Carla Abellana ibinahaging nagsisimula na siya sa pagpapagawa ng dream house niya.
Mababasa dito ang mga sumusunod:
- Dream house ni Carla Abellana
- Hiwalayan nina Tom Rodriguez at Carla Abellana
Dream house ni Carla Abellana
Tuloy-tuloy na nga talaga ang pagmo-move on ng aktres na si Carla Abellana sa naging hiwalayan nila ng dating mister na si Tom Rodriguez. Sa naging panayam sa kaniya sa nakalipas na GMA Thanksgiving Gala, si Carla ay very busy daw ngayon. Partikular sa pagpapatayo ng dream house niya.
View this post on Instagram
“I am building my house, my dream house. What else, spending more time with my family. Medyo doon ako hindi lang preoccupied pero talagang doon ako busy.”
Ito ang pahayag ni Carla sa panayam sa kaniya ng showbiz reporter na si Nelson Canlas.
Nitong Marso ay ibinahagi ni Carla Abellana sa Instagram stories ang larawan niya habang isinasagawa ang groundbreaking ceremony sa loteng pagtatayuan ng kaniyang dream house. Ito ay kuha ng kapatid niyang si Erica Espiritu na may mensahe rin para sa aktres.
“Proud of this smart, strong and independent woman, @carlaangeline. Here’s to your future dream home!”
Bago pa man ang post na ito tungkol sa pagpapagawa ng bahay ng aktres ay naging usap-usapan ang pagbebenta ninya ng kaniyang condominium sa Pasig City. Ito ay matapos ang hiwalayan nila ng aktor na si Tom Rodriguez.
Hiwalayan nina Tom Rodriguez at Carla Abellana
Larawan mula sa Instagram ni Carla Abellana
Samantala, hanggang ngayon ay hindi pa rin malinaw ang tunay na dahilan sa paghihiwalay ng dalawa. May mga nagsasabing ito ay dahil sa third party, may nagsasabi ring ito ay dahil sa isyu ng dalawa pagdating sa pera.
Sa isang statement na ibinahagi ng manager ni Tom na si Popoy Caritativo sa Instagram noong Hunyo ay sinabi ng aktor na ginawa niya ang lahat para maayos pa ang relasyon nila ni Carla.
“I left the Philippines for the US last March 13, with the realization that despite all my efforts, Carla had already given up on our marriage.”
Ito ang bungad ni Tom sa kaniyang statement.
Pagpapatuloy pa niya, bagamat maraming kumakalat na sinasabing dahilan sa hiwalayan nila ni Carla, sila lang dalawa ang nakakaalam ng katotohanan.
“A lot has been said against me but in the end, Carla and I are the only two people who know the truth. It was not a perfect relationship but we both know how much we loved each other.”
Pinabulaanan rin ng aktor na hindi totoo ang mga balitang kumakalat tungkol sa paghihiwalay nila ni Carla. Ito ay kasinungalingan at unfair daw para sa kaniya.
“I will no longer dwell on the reasons why our marriage fell apart. So many lies have been said of me which are completely untrue and utterly unfair.”
Pero pag-amin ng aktor, alam niyang may pagkukulang siya sa aktres. Nabanggit niya rin na naloko siya at nawalan ng malaking pera. Pero paglilinaw ng aktor ni minsan ay hindi niya napagbuhatan ng kamay ang aktres.
“I may have fallen short as a partner specially when I lost all my money to someone who preyed on my gullibility but it must stressed that at no time did I ever lay a hand on Carla.”
Natanggap niya na rin daw ang naging desisyon ni Carla. Siya daw ngayon ay nagmo-move on na sa US kasama ang kaniyang pamilya. Bagamat napakalungkot at masakit para sa kaniya ang kinahinatnan ng kanilang pagsasama.
Larawan mula sa Instagram account ni Tom Rodriguez
“I have accepted her decision that it’s time to move forward, independent from each other. I have to teach myself to fall out of love from her. This will be a lonely, painful path that I shall take, but together with my family here in the US. I have the strongest support system. I am with people who will never judge and who will only love me unconditionally.”
Ayon pa kay Tom, hinihiling niya daw ang tunay na kasiyahan ni Carla. Kung sakali man ay ito na daw ang huling statement na ilalabas niya tungkol sa kanilang dalawa ni Carla. Dahil sa may gag order siya na kailangan niyang sundin.
”Now that the divorce decree is final, I truly wish Carla’s birthday wish be granted and that she finds the happiness she is searching for.”
“This will be the last you will hear from me on the matter. I have no desire to violate the gag order issued on us and our lawyers.”
Ito ang sabi pa ng aktor.
Sa isa sa kaniyang YouTube video ay minsan ng sumagot si Carla sa komento ng isang netizen tungkol sa relasyon nila ni Tom. Pahayag niya, siya ay nabastos, nagamit, pinagsinungalian at pinagmukhang ‘stupid’ ng mahabang panahon. Sinabi rin ng aktres na nasasaktan siya ni Tom at bawal magalit o magtampo sa anumang ginagawa nito.
“Binigay ko po buong buhay ko sa kanya. 7 na taon po akong bawal magalit, magtampo, masaktan, mabigo, malungkot, madismaya dahil hindi po pwede. Makakatikim po ako kahit subukan ko pong ipaliwanag sa kanya na nasasaktan niya ako at hindi po tama ang mga ginagawa niya.”
“Paulit-ulit ko pong pinapaalala sa kanya na hindi po ako kalaban at mabuti po ang kalooban at intensyon ko.”
Ito ang sabi pa ni Carla.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!