng palitan pa ng pahayag ni Alex at Carla na maraming tita o tito ang nakakarelate.
“Tapos pag pagod ka na, di mo na responsibilidad”, sabi pa ni Alex.
“Korek! Pwede mong ibalik ganun”, ito naman ang sagot ni Carla.
Pag-amin pa ni Carla, tulad ng sa marami pang pamilya aminado siyang siya rin ang mahilig mag-spoil ng pamangkin niya.
Si Alex naman inaming siya naman ang mahilig magpaiyak.
“Saka tayo yung mahilig mag-spoil sa kanila”, sabi ni Carla.
“Tayo yung laro laro tapos pag iba na yung mood ibalik mo na. Tapos kapag naaberya ko na, nagiiyak na. Alis na ko.”
Ito ang natatawa pang sabi ni Alex.
Reaksyon ng mga netizens
Ang ilang netizen naka-relate sa usapan nina Carla at Alex. Ito ang ilang sa reaksyon nila.
“Paiiyakin lang sabay babye 🤣 kaya pati nanay bwisit na rin haha.”
“Truth pag laro cge akin muna.pero pag umiyak na,balik na haha.”
“True! Before sa mga nephews and cousins ko, ako nagbabantay at talagang I can say I love kids. Pero nung nagka anak na ako? Jusko! Lage na akong Dragon sa bahay.”
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!