Ikinagulat ng mga netizen ang ibinunyag ni Carla Abellana tungkol sa kaniyang pinagdaraanang pangkalusugan. Sa edad na 37 ay menopause na pala si Carla Abellana.
Mababasa sa artikulong ito:
- Carla Abellana menopause stage na sa edad na 37
- Epekto sa kalusugan ng hypothyroidism
Carla Abellana menopause na sa edad na 37
Matapang na ibinahagi ni Carla Abellana sa kaniyang Instagram ang kaniyang pinagdaraanan dahil sa sakit na hypothyroidism.
Aniya, limang taon nang pahirap sa kaniyang buhay ang sakit na ito.
“5 years. 5 Doctors. Numerous tests over the years. Countless medication in all sorts of combinations. Hundreds of thousands of pesos. Nothing seemed to really work long term.”
Paliwanag ni Carla Abellana, malayo umano sa normal range ang kaniyang hormones. Masyadong mataas ang kaniyang cortisol level.
“I was practically perimenopausal at 37 years of age, and despite fasting (more like starving myself already), along with regular and stringent workouts, I was still gaining weight constantly,” kwento ng aktres.
Hypothyroidism at perimenopausal
Hindi talaga madali ang maging babae. Ang pagkakaroon ng sakit na hypothyroidism ay naiuugnay din pala sa menopausal stage na kasalukuyang pinagdaraanan nga ngayon ng aktres na si Carla Abellana.
Ayon sa Medical News Today, ang perimenopause na nabanggit ni Carla sa kaniyang Instagram post, ay ang stage kung saan ay nagta-transition na ang katawan ng babae patungo sa pagme-menopause.
Ang menopausal stage naman ay ang panahon kung saan ay titigil na ang regla ng babae at hindi na rin siya magkakaroon ng anak.
Ano nga ba ang kaugnayan nito sa thyroid problems?
Sa artikulo ng Medical News Today na may pamagat na “Is there a link between menopause and an underactive thyroid?” nabanggit ang kaugnayan ng dalawa.
Anila, kapag ang thyroid gland ay nag produce ng masyadong marami o kakaunting thyroid hormone, maaari itong magdulot ng iba’t ibang sintomas, na kapareho ng mga sintomas na nararanasan ng babaeng nasa perimenopausal o menopausal stage na.
Hindi ito madali lalo na para sa mga babaeng nasa 30s pa lamang na tulad ni Carla. Na posibleng umaasa pa sana na magkaroon ng anak. Bukod pa rito, sa nabanggit nga ng aktres, matindi rin ang dinanas niyang weight gain kahit na halos hindi na siya kumakain.
“Unless you have Hypothyroidism, you’ll never know what the struggle, frustration, embarassment, worry and desperation is like. Most especially if weight and appearance are key factors in your line of work,” saad ni Carla Abellana.